Zid's POV
We called Kasi, a familiar voice came up, it seems like that's my sister and Kasi is working at kass's shop.
"Zenon, si ate ba talaga yun?"
I asked zenon, nasa ice cream shop kami, sa panahon ngayon kailangan nasa may aircon kami, Ang init grabe."I think we heard it right, but no worries nandun si kuya, I know he'll protect them" he said while eating ice cream.
"I'm not worried because they got into a fight, nag aalala ako kung sino yung naka away nila, baka mamaya patay na yun"
"Kung ganun nga ang mangyari, don't worry, I got you guys ako na bahala sa treatments niya kung sakasakali, but he should face the consequences"
Thoughts continued running in my head, kakabukas lang ng shop ni Kass gulo na agad ang sumalubong.
"Don't worry, gusto mo pumunta pa tayo sa shop ni Kass to check if she's okay?"
He said while caressing my hair.
"Okay" inubos na namin yung ice cream, nasa village kami ni zenon, Hindi kalayuan sa bahay namin kaya hindi hassle papunta.
Naubos na namin yung ice cream, nagyaya na si zenon na umalis.
Para ngang ayoko na lumabas dun, Ang init talaga sa labas.
"Hand in hand, hand in hand..."
Kanta ni zenon habang sabay kaming maglakad, kanta ba yun? Parang wala namang kantang nalabas na ganun.
"Hand in hand, why don't we?" Kanta niya, parang wala na sa tono?
"Uy, bagong kanta yan?" Tanong ko sakanya.
"Ah oo di mo ba gets? Hand in hand, hand in hand, why don't we?.." kanta ulit niya, huh? Anong meron dun.
"Bakit may joke ba dun sa kanta?" Hindi ko talaga alam ibig sabihin niya.
Ngumuso naman siya, "Hindi mo talaga gets?" Anong bang meron dun sa tinutukoy niya?
"Hehe hindi talaga eh" naka abot kami sa park, madaming batang nagtatatakbo.
May kumulbit naman sa paa ko, "Ate ate.."
Tumingin naman ako sa baba, Bata siya maliit na lalaki.
"Hi, anong name mo?"
"Kazuo po" Sabi niya habang nasa may paanan ko pa din ang cute niya, Ang cute din ng name niya.
"Bat ka nandiyan, Tara dito" tumayo siya at nag pabuhat sakin.
"Ate ate.."
"Hmm?"
"Ang ibig sabihin po ni kuya na hand in hand, holding hands daw po kayo.."
' Aba, may alam na siya sa ganito, nako mukhang may future siyang maging manghuhula! '
"A-ah talaga, hehe di ko kasi ma gets kanina"
"Buti pa yung bata alam" singit naman ni zenon.
"Very good kazuo, Ang galing mo pa kiss nga" nilapit naman ni kazuo yung pisngi niya, ang cute cute.
Parang may kung anong kumiliti sakanya, para tuloy siyang kinikilig.
"Ate, kuya, Ang nickname ko po Milo!" Milo? Ang layo naman sa name niya, eh kahit na cute padin naman.
"Ate ate, libre mo ku ice cream" cute na sabi niya habang tinuturo ang sorbetero.
YOU ARE READING
F I X E D
Teen Fiction(ON-GOING) Ordinaryong tao lang si Zid Francium yung tipong walang pakialam sa mundo , gusto niya lang talaga maabot ang iisang goal niya... ang makapunta sa korea . Zenon Arsenic , aral dito aral don his life never gets busy , wala nang mas import...