Chapter 28

831 417 41
                                    


Heather's Point of View

Ilang araw na ang lumipas simula nang umalis si Fraye dito. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala na akong matatakbuhan. Tanging ang sarili ko na lamang ang aking kakampi kaya napag-desisyonan kong kausapin ng malumanay ang mga kaibigan ko na itinakwil ako pero hindi muna ako lalapit sa kanila sa ngayon. Hahanap ako ng tamang tyempo para makausap ko sila.

Sabado ngayon kaya pwedeng-pwede akong magpahinga pero syempre dahil mabait ako kailangan tumulong muna ako kay Mama bago humilata ng maghapon.

Dahil masyadong madumi ang bahay namin napag-isipan kong maglinis ng maigi para pagdating mamaya ni Mama galing sa palengke nakalinis na ako at nakapag-luto na ng almusal namin.

"Mama, nakahanda na po yung almusal natin." Sabi ko agad nang makapasok si Mama sa loob.

"Oh, ito anak. Bumili ako ng pandesal para naman kahit papaano masanay kang kumain ng pandesal." Sabi sa akin ni Mama at pinahawak niya ito sa akin.

Nilagay ko ito sa lamesa at pumunta sa may kusina kung saan may nakatagong peanut butter at strawberry jam sa loob ng mga cabinet.

"Hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko. Masarap kasi silang dalawa." Sabi ko sa sarili ko ngunit narinig pala ako ni Mama.

"Sino ang masarap anak?" Tanong ni Mama sa akin.

Double meaning...

"Mama, ano ba mas masarap? Strawberry jam o peanut butter?" Malakas kong tanong kay Mama.

"Kahit ano basta may mailaman sa tiyan." Napabuntong-hininga na lamang ako at kinuha na lamang ang strawberry jam.

Ipinalaman ko ang strawberry jam sa pandesal ngunit nang makita ako ni Mama na kinain iyon napatingin siya sa akin na para bang nandidiri siya.

"Anak, strawberry jam ipinalaman mo sa pandesal? Ang baduy mo naman Heather." Nandidiring sabi sa akin ni Mama.

"Kaya nga po ako nagtatanong kung ano ang mas masarap kasi mother knows the best. Tsaka Mama ipapalaman ko po sa pandesal hindi ko papapakin." Napakamot ako sa ulo ko at pinabayaan na lang ako ni Mama.

"Oh sige, may gagawin lang ako sa taas kumain ka lang dito." At nang iwanan ako ni Mama biglang tumahimik ang aking mundo.

Wala na kasi yung group chat namin na laging maingay. Yung punong-puno ng katatawanan. Yung lagi kong inaabangan tuwing gigising ako. Wala na lahat iyon. Mga kaibigan kong gigisingin ako kahit alas-tres pa lang ng madaling araw. Yung mga kaibigan ko sasabihan akong kapag nagising daw ako ng 3:00 am or past may nakatingin daw sa akin na multo or kaluluwa na hindi ko alam. Yung mga kaibigan kong ang daming alam sa ano... alam niyo na 'yon. Wala na lahat 'yon.

Si Fraye naman na nag-iisang ko na lamang kaibigan wala na rin. Iniwan na rin ako. Naiintindihan ko naman siya pero hindi talaga ako kamapante na iyon ang rason niya kung bakit siya aalis. May mas malalim at nakakagulat pang rason para sa akin kung bakit siya umalis na hindi pa niya nasabi sa akin. Para bang may tinatago siyang bagay na tungkol sa kanya na hindi niya masabi kasi ayaw niyang mag-alala ako.

Pagkatapos ko mag-almusal agad na akong naghugas ng plato at naligo para pumunta sa bahay ni Elavine. Gusto ko siyang makausap ng matino.

Agad akong nagbihis at nagayos ng sarili ko para halata niyang pinaghandaan ko talaga ang pagbisita sa kanya.

"Mama?" Tumingin sa akin si Mama dahil nakabihis ako.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Mama sa akin.

"Bibisitahin ko lang sana mga kaibigan ko." Paalam ko kay Mama.

"Saglit ka lang Heather. Bumalik ka agad dito. Oh, ito baon mo para kapag nagutom ka may pambili ka ng pagkain." Binigyan ako ni Mama ng pera at nagpasalamat naman ako sa kanya.

Agad na akong nagtungo sa labas at ginamit ang aking bike para makapunta sa bahay nila Elavine. Malapit lang naman ang bahay ni Yana at Elavine sa bahay namin kasi sa iisang village lang naman kami nakatira pero mas gusto ko talagang umangkas ng bike.

Nakarating agad ako sa bahay ni Elavine at habang naglalakad ako papalapit sa pintuan nila mabilis ang pagtibok ng puso ko at pinagpapawisan na ako. Bago ako kumatok talagang nanginginig ako at kinakabahan ng todo.

Kumatok ako ng malakas at maya-maya binuksan ito ni Elavine at nakita ko ang lahat ng aming kaibigan na nasa loob.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Elavine sa akin.

"Gusto k-ko lang sana makipag-usap sa-sa'yo ng maayos, kung pwede?" Tanong ko sa kanya.

"Pumasok ka muna mukhang uulan ng malakas." Sinara niya ang pinto at tumingin silang lahat sa akin.

"Ano ang gusto mong iparating?" Tanong ni Elavine sa akin.

"Gusto ko lang naman humingi ng tawad sa lahat ng mga nagawa kong mali sa inyo." Sagot ko.

"Sa tingin mo mapapatawad ka namin ng mabilis?" Tanong sa akin ni Deo.

"Gagawin ko ang lahat para mabuo ulit tayo." Naiiyak na sabi ko sa kanila.

"Heather, sa simula pa lang hindi ka na talaga kasali sa amin kaya huwag ka masyadong pabida." Naiinis na sumbat sa akin ni Rissa.

"A-ano? Hindi 'yan totoo Rissa." Sabi ko.

"Hindi ko naman sinasadya lahat ng ginawa ko. Humihingi ako ng tawad." At doon na bumuhos ang luha ko.

"Umalis ka na lang Heather. Pasensya na pero hindi ka namin kayang patawarin." Sabi naman ni Yana sa akin.

"Narinig mo naman sila Heather. Ayaw nila, ayaw ko rin." Tumingin ako kay Nixon at umiyak.

"Nixon..."

"Pasensya na Heather pero wala talaga. Hindi ka namin mapapatawad." Tumayo si Elavine para ihatid ako sa labas.

"It's time for you to leave." Tumayo ako at niyakap si Elavine ng isang beses.

"Kahit hindi niyo ako mapapatawad ayos lang sa akin basta lagi niyong tatandaan mahal na mahal ko kayong lahat." Sabi ko sa kanila habang umiiyak.

"Kaya ko mag-isa." Sabi ko kay Elavine.

Binuksan ko ang pinto at nakitang umuulan na. Wala pa naman akong dalang payong pero ayos lang kaya ko naman ang sarili ko. Umangkas ako sa aking bike at tuluyan ng umalis.

Kung hindi nila ako mapapatawad wala na akong magagawa doon dahil desisyon nila iyon. Masakit man sa akin pero kailangan tanggapin ko ang consequence ng ginawa ko.

Nang makauwi ako sa bahay agad akong nagpalit ng damit at humiga sa aking kama at napaisip ng sobrang lalim.

Dito ko lang nalaman na mas masakit pala ang mawalan ng kaibigan kaysa sa taong espesyal sa'yo.

I'm not perfect. I make mistakes, I hurt people. But when I say sorry, I mean it.

✨✨✨

Diary ng Bitter ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon