Chapter 4

1.6K 490 77
                                    


Heather's Point of View

Pagkatapos ng klase namin nagtungo kami agad sa bahay ni Elavine Fantasia. Kaibigan ni Yana at Rissa si Elavine kaya welcome na welcome kami dito sa kanya. Halata naman sa bahay ni Elavine na mayaman sila kaya kailangan tahimik dito. Binuksan ito ng isang babae at tinanong agad kami.

"Sino po sila?" Tanong niya.

"Kaibigan po kami ni Elavine gusto lang po namin siyang kamustahin." Sabi naman ni Yana agad namang tinawag nung babae si Elavine at nakita ko na ang mukha niya.

"Salamat po yaya." Sabi ni Elavine sa babae.

"Kamusta na kayo?" Tanong ni Elavine sa amin. Napatingin si Elavine sa akin at ngumiti.

"Heather Ammarah Marianno." Sabi ko.

"Elavine Fantasia." Sabi niya at halata naman sa pananalita niya na mabait siya at matalino.

Pinapasok niya kami at pinaupo. Binigyan niya kami ng sandwich at juice at tsaka umupo na rin siya.

"Elavine since madami ka ng experience sa pagiging Queen Bee gusto namin na tulungan mo ang kaibigan namin." Tumingin sila sa akin at ngumiti ulit si Elavine sa akin.

"Isa ka rin pala sa naiinis kay Alexine. Huwag ka mag-alala tutulungan kita na maging ka-level mo siya. Tutulungan kita kung ano dapat ang gagawin mo at paano mo iyong gagawin." Sabi sa akin ni Elavine.

Pinaakyat niya kami lahat sa kuwarto niya at umupo ako sa tabi ng kanyang bintana. Hinaplos ni Elavine ang buhok ko sabay suklay.

"Maging kapantay siya ay mahirap, imposibleng maging kapantay ko siya. Titingin ka pa lang sa mga mata niya alam mo na agad na talo ka sa kanya." Sabi ko sa sarili ko ngunit narinig nila ito.

"Walang imposible Heather." Sabi niya at nagsimula na kaming magdiscuss.

"Ang unang dapat mong gawin ay be kind to your enemy." Sabi sa akin ni Elavine ng seryoso.

"Dapat kahit pahiyain ka niya sa buong school. Binibigyan niya ang mga estudyante ng fake news tungkol sayo maging mabait ka pa din sa kanya para walang gulo at para malaman din ng ibang estudyante kung gaano ka katapang."

"Pangalawa, give your enemy the sweetest smile you have."

"Kapag nakatingin siya sayo ngumiti ka lang at kung nakasalubong mo siya just smile para malaman niya na kaya mo rin siyang pantayan at para malaman niya rin kung sino ang papalit sa puwesto niya. Tatangkilikin ka ng lahat kung ganito ang iyong gagawin Heather. Mas magiging mabait ka sa paningin nila at road to being famous na iyon kaya dapat mo itong gawin."

"Pangatlo, be plastic to your enemy."

"Alam mo na, plastikin mo siya yung sasabihan mo siya ng postive things kahit hindi naman totoo it's called being plastic. Kasama ito sa plano kaya huwag ka tumanggi."

"Pang-apat, be friends with your enemy."

"Ito na ang road to being famous mo. Dito kana sisikat. Ang mga kaibigan ni Alexine Mendez na si Nathalie at Kylee at sumikat dahil lang kay Alexine kaya dapat maging kaibigan mo siya. Kung nakikita naman ni Alexine na gusto ka ng mga tao isasali ka niya sa grupo nila."

"And last but not the least, fifth. Take everything she has."

"Dito kana ta-target. Kapag naging close friends na kayo at napa-tame mo na siya agawain mo ang lahat ng mayroon siya at doon kana magiging malaya at syempre famous kana wala ka ng problema kung hindi ang kumaway at ngumiti sa mga tao."

"Kailangan ko ba talaga iyon gawin?" Tanong ko kay Elavine. Tumango ito sa akin habang nakatingin sa akin.

"Paano ka niya nataasan? Mas mabait ka naman sa kanya at mas matalino?" Tanong ko kay Elavine.

"Ang problema kasi sa akin masyado akong mabait. Akala ko gusto niya talaga ako maging kaibigan iyon pala kinuha na niya ang lahat sa akin at hindi na niya ako napapansin pero ang pagiging mabait ko at matalino hinding-hindi niya maaagaw. Tinutulungan kitang gawin mo ito at paalisin si Alexine sa taas dahil masama na ang ginagawa niya sa lahat." Sabi sa akin ni Elavine ng nakatingin sa baba pero tumingin ito sa akin muli.

"Hindi na siya gusto ng tao Heather... kinakatakutan na siya ng lahat at kung ipagpapatuloy pa niya iyon lahat tayo kawawa. Hindi kita tinutulungan para paalisin lamang siya taas kundi para makamit ko rin ang sweet revenge ko sa kanya. Sa takdang panahon siya naman ang hihingi ng tawad sa akin." Sabi ni Elavine.

"Kaya habang may oras pa simulan mo na ito hindi lamang para sa akin kundi para sa ating lahat." Tumango ako sa kanya at niyakap ko siya.

"Maraming salamat sa tulong mo. Sana magawa ko itong matagumpay." Niyakap muli ako ni Elavine at tumawa siya.

"Alam kong magagawa mo iyon ng matagumpay dahil nandito naman kami para suportahan ka." Sabi ni Elavine.

Umuwi na kami ng aming bahay at patuloy parin akong tulala. Grabe naman pala ang ugali ni Alexine. Plastik na nga mang-aagaw pa. Hindi ko ma-imagine lahat ng pinaggagagawa niya sa lahat ng tao. Sinasaktan niya at pinapaiyak. Wala namang ibang makatitigil nito kundi ako lamang kaya sisimulan ko na ang plano bukas.

"Anak bumababa kana dito at kumain ng hapunan." Tawag sa akin ni Mama. Tumayo ako at pumunta sa baba.

"Mama paano mo lalabanan ang kasamaan?" Maikling tanong ko kay Mama. Napatingin siya sa akin.

"Pigilan mo." Maikling sagot naman niya.

Exactly, pipigilan mo.

"Bakit may problema ba?" Tanong ni Mama sa akin.

"Wala naman po. Natanong ko lang po pero Mama salamat sa sagot kailangan ko po kasi talaga iyong sagot mo at syempre nakatulong naman." Napatawa lang si Mama sa sinabi ko.

"Kumain kana. Mamaya na iyan." Binaba ko muna ang papel na hawak ko na ang laman ay ang mga plani namin.

Pagkatapos kumain umakyat na agad ano ng kuwarto ko at humiga. Tumingin ako muli sa papel at napapikit.

"Sana magawa ko ito ng matagumpay." Bulong ko sa sarili ko at binuksan ko muli ang aking mga mata.

Pumunta ako malapit sa bintana ng kuwarto ko at tumingin sa langit. Kung ang araw mas malaki sa buwan ganoon din si Alexine ngayon. Araw siya at ako'y buwan ngunit mag-hintay lamang siya dahil malapit na ang katapusan niya at kami naman ni Elavine ang tatangkilikin ng students ng Wellington Academy at darating din ang panahon na hihingi siya ng tawad sa mga  kasalanan niyang nagawa kay Elavine.

A true champion will fight through anything.

✨✨✨

Diary ng Bitter ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon