Chapter 34

813 410 78
                                    


MissFantasia: Guys! Tuloy yung plano natin!

KyeoptaYana: Yazzer!

RissaTheGreat: Hindi ako makakasama. May sakit ako. Sorry...

DeoWang: Bayot ka talaga eh...

RissaTheGreat: Bida ka Deo?

HeatherDaBitter: Sumama ka Rissa!

RissaTheGreat: Oo naman, charot charot lang na may sakit ako.

Nixxonn: Gusto mo maging totoo? @RissaWinfield?

JaxForYou: Hi guys!

MissFantasia: Anong nangyari sa nickname mo Jax?!

HeatherDaBitter: LT

KyeoptaYana: Hoy Jax! Nuginagawamue?

RissaTheGreat: Ang bangis mo Jax! Idol!

JaxForYou: Para talangang engot itong si Rissa! Trip mo ba apelyido ko? Bida ka na naman ah.

RissaTheGreat: Ok na 'yan kaysa naman Jax Foras. Ano kaya 'yon?

HeatherDaBitter: Ha? Hakdog?

Nixxonn: San? Sandok?

RissaTheGreat: Pasok ko sa inyo yung sandok tsaka hotdog eh.

MissFantasia: Yuck!

KyeoptaYana: Ew!

JaxForYou: Dugyot naman Nixon, daming babae eh

DeoWang: Pasok mo muna sa'yo!

Nixxonn: Rissa! Idol!

RissaTheGreat: Pasok ko muna kay Heather my loves.

HeatherDaBitter: Ang baboy naman. Wala na pabida ka talaga. Ang baboy!

MissFantasia: Basta tuloy tayo ngayon. Aayusin ko na gamit ko tapos susunduin ko na si Heather. Sabay kami pupunta sa bahay niyo @LoreanaSmith.

KyeoptaYana: Okay, bye!

Heather's Point of View

"Doon ba kayo magpapalipas ng gabi?" Tanong ni Mama habang nag-aayos ako ng aking gamit.

"Opo." Maikling sagot ko.

"Mag-ingat kayo. Iba na ang panahon ngayon. Madami na ang may mga masasamang balak." Tumango ako at agad namang umalis si Mama.

Naalala ko si Rissa. Paano kaya ako matutulog kung katabi ko iyon mamaya?

Biglang may pumasok sa kuwarto ko ng hindi ko inaasahan.

"My loves!" Si Rissa...

"Nuginagawamue?" Natatawang biro ko sa kanya.

"Ha? Hakdog?" Biro naman niya sa akin.

"Ang bagal mo naman kumilos. Parang pagond lang. Idol mo ba yung pagong?" Umagang-umaga iniinis na naman ako ng babaitang ito.

"Mana ako sa'yo eh pero ako mabagal lang kumilos ikaw naman kamukha mo yung pagong." Sumbat ko sa kanya.

"Oh talaga? Share mo lang?" Sabi naman nito sa akin.

"May sinabi ako? May sinabi ako?" Naiinis na sumbat ko ulit dito.

"Tabi tayo mamaya ah. Sa kama." Tumingin ako sa kanya at sabay kindat naman niya sa akin.

"Ulol..." Sagot ko sa kanya.

Diary ng Bitter ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon