Chapter 40

932 408 46
                                    


Heather's Point of View

"Natatakot akong kausapin sila. Baka mamaya ayaw nila sa akin." Kinakabahang sabi sa akin ni Alexine.

"Huwag ma mag-alala. Parang hindi mo nakilala sa Elavine ah. Mabait sila. Huwag ka kabahan. Basta huwag mo muna ako pansinin mamayang first period para surprise." Sabi ko kay Alexine.

"May surpise pa? Huwag na. Kausapin ko na agad sila." Nagpupumilit na sabi sa akin ni Alexine.

"Mamaya na. Sige na, doon ka na kay Jax. Huwag ka ng makulit." Napabuntong-hininga na lamang siya at kinawayan ako bago pumunta kay Jax.

Bago ako pumunta sa classroom inuna ko munang bisitahin ang garden kung nasaan naroroon sina Elavine, Yana, Rissa, Deo at Nixon na nagku-kuwentuhan sa damuhan. Nang makita nila ako agad nila akong tinawag at niyayang umupo sa damuhan.

"Ang sarap pala ng hangin dito." Sabi ko habang niraramdam yung simoy ng hangin.

"Oo, kaya bago magfirst period nandito na ako. Ang sarap kasi ng simoy ng hangin. Nakakaginhawa." Sabi sa akin ni Elavine.

"Tsaka ang tahimik. Ang ganda pa ng view." Dagdag naman ni Yana.

"Kasing ganda mo." Sabi naman ni Rissa.

"Ayieeeeeee."

"Oh, tama na. Abusado na kayo." Sabi ni Yana na para bang natatawa.

"Saan na naman nagpunta si Jax?" Tanong ni Deo.

"Kasama niya si Alexine. Nasa library ata sila eh." Sagot ko kay Deo.

"Minsan na lang natin nakakasama si Jax. Nakakamiss yung mga panahong wala pa siyang ibang priority kung hindi tayo." Kuwento sa amin ni Nixon.

"Makakasama rin natin siya at mabubuo tayo. Malay mo may dumagdag pang iba." Parinig ko sa kanya.

"Dumagdag na iba? Ayos rin pero gusto ko si Jax kahit minsan lang maging priority rin niya tayo. Sana hindi siya nagbago." Bulong ni Nixon.

"Huwag ka iiyak. Nandito lang naman ako para sa'yo eh." Asar ni Deo kay Nixon. Nagsalita muli si Nixon.

"Hindi ako beki kaya tigil-tigila mo ako ah." Natatawang sumbat ni Nixon.

Nang tumunog ang bell agad kaming pumasok sa classroom namin para sa first period. Nakita ako ni Alexine at ngumiti. Kumaway ako sa kanya ay umupo sa tabi ni Rissa.

"Alexine Mendez, ngumiti kay Heather Marianno." Sabi sa akin ni Rissa.

"Ayos lang ba siya?" Tanong sa akin ni Rissa.

"Ha? Oo naman... ayos lang. Bakit ba?" Tinignan ako ni Rissa ng maigi sa mata.

"Parang may tinatago ka... ano 'yan?" Tumawa ako na para bang walang alam at nagsalita.

"Wala nga. Huwag kana masyadong madaming tanong. Shhh ka na lang. Okay?" Sabi ko sa kanya.

Tumingin ako ng pasimple kay Alexine at nakitang kasama niya sina Nathalie at Kylee.

Bakit parang ako ang kinakabahan para kay Alexine?

Pagkatapos ng klase namin agad na kaming nagtungo sa garden. Sinabihan ko si Alexine na sumama sa akin kasama si Kylee at Nathalie.

Pagkarating namin doon. Nakita nila Elavine na kasama ko sina Alexine at bigla silang nanahimik. Tumingin ako kay Alexine at tumango.

"Guys? Pwede bang pakinggan niyo muna ako? Wala akong gagawing masama." Nakinig naman silan lahat kay Alexine at nagsimula na itong magsalita.

"Pasensya na..." Nagisip silang lahat kung bakit iyon nasabi ni Alexine. Tumingin si Alexine sa mga kaibigan ko at ngumiti.

"Alam ko na madami akong nagawang kasalanan sa inyo kaya pasensya na. Humihingi ako ng tawad. Kung hindi niyo man ako kayang patawarin eh ayos lang naman sa akin basta sina Kylee at Nathalie gusto kayo maging kaibigan at pati ako." Sabi ni Alexine.

"Sana patawarin niyo ako. Gusto ko kayo maging kaibigan. Alam kong mahirap akong mapatawad dahil marami na akong nagawang kasalanan sa inyo pero pangako ko naman na magbabago na ako. Namulat ako sa katotohanan na hindi na tama at mabuti ang ginagawa ko kaya sana patawarin niyo ako."

"Elavine, gusto ko ulit maging matalik kitang kaibigan. Alam ko na naging masama ako sa'yo pero sana ibalik natin yung dating masaya tayong dalawa. Pasensya na talaga sa ugali ko. Hindi ko sinasadya na mainggit sa'yo. Elavine, patawad." Tumingin silang lahat kay Alexine at nakita kong ngumiti si Elavine.

"Simula ngayon kaibigan na natin sina Alexine, Kylee at Nathalie. Ayos na sa akin ang paghingi mo ng tawad. Pinapatawad na kita. Huwag mo na iyon uulitin ah? Welcome kayong tatlo sa tropa namin." Niyakap ni Elavine si Alexine.

"Bagong kaibigan na naman. Welcome kayo!" Sabi naman ni Deo.

"Magiging magkasundo rin tayong lahat." Sabi naman ng masayahing Yana namin.

"Ako nga pala si Rissa, charot kilala niyo na ako." Niyakap ni Rissa ang tatlo.

"Pinapatawad na namin kayo. Solid tayo ah." Dagdag naman ni Nixon.

"Salamat sa pagpatawad niyo sa amin." Sabi ni Alexine.

"Walang anuman!" Sabi naming lahat.

"Salamat! Hello Yana." Sabi ni Nathalie.

"Rissa, kamusta?" Tanong ni Kylee.

At iyon sa sandaling oras naging magkakaclose kami at dumating si Jax.

"Sana hindi ako nahuli sa bonding moments." Ngumiti kaming lahat at niyakap si Jax ng napakahigpit at ang ending tumba kaming lahat.

"Oh? Mamimili pa tayo ng gown natin para sa prom hindi ba? Ano pa hinihintay natin? Tara!" Sabi ni Elavine.

Habang naglalakad kami pauwi nakita ko na magkausap sina Elavine at Alexine. Sina Kylee at Rissa at nagtatawanan. Sina Jax at Nixon ay nag-aasaran ngunit masaya naman. Kami ni Yana ay nagku-kuwentuhan at sina Deo at Nathalie ay naguusap na para bang nagkakahiyaan pa sa isa't-isa. Lahat kami masaya at alam kong sa mga susunod pa na araw ay ganito pa rin kami ngunit si Fraye? Hinding-hindi ko talaga siya makakalimutan. Ang best friend ko na baby bunso ko na rin. Love na love ko 'yon eh.

Life is better with true friends.

✨✨✨

Diary ng Bitter ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon