Chapter 1

4.4K 555 320
                                    


Heather's Point of View

Unang araw ng pasukan kinakabahan na agad ako. Hindi ako sanay sa mga taong nakapaligid sa akin. Habang naglalakad ako sa hallway ng Fauxiton Academy halos lahat ng estudyante nakatingin sa akin. Tinuloy ko ang paghahanap ng Principal's Office ngunit nahirapan talaga ako.

Ako nga pala si Heather Ammarah Marianno. 17 years old nakatira sa bahay. Transferee ako dito ngayon kaya wala pa akong kaibigan. Wala naman may gusto makipag-kaibigan sa akin sa lumang school ko kaya mananahimik na lang ako. Tumingin ako sa relo ko, 20 minutes bago magsimula ang klase ng lahat kaya kailangan ko na hanapin yung office. Ang laki kasi ng Fauxiton Academy kaya nahihirapan ang mga bagong student kumuha ng schedules nila para sa bawat klase.

Ang pangalan pala ng mama ko ay Hilda Marianno at ang papa ko naman ay Freddie Marianno. Sumakabilang-buhay na ang papa ko noong bata pa ako kaya naman ngayon si mama na lang ang nag-aalaga sa akin. Nagkaroon kasi ng malubhang sakit si papa kaya naman maagang nawala. Wala akong kapatid. Malungkot man ang buhay ko pero basta't kasama ko si mama mas gumaganda naman ang buhay ko at sumasaya.

"Miss? Sa'yo ba ito?" Lumingon ako sa likod at nakita ko ang lalaking mala-Chinese ang mukha. Tumingin ako sa kanya at sa hinahawakan niyang wallet ko.

"Oo, s-sa akin nga." Agad naman akong nagpasalamat sa kanya at kinuha ang wallet ko.

"Pwede mo ba akong tulungan?" Lumingin muli siya sa akin.

"New student ako dito. Pwede mo ba akong tulungan na hanapin yung Principal's Office?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman, ako nga pala si Deo Brent Wang. Half filipino, half chinese. And you are?" Tanong niya sa akin.

"Heather Ammarah Marianno." Sagot ko sa kanya. Tumingin siya sa mata ko at feeling ko ang init na ng pisngi ko.

"Nice to meet you Heather, you can call me Brent or Deo but I prefer Deo." Agad naman niyang tinuro sa akin ang Principal's Office at kumatok ako ng mahina.

"Pumasok kana. Aantayin kita dito sa labas." Sabi sa akin ni Brent. Tumango ako at binuksan ang pintuan.

Nakita ko ang isang babaeng nakaupo at tumingin ito sa akin. Lumapit ako sa kanya at nagsimula nang magtanong.

"Good morning po, kukunin ko lang po sana yung schedule ko for my classes. I am Heather Ammarah Marianno." Sabi ko sa kanya. Binuksan niya ang mga cabinet niya at maya- maya nahanap na niya ang schedule ko.

"New student ka dito Miss Marianno?" Tanong niya sa akin.

"Opo."

"I am Mr. Torres the Principal of this school. If you need anything my door is always open." Nagpasalamat ako sa kanya at lumabas na ng room. Grabe, sobrang lamig sa loob kumpara dito sa hallway.

Agad naman akong naglakad sa hallway at may tumawag sa pangalan ko. Tumingin ako sa likod ko at nakita si Deo.

"Sorry! Nakalimutan ko nandoon ka pala. Sorry Deo!" Natawa lang siya sa akin.

"Okay lang. What's your first class?" Tinignan ko ang schedule ko at nakita na Math ang una kong klase.

"First Mathematics, Second Physics, Third English, Fourth MAPEH, Fifth History, Seventh Filipino and Last Research." Binasa ko ang schedule ko para sa kanya at napatingin siya sa taas.

"You have the same schedule as Jax and Nixon." Sabi niya sa akin.

"Sino sila?" Tanong ko naman kay Deo. Sino nga ba sila?

"Kaibigan ko sila. Mababait naman sila kaya no need to worry."

***Bell Rings***

"Pumunta kana sa first class mo." Sabi sa akin ni Deo at agad naman siyang nagtungo sa klase niya.

Habang naglalakad ako sa hallway may nakita akong magka-akbay na lalaki at babae. Seryoso? Pati ba naman sa loob ni iskuwelahan naglalandian parin sila? Wala naman akong magawa kaya inirapan ko na lang sila. Nakita ko na ang Mathematics class ko at agad kong binuksan ang pinto. Halos buong estudyante nakatingin sa akin. Nakahanap ako ng empty seat kaso may nagsalita.

"Huwag ka umupo dyan. Si Alexine Mendez lang ang pwede umupo dyan." Sabi sa akin nung babae.

Nakanahanap ulit ako ng empty seat kaso nagsalita ulit siya. Napatingin ulit ako sa kanya.

"Huwag ka dyan, mamalasin ka." Sabay tawa nila sa akin.

May kaibigan siyang tatlong babae. I'm guessing na parang may pagka-tibo sila. Nakahanap ako ng empty seat at nakaupo naman ng walang interruptions.

Tumingin sa akin yung babae mula sa gilid at ngumiti sa akin.

"Anong pangalan mo?" Tanong niya sa akin.

"Heather Ammarah Marianno." Tumango ito ng mabagal.

"Rissa Winfield." Sabi naman niya sa akin.

"Winfield?"

"Big deal ng surname ko sa'yo ah." Sagot niya sa akin.

"Kakaiba kasi." Sabi ko naman.

"Oo, Winfield. I'm half American so Winfield." Sabi nito sa akin. Madami palang galing ibang bansa dito.

"Mabuti naman at marunong ka mag-Tagalog." Naiinis na sabi ko sa kanya pero bakit ako naiinis sa kanya? Ano nga ba ang rason?

"Oo naman, dito na ako lumaki, Philippines." Sabi niya sa akin na tuwang-tuwa. Weird naman nitong nakilala ko.

Wala pa naman ang teacher namin kaya tumayo muna ako para pumunta sa restroom kaso nang binuksan ko ang pinto nabangga ko yung babae. Yung iniinom niya natapon sa damit niya. Nagtinginan lahat ng estudyante sa amin.

Tinignan niya ako mula paa hanggang sa makarating siya sa mga mata ko. Kitang-kita mo sa kanyang mukha ang galit at inis na dulot ng nangyari sa kanya.

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Sigaw sa akin nito. Tinulungan ko siyang tumayo pero mataas ang pride niya. Hinampas niya ang kamay ko at tumayo siya.

"Linisin mo ngayon yung kalat mo!" Sabi sa akin nito.

Kahit kailan hindi ko naranasan ang mapasok sa ganitong sitwasyon. Nang matapos kong linisin ang kalat agad na akong umupo sa upuan ko at nakatingin sa akin si Rissa.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Yung nabangga mo kanina si Alexine Mendez iyon. Famous siya sa buong school. Mabuti na lang at hindi ka niya sinaktan, maswerte ka pa." Sabi sa akin ni Rissa.

Napatingin ako kay Alexine at nahuli niya akong nakatingin sa kanya kaya naman tumingin ako sa direksyon.

Habang nagtuturo ang teacher namin nakatingin lang ako kay Alexine. Sobrang sama naman ng ugali niya. Kung mananatili siyang ganyan sa takdang panahon walang tutulong sa kanya.

Maya-maya may nagbato ng papel sa ulo ko. Mabuti na lang at sa likod ako nakaupo. Walang nakakita sa nangyari. Tumingin muna ako sa paligid ko kung may nakatingin man sa akin at agad kong binuklat yung papel pero kinalabit ako nung nasa likod ko at lumingon naman ako sa kanya.

"May ballpen ka?" Tanong niya sa akin. Tumango ako at naghalungkat ng ballpen sa bag ko. Binigay ko ito sa kanya at tinignan ko muli ang papel.

Binuklat ko ulit yung papel at nakita ko na ang nakalagay sa loob ng papel.

Ang ganda mo.
-Rissa

✨✨✨

Diary ng Bitter ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon