Chapter 36

823 407 57
                                    


Heather's Point of View

Halos araw-araw ko ng napapansin na tahimik lang si Alexine at hindi masyadong kinakausap si Jax. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa kanya ngayon. Gusto ko talaga siyang kausapin. Gusto kong makipag-bati dahil madami na akong kasalanang nagawa sa kanya at nasisira ko na masyado ang buhay niya. Gusto kong malaman niya na gusto ko talaga siya maging kaibigan.

"Hello? Kanina ka pa tulala." Sabi sa akin ni Elavine. Tumingin ako sa kanya at sa iba pa naming kasama at ngumiti ng napaka-weird.

"Sorry naman. May iniisip lang." Sumbat ko sa kanila.

"Ano ba yung iniisip mo? Ako ba 'yan?" Tanong ni Deo sa akin.

"O ako?" Sabi naman ni Rissa.

"Assuming naman kayo?" Naiinis na sabi ko sa kanila.

"Heather, baka naman..." Kinindatan ako ni Rissa at napasampal na lang ako sa sarili kong mukha.

"Bahala ka. Buhay mo 'yan." Inirapan ko siya at maya-maya dumating si Jax.

"Nakita niyo ba si Alexine?" Tanong niya sa amin.

"Hindi eh..." Sagot ng lahat.

"Jax?" Tumingin si Jax sa akin at umupo sa tabi ko.

"Pwede ko ba maka-usap si Alexine? Saglit lang naman eh." Napabuntong-hininga si Jax at muling tumingin sa akin.

"Sa tingin ko, ayaw ka pa niyang kausapin sa mga oras na ito kasi may galit pa siya sa'yo." Doon bumagsak ang mundo ko. Akala ko ayos na ang lahat pero hindi pa pala.

"At hindi ko pa alam kung nasaan siya." Dagdag ni Jax.

"Gusto ko kasi humingi ng tawad sa mga nagawa kong kasalanan sa kanya kaso hindi pa pala niya ako kayang harapin. Alam ko naman na parehas kaming may kasalanan sa isa't-isa pero gusto ko ako na ang unang humingi ng tawad." Hinaplos ni Jax ang likod ko at niyakap ako.

"Huwag ka masyadong malungkot. May araw din na magiging close kayo sa isa't-isa basta tiwala lang."

"Hoy! Anong ginagawa mo sa asawa ko?!" Naiinis na sigaw ni Rissa.

Agad niya akong ninakaw mula kay Jax at hinawakan ang aking kamay ng sobrang higpit na akala mo kami naman talaga.

"Problema mo Rissa?" Natatawang tanong ko sa kanya pero pinipigilan kong hindi tumawa.

"Nagseselos ako Heather. Huwag ka kasi lumapit sa ibang tao. Mapa-babae man o lalaki. Pinagbabawalan kitang lumapit sa kanila sa akin ka lang pwedeng lumapit."

"Ulol..." Sumbat ko naman.

"Kung makikita ko man si Alexine mamaya. Kakausapin ko siya."

"Without any hesitation." Nagulat ako nang tumayo si Elavine at hinila ako mula sa mga kaibigan namin.

"Kakausapin mo siya?" Tanong ni Elavine.

"Oo! Ikaw na rin kaya? Best friend mo si Alexine dati." Sabi ko sa kanya.

Nag-isip siya ng saglit at tumingin sa akin ng diretso. Hindi ito sumang-ayon sa akin kaya napabuntong-hininga ako.

"Bakit ba? Wala namang masama kung hihingi ka ng tawad, hindi ba?" Tanong ko sa kanya ng kalmado.

"Wala namang masama doon pero siya yung may kasalanan kaya siya ang dapat humingi ng tawad sa akin." Paliwanag sa akin ni Elavine. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay at tumingin sa kanya.

"Huwag na tayong magpataasan ng pride kasi ako hindi ako ganong tao. Gusto ko matapos na ito kasi may kasalanan rin naman ako sa kanya. Ikaw rin ang nagturo sa akin tungkol sa five rules." Kahit anong sabi ko kay Elavine hindi pa rin siya makikipag-bati kay Alexine.

"Ganito na ba tayo? Pataasan ng pride?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi mataas ang pride ko pero gusto kong marinig na humingi siya ng tawad sa akin kasi iniwan niya ako. Siya ang may kasalanan at hindi ako." Tumango ako at iniwan na niya ako mag-isa.

Masaya naman si Elavine sa desisyon niya pero alam ko naman na hindi niya kayang matiis si Alexine dahil kaibigan niya rin ito. May panahon din na magiging maayos sila sa isa't-isa. Bumalik ako sa kanila at tuloy sa pakikipag-usap.

Maya-maya pumasok na kami ng mga klase namin at kung ano ang ginagawa namin simula ng unang araw ganun din hanggang ngayon. Pagkatapos naman ay agad kaming nagkita-kita sa labas ng campus. Nahuli ng aking mga mata si Alexine na naglalakad mag-isa.

"Nasaan si Kylee at Nathalie?" Bulong ko sa sarili ko.

Pupuntahan ko na sana si Alexine kaso hinila ako ni Rissa.

"Rissa naman! Parang ewan ka lang." Naiinis na sabi ko na may halong gigil.

"Seven, seven tayong lahat." Sabi ni Rissa.

"Alexine!" Sigaw ni Jax at agad niyang nilapitan si Alexine.

Kanina pala hindi man lang sila nag-usap dahil may sumpong si Alexine. Hindi ko rin naman masisisi si Alexine kasi lagi kaming kasama ni Jax. Kitang-kita ko mula dito na umiiyak si Alexine ng kalmado. Gustong-gusto ko na siya lapitan at kausapin pero parang may problema sila.

Maya-maya lumapit na ako sa kanila dahil hindi ko na matiis yung mga sasabihin ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at pinunasan naman ni Jax ang kanyang luha. Sweet naman ni Jax, inggit ako.

"Jax, pwede ko ba kausapin ang... mahal mo?" Tanong ko kay Jax. Nginitian niya ako at tumango.

"Sige na, iwan ko muna kayo. Sigurado ka ba hindi na kita ihahatid?" Tumango si Alexine at bago umalis si Jax hinalikan niya si Alexine sa pisngi at iniwan na kami.

Parang dati gusto lang talagang kunin ni Alexine si Jax para sirain ang puso ko pero ngayon mahal na nila ang isa't-isa. Ang ganda ng love story nila.

"Anong kailangan mo?" Tanong ni Alexine. Kalmado pa rin siya.

"Gusto ko humingi ng tawad sa lahat ng mga nagawa ko sa'yo. Sana patawarin mo ako. Alam ko naman na may kasalanan ako sa'go kaya ako na ang humihingi ng tawad. Sa lahat ng pinagdaanan natin alam ko sa sarili ko na gusto kitang maging kaibigan kasi alam ko naman na mabait ka rin kaya sana maging ayos na tayo. Patawarin mo ako." Tumingin ako sa kanya pero wala siyang emosyon sa akin.

"Hindi ko 'yan matatanggap. Pwede mo na akong iwan. Hindi ko kailangan ng kaibigan. Ayaw ko ng kaibigan. Kuntento na ako sa sarili ko kaya sana huwag niyo na akong guluhin dahil maayos na ang buhay ko." At pagkatapos niyang magsalita agad na siya umalis.

Wala man lang paalam. Basta-basta na lamang siyang umalis. Hindi ko tanggap. Ayaw niya akong maging kaibigan pero ako gusto ko kaya gagawin ko ang lahat dahil hindi ako agad na sumusuko. Kapag may tiyaga, may nilaga at kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan.

Life is a fight for territory and once you stop fighting for what you want, what you don't want will automatically take over.

✨✨✨

Diary ng Bitter ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon