Sound trip dito, kwentuhan don, ang sarap sa feeling na nag bobonding kayo ng pamilya mo, country road kumbaga, at di ko alam kung san ang punta. Hahaha rhyme yun ahDahil sa surprise daw ang pupuntahan ay nanahimik nalang ako at nag salpak ng earphones sa tenga.
'Cause I wanna touch you, baby
And I wanna feel you, too
I wanna see the sunrise and your sins
Just me and you
Light it up, on the run
Let's make love, tonight
Make it up, fall in love, try'Ang saya ng araw na to' sabayan pa ng vibes ng kanta.
Palayo ng palayo ay hindi na ako pamilyar sa dinadaanan namin, hanggang sa nag tungo kami sa isang lumang bahay na parang kantina. 'Original bulalo' hilig talaga sa bulalo nila papa.
Pag baba namin ay tanaw ang mt. Makiling mula dito sa kantina, kumuha na din ako ng mga litrato dahil ultimong mamamangha ka sa tanawin dito.
Pumasok na kami at parang isang ordinaryong kantina lamang, nakita ko na madami din silang natanggap na awards, napa isip ako, 'hm mukhang masarap nga dito ah' walang masyadong tao dito dahil ma aga aga pa,
Nag order na sila papa ng bulalo nag taka naman ako dahil mura lang ito kumpara sa mga bulalo sa restaurant na hindi naman masarap at konti ang laman ಥ_ಥ
Sa wakas at na serve na din.
"Hmm ... Masarap nga ano? Ito ang original" dinig kong sabi ni papa, nauna kasi siya sa pagkain, dahil sa intriga ko ay tumikim na din ako.
'Ah yung init ng sabaw na gumuguhit sa lalamunan mo at lasap na lasap ang sarap' ganong feeling ang naramdaman ko dahil wala pa ding tatalo sa sarap ng original.Una akong natapos sa pag kain dahil diet ako hehehe.
Nag paalam ako kela mama at papa na mag lilibot muna.Nag tungo ako sa back door ng kantina, dahil may nakita akong mga kumikislap doon.
'Wishing well at pader na ewan-ko-ba-basta-may-mga quotes-for-life'
Mukhang Chinese ang may ari ng bulaluhan dahil may Chinese garden sila dito sa likod bahay, lumapit ako dun sa 'quotes for life chuchuever' bago ako kumuha ng isang stick ay nag hulog muna ako sa wishing well ng mga barya, kailangan kasing may alay bago ka kumuha.
May mga numero yung mga stick kaya pinili ko ang favorite kong number na 33.
'Guard your heart, but do not make it a forbidden place for everyone. There will be people who are worthy of entry.'
Eto namang quote na to, sinabi nang wala akong interes sa mga ganyan eh,
Dahil sa pag ka dismaya ko ay bagsak balikat akong bumalik kela papa at umupo nalang ulit."Oh ano namang meron dun sa pinuntahan mo?" Tanong ni kass
"Ayun may wishing well at quote's for life chuchuever" bored na sabi ko. Halos mag paunahan magsi takbo si ate at si kass hay baka pag nakita nila yung nandon eh madismaya lang sila.
Dahil nga sobrang gala ko ay nag tungo naman ako sa front door ng kantina kung san ang entrace, balak ko sanang mag picture ng view kaso eto namang si kuya parang abnoy kitang nag pipicture ako eh naka harang pa!
"Anobayan, di na nakita yung mt. Makiling" iritableng bulong ko. Nilaro laro ko pa ang mga maliliit na bato sa paa ko ng may sumipa nun
"Woi ano ba?" Sabi ko na naka tungo pa din, may halong pag sisindak ang tono ko, hehe brusko ako sa taong hindi ko naman kilala.
"Would you stop playing with rocks? What are you a seven year old girl?" Sagot naman niya.
Nainis ako sakanya kaya naman itinaas ko ang ulo ko, psh siya pala yung paharang harang sa view kanina " kanina nga eh paharang harang ka pa sa view sinita ba kita?" Iritableng sabi ko sakanya nakakainis lang kuya ah!
"It's not my fault anymore, you can just move aside and take pictures with different angles that im not included, or maybe you just wanna take pictures of me?" Mayabang na sabi niya wow! Ang kapal ah
"Nahiya naman ako sayo, oo nga dito nalang ako sa tabi mag pipicture kesa naman mahagilap ng camera ko yang pag mumukha mo!" Ayoko na badtrip nako, loko loko kasi tong si kuya eh, nag walk out nalang ako dun at pumasok na sa loob narinig ko pa ang mahinanh tawa niya, anong nakakatawa dun? Abnoy!
Naka busangot akong umupo sa tabi ni papa " oh anyare diyan sa mukha mo?"
"Wala pa may nakita lang akong panget sa labas na naka harang sa view akala mo namang ka pogian ang itsura eh" bulong ko pero narinig pa din ni papa.
"Bayaan mo yun, malamang panget yun kaya humaharang sa magandang view" natatawang sagot ni papa, ahahaha at least nawala na ang pag ka bad trip ko dun sa lalaking yun ng onting onting onti lang.ˎ₍•ʚ•₎ˏ
Lumabas na sila ate at kass dun sa back door ng kantina, mukhang tuwang tuwa tong si kass at si ate naman parang hindi maipinta ang mukha, anyare dun?
Lumabas na kami ng kantina, sinilip ko muna kung nandon pa yung panget na lalaki, cleared! Pede nang lumabas....
"Aano ka diyan?"
"Ay palaka!" Napatalon ako dahil kay ate, anobayan nanggugulat pa eh"Hehehe wala halika na ngaaa" sabay hila ko sakanya.
√ Don't forget to vote, comment and share 😄
All rights reserved
© 2017-2018
YOU ARE READING
F I X E D
Teen Fiction(ON-GOING) Ordinaryong tao lang si Zid Francium yung tipong walang pakialam sa mundo , gusto niya lang talaga maabot ang iisang goal niya... ang makapunta sa korea . Zenon Arsenic , aral dito aral don his life never gets busy , wala nang mas import...