Chapter 5

1.4K 483 58
                                    


Heather's Point of View

"Tandaan mo ang plano Heather. Kailangan ko na pumunta sa library may kailangan pa akong gawin doon." Sabi ni Elavine. Tumango ako sa kanya meaning na gagawin ko ang unang plano ngayong araw na ito.

Wala pa naman akong nakikitang anino ni Alexine pero nakita ko ang mga kaibigan niya. Napatingin sila sa akin at syempre nilapitan ko sila.

"Hi, kaibigan niyo si Alexine Mendez, hindi ba?" Tanong ko sa kanila. Nakatitig lang sila sa akin.

"So? Papansin ka ba?" Tanong sa akin nung isa pero syempre matiisin akong tao at kailangan kong sundin at gawin ang plano ngumiti lamang ako sa kanila.

"Hindi naman sa nagpapapansin gusto ko lang naman siyang kamustahin. Masyado naman kayong judgemental." Sabi ko sa kanila habang nakangiti. Tumango sa akin si Yana mula sa likod ng dalawa at nakita ko rin si Rissa na pinapanood ako kung paano ko sila makukuha sa pagiging mabait ko.

"By the way, I'm Nathalie and this is Kylee. Ikaw yung bumangga kay Alexine kaya humanda kana sa kanya ngayon dahil may kasalanan ka sa kanya. Sana maka-survive ka sa pasabog niya sa'yo." Sabi ni Nathalie sa akin sabay irap ni Kylee sa akin.

Aba! Mantide si Ate!

Umalis sila mula sa aking harapan at halata naman na naiinis ako kaya naman naglakad papunta sa akin si Rissa at Yana. Niyugyog ako ni Yana at niyakap.

"Inaway nila best friend ko mga butiking iyon. Hayaan mo Heather nandito lang kami kapag kailangan mo ng kakampi." Natawa lang ako sa pagiging over protective ni Yana sa akin.

"Grabe ka naman sa kanila. Darating din ang araw na pagbabayaran nila lahat ng ginawa nila kay Elavine. Akala mo maganda mukha naman silang butiki." Tumawa kaming dalawa ni Yana pero si Rissa blank face lang ang nakikita ko.

"Best friend goals!" Sabi ni Yana sa akin.

"Rissa, bakit ganyan ka ngayon? Anong nangyari sa'yo?" Tanong ko sa kanya.

"Wala lang, ang weird niyo kasi para kayong mga palaka na nakakain ng insekto." Sabi ni Rissa sa amin.

"Grabe si Rissa. Ano nakain mo?" Tanong ni Jax. Hindi namin napansin na nandito na pala siya kanina pa.

"Hindi kasi ako nag-almusal kaya harsh ako ngayon." Narinig namin na may nagsara ng locker kaya napatingin kami sa likod at nandoon pala si Deo.

"Dapat kumain ka. Ang physical education natin ngayon is running kaya kumain ka ng madami mamayang lunch." Sabi ni Deo at naglakad papaalis mula sa amin.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko kay Deo. Tumingin siya sa akin.

"Pupunta ako sa history room para kausapin si Mrs. Urzula." Sabi ni Deo at tuluyan na siyang umalis.

***Bell Rings***

Agad naman kaming nagtungo sa classroom ni Rissa at halata kong tahimik siya. Tinignan ko lang siya baka sakaling umimik na siya pero wala akong narinig na boses niya. Nang maka-upo na kami sa loob ng room doon na ako naglakas loob na mag-tanong.

"Rissa?" Tumingin agad siya sa akin at kinabahan agad ako.

"B-bakit ang tahimik m-mo?" Kabado ako habang tinatanong siya dahil alam ko na nagawa akong ayaw niya.

"Wala lang. Bawal ba manahimik kahit minsan?" Tanong niya sa akin na para bang naiinis siya sa presensya ko.

"Sorry naman..." Sumbat ko sa kanya.

"Alam mo... sana hindi na lang kita nakilala. Naiinis ako sa sarili ko na nakilala pa kita. Bakit kasi ang ganda mo tapos hindi mo naman ako kayang maging kaibigan at hindi mo naman ako kayang pansinin lagi? Naiinis talaga ako!" Sumbat niya sa akin. Nagulat lang ako sa mga sinabi niya.

"Syempre mas maganda ka huwag ka papatalo. Idol kita eh." Naiinis na nga siya sa akin nagawa ko pa talagang mag-loko. Tumingin siya sa akin ng matagal tapos inirapan ako.

"Ri-." Bago ko matapos ang sasabihin ko inunahan na niya agad ako.

"Huwag mo akong kausapin." Sabi nito sa akin at doon na ako nanahimik. Ayaw ko naman na magalit siya sa akin pero ang baba talaga ng rason niya kung bakit siya galit sa akin. Hindi ko dama yung mga pinagsasa-sabi niya tungkol sa akin.

Maya-maya bumukas ang pinto at nakita ko ulit ang babaeng kinaiinisan ng lahat. Alexine Mendez kasama ang dalawa niyang kaibigan. Habang naglalakad si Alexine napansin niya ako na nakatingin sa kanya. Titingin sana ako sa kanya ng masama kaso naalala ko yung plano namin.

Be kind to your enemy

Agad naman akong ngumiti sa kanya at nginitian din niya ako. Himala iyong nangyari. Hindi ko inaasahan na ngingiti din siya sa akin pero syempre sa likod ng mga ngiti naman nababalot ito ng ka-plastikan kaya huwag niyo nang aasahan na magiging realistic ako sa kanya.

Umupo siya malapit sa akin at tumingin sa akin habang nakangiti. Tumingin din sa akin iyong dalawa niyang kaibigan ng mataray. Akala mo kung sinong maganda mukha naman silang mga ipis na natapakan.

"Hi Heater, kamusta ka?" Tanong niya sa akin. Nainis ako sa kanya dahil iba ang pagka-bigkas niya ng pangalan ko imbis ni Heather naging heater na pampainit pero mabait talaga ako at may plano kami ngumiti ako sa kanya.

"Hi Alezine." Asar ko naman sa kanya.

"Alexine iyon hindi Alezine." Nakita ko na inirapan niya ako.

"Heather rin iyon hindi Heater." Sumbat ko naman sa kanya. Napangisi siya at lumapit nang kunti sa akin.

"Wala akong oras para makipag-biruan sa babaeng katulad mo." Bulong niya sa akin.

"Alexine Mendez, hindi naman ako nakikipag-biruan sa'yo." Sumbat ko naman pero mukha namang mabait pa din ang boses ko kaya safe tayo.

"Hindi mo kilala kung sino ang kinakalaban mo." Bulong niya muli sa akin at ako naman ang lumapit sa kanya.

"Hindi kita kinakalaban. Gusto ko lang humingi ng tawad sa nagawa kong kasalanan sa'yo. Sana mapatawad mo ako." Sabi ko na para bang anghel ako.

Tumingin siya sa mga mata ko at syempre inihanda ko ang sarili ko para sa mga titig niya sa akin. Ginawa kong mas kaawa-awa ang mga mata ko at mas mabait din para naman gumana ang plano namin. Lumayo siya ng kakaunti sa akin at nginitian ko naman siya.

"Please? Patawarin mo na ako." Sabi ko sa kanya na para bang anghel ako. Tumingin ulit siya sa akin at napatingin sa mga kaibigan niya. Nakita ko na tumango silang tatlo at tumingin muli si Alexine sa akin.

"Pag-iisipan... ko." Sabi niya sa akin at dumating na ang Math teacher namin.

Bago niya ako alisan ng tingin ngumiti muli ako sa kanya at nag-seryoso na.

Nagawa ko na ang dapat kong gawin sa unang plano. Ang pagiging mabait kay Alexine Mendez at paisipin siya ng husto. Patawarin man niya ako o hindi, I will still do our plan and I will still be Heather Ammarah Marianno.

First plan, be kind to your enemy. Check!

✨✨✨

Diary ng Bitter ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon