Chapter 20

894 439 73
                                    


Heather's Point of View

Umagang-umaga pa lang ay mayroon na agad tumawag sa akin kaya naman agad na akong bumangon at binuksan ang cellphone ko.

"Heather?" Agad kong narinig ang boses ni Deo.

"Bakit?!" Naiinis na tanong ko sa kanya.

"Pwede ba kitang mahiram sa Mama mo? Kahit ngayon lang?" Tanong niya sa akin.

"At bakit? Deo wala ako sa mood para magpaligaw kaya pasensya kana hindi ako-." Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko narinig ko ang tawa ni Deo.

"Hindi naman kita liligawan. Gusto lang naman kita makasama kahit sa isang buong araw lang. Like a friendly date, please."

"Ayaw ko." Sabi ko agad sa kanya.

"Oh come on, my treat!" Sabi niya sa akin.

"Really? What time?" Tanong ko.

"8:30 today, bye!" Sabi niya at agad na binaba ang tawag namin.

Basta may word na 'libre', why not?

Tumingin ako sa orasan at kita ko na 7:30 pm na ng umaga kaya naman agad na akong bumangon at bumaba para magluto ng almusal ko.

"Saan ang punta mo?" Tanong ni Mama sa akin.

"Friendly date po." Sagot ko naman ng maayos.

"Bago kay umalis gusto ko munang makilala kung sino ang kasama mo aalis. Lalaki man o babae gusto ko makilala, ayos ba?" Tumango ako kay Mama at nagluto na ng almusal ko.

"Pero Mama kilala mo na po si Deo." Sabi ko sa kanya.

"Deo? Yung lalaking gwapo na nililigawan ka?" Tanong ni Mama sa akin.

"Ma! Lahat naman ng kilala mong lalaki para sa'yo gwapo, don't act so innocent!" Sagot ko kay Mama.

"Have some respect you little brat!" Sabi ng Mama ko sa akin.

"For your information hindi niya po ako nililigawan. Friends lang kami. Hindi mo na siya kailangan makilala dahil nakilala mo na siya dati." Sabi ko kay Mama.

"Pero gusto ko parin siya kausapin." Sabi ni Mama sa akin at sabay akyat sa kuwarto niya.

Minsan naiinis ako dahil masyadong paranoid siya. Kung ano-ano pumapasok sa isipan nya na hindi naman tama.

Maya-maya tumawag ulit sa akin si Deo at sabi niya na parating na daw siya kaya naman binilisan ko na ang kilos ko.

Umakyat ako sa kuwarto ko para magbihis at agad naman akong natapos maya-maya nagulat ako sa sigaw ng Mama ko kaya nadulas ako.

"Araaaaayyyyy!" Sigaw ko at mabilis na umakyat si Mama at nakita ko na nandito na pala so Deo.

Ohmyghad ang pogi ni kuya ko!!

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Deo sa akin sabay tingin sa paa ko.

"O-oo naman, okay lang. Nadulas lang ako pero ayos lang ako." Sabi ko kay Deo at agad niya akong tinulungan tumayo.

Diary ng Bitter ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon