Chapter 33

829 410 57
                                    


Heather's Point of View

"Anak, gumising ka na. Tanghali na." Kumatok ang Mama ko sa pintuan.

"Opo..." Pinilit kong sumagot sa kanya kahit na inaantok ako para malaman niyang gising na ako sa katotohanan na walang nagma-mahal sa akin, charot.

"Tumindig ka na kung gising ka." Naramdaman kong bumaba na si Mama kaya naman tumindig na ako para kumain ng almusal.

Pumasok ako sa bathroom ko at naghilamos ng mukha ko. Nagsipilyo at agad na bumaba para kumain.

"Kanina pa kita tinatawag. Ang tagal mo bumaba." Sabi sa akin ng Mama kong kanina pa ako inaantay bumaba.

"Sorry po, napuyat lang kasi." Paliwanag ko.

"Kumain na tayo at aalis ako ngayon. Dito ka lang sa bahay." Tumango ako at napabuntong-hininga.

Maiiwan na naman ako dito sa bahay ng mag-isa. Gusto ko sana gumala ngayon kahit sa park lang kaso walang magba-bantay ng bahay. Buhay nga naman.

"Mama, pwede ba akong gumala sa labas kahit saglit lang? Kapag nagugutom ako bibili ako sa labas ng pagkain." Tanong ko kay Mama. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Lalabas ka pa? Ang dami na kayang pagkain dito sa bahay. Mag-bantay ka na lang para hindi tayo manakawan." Sagot ni Mama sa akin. Sumimangot ako at tinuloy ang pagkain ng almusal.

"Paano kung ako yung ninakaw?" Tanong ko kay Mama na para bang nakikipag-biruan lang. Tumingin muli si Mama sa akin pero ngayon walang halong ngiti.

"Hindi kita hahanapin." Sumbat sa akin ng Mama kong beastmode na dahil sa pabida kong ugali.

"Mama naman eh. Minsan na nga lang ako lumabas tapos pipigilan mo pa ako."

"Dito ka lang sa loob. Walang lalabas. Walang makulit. Tapos ang usapan. Kung may manakaw man sa bahay natin... huwag ka magpapakita sa akin." Tumayo si Mama at pumunta sa kusina para mag-hugas ng plato.

"Binibiro lang tapos sineseryoso. Kaya ang daming nalokoko eh. Akala mo seryoso sa'yo iyon pala niloloko ka lang." Bulong ko sa sarili ko.

Tuloy ako sa pagkain ng almusal habang naglalaro ng cellphone ko hanggang sa nakatapos na si Mama mag-ayos ay nandito pa rin ako sa lamesa kumakain.

"Bilisan mo kumain. Aalis na ako." Sabi ni Mama sa akin.

"Sige po. Ingat ka Mama. Bye!" Sinara ko ang pinto at tumalon ako sa sobrang saya dahil ang buong bahay na ito ay sa akin lamang ngayon.

Pwede kong gawin ang gusto ko dahil mag-isa lang ako kaso baka mamaya may sumitsit sa akin tapos mag-isa lang ako dito sa bahay.

"Anak!"

"Ay kalabaw nanay mo!" Binuksan ko ang pintuan at pumasok ulit si Mama. Siguro may nakalimutan.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Para bang tinakot ako ng buong mundo.

"Pasensya na anak. May nakalimutan lang." Sinara ko muli ang pintuan at umupo sa sofa.

"Psst..." Tumingin ako sa aking paligid dahil sa narinig kong sitsit.

"Pssst..." Habang tumatagal mas lalo ko itong naririnig.

"Psssst..."

"AYAW KO NA! MAMA NATATAKOT AKO!" Mabilis akong umakyat sa kuwarto ko at nagkulong doon.

"Pssst..." At doon tumigil ang mundo ko. Sadyang pumikit na ang sarili kong mga mata at naging madilim ang aking paligid.

"Hinugasan mo na ba yung mga plato?"

"Mag-luto kana ng tanghalian mo."

"Gagawa ka pa ng assignments at projecta bumangon kana."

"Mag-linis ka ng bahay masyado ng madumi."

"Anak, gising na!"

"Anak?"

"Heather, gising na."

"Heather Ammarah Marianno, gumising kana!"

Binuklat ko ang aking mga mata at tumingin ako sa aking paligid at doon ko naalala na hindi ko pa pala nahuhugasan yung pinagkainan ko sa baba tsaka hindi pa ako nakakaligo. Agad na akong bumangon at bumaba para maglinis.

Kung ano-ano ang ginawa ko para lang hindi ko maalala ang mga sumisitsit na nangyari kanina. Pagkatapos kong maligo umupo muna ako sa sofa para mag-pahinga.

Maya-maya may narinig akong kumakatok sa pintuan. Hula ko na si Mama iyon dahil ang sabi niya sa akin saglit lang daw siya sa labas. May aasikasuhin lang daw siyang importante ngunit nang buksan ko ang pintuan hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

"Hi Heather!"

Sina Rissa, Yana at Elavine ay binisita ako.

"Miss ka na namin!" Niyakap ako ni Yana at ngumiti ako.

"Bakit kayo nandito? May kasalanan ba akong nagawa?" Nagulat kong tanong sa kanila.

"Wala, sadyang binisita ka talaga namin. Surprise!" Niyakap ako ni Elavine at natuwa ako ng sobra sa ginawa nilang surprise para sa akin.

Tumingin ako kay Rissa at hindi pa man ako nagsasalita agad na niya akong hinatak at niyakap ng sobrang higpit na para bang hindi niya ako nakita ng ilang taon.

"I missed you, Heather my loves." Tumawa kami at niyakap ulit ako ni Rissa at simula ng yakapin niya ako talagang ayaw na niya akong bitawan. Sinara ko ang pintuan at niyakap nila ako ng sobrang higpit.

"Sabay-sabay pa talaga kayong yumakap sa akin ah. I missed you guys." Sabi ko sa kanila.

Naiyak ako dahil ilang buwan din kaming hindi nagpapansinan pero ngayon parang walang nangyaring tampuhan. Parang ayos na ang lahat.

"Heather, sorry sa mga ginawa ko sa'yo. Talagang nagtampo ako sa'yo kasi hindi mo sinasabi sa amin na inaway ka na pala ni Alexine. Ayaw lang naman kitang masaktan kaya gusto ko walang sikretong tinatago." Sabi sa akin ni Elavine.

"Sorry Heather kasi hindi kita pinansin. Alam ko naman na masakit iyon para sa'yo na hindi ka namin pinansin pero gusto ko lang malaman mo na love na love ka naming lahat at tinatanggap na namin ang pagkakamali na nagawa namin." Paliwanag ni Yana sa akin.

"Heather my loves. I'm sorry for everything I've done to you. Nagtampo rin ako sa'yo kasi sinikreto mo ang mga naganap sa inyo ni Alexine. Sana wala ng sikretong hindi sinasabi sa amin. Tanggap na namin ang mali namin at sana patawarin mo kaming lahat." Sabi ni Rissa sabay halik sa pisngi ko.

"Bakit may kiss? Ang swerte mo naman." Naiinis na tanong ni Yana.

"Selos ka?" Sabi ni Rissa. Niyakap ako ni Rissa at naisipan kong sabihin rin ang nararamdaman ko.

"Guys, pasensya sa nagawa ko sa inyo. Ayaw ko lang naman kasi na mag-alala kayo sa akin kaya hindi ko sinabi sa inyo ang nangyari sa amin ni Alexine na away pero sana mapatawad niyo ako sa mga kasalanan ko sa inyo. Mahal na mahal ko kayong lahat." Niyakap ko ulit silang lahat at lahat naman kami ay tuwang-tuwa na nagkuwe-kuwentuhan tungkol sa mga nangyari sa amin.

Pinatawad nila ako at pinatawad ko rin silang lahat. Walang halong iyakan at biro. Ayos na kaming lahat. Sana wala ng mangyaring ganito ulit dahil hindi ko na kakayanin pero ngayon masaya na ako na bati na kaming lahat.

Friends are like four leaf clover;
Hard to find and lucky to have.

✨✨✨

Diary ng Bitter ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon