Chappy 15 - nurses

18 3 0
                                    

Zid's POV

Excepted ako sa mga class namin, alam din nila ang kondisyon ko, pero hindi ako nakaramdam ng lungkot dito sa hospital dahil sa poging bestfriend kong doktor(/^▽^)/

Hindi ako nabobored dahil kay doc, lagi siyang nandito sa kwarto ko para siyang comedian slash doctor hehe

"Ziddddd" sigaw niya mula sa labas, kalimitan malungkot at tahimik lang dito sa hospital pero para sakin hindi, magkaron ka banaman ng doktor na baliw at sobrang hyper. Hehehe

Wala nang kato-katok ay pumasok na siya sa loob ng naka gown hehehe.

"Next week pwede ka nang ma discharge" malungkot na tonong sabi niya.

"Bakit parang malungkot ka?" Pangaasar ko

"Ha!? Hinde ah mag kikita tayo sa school diba, but you wont see me in a medical gown" disappointed na sabi niya

"That's okay, babalik ako dito monthly o kaya weekly kung gusto mooo"

"Sige! Nakaka excite yung stay ko dito pag may pasyenteng bata (^~^)" bata daw ako?

"He wag na nga nawalan na ko ng gana!"

"Hehe joke lang, pwede naman tayong mag bonding sa labas ng school diba?"

"Sure! Pati sa hospital tambay tayo hahaha"

"Sige, busy kasi sila taki kaya minsan nalang kami mag bonding"

Taki and various, friends sila ni zenon, i haven't met them puro kwento lang sakin si zenon, two weeks na kasi ako naninirahan dito sa hospital, kailangan daw kasi bantayan yung kilos ko, baka may maalala daw ulit, i don't really remember ಥ⌣ಥ

"Zid it's past noon, walang guards and nurses na pagala gala, tambay tayo?" Excited na sabi niya, oh diba hindi talaga boring dito

"Sigeee!"

Naka pang may sakit na uniform ako, at siya naman naka hospital gown (yung pang doktor hehe) .

Hinawakan ako ni zenon sa siko at kunyaring inaalalayan para di kami ma huli.

"Hi doc! Good afternoon"
Bati ng isang nurse na nag tatawanan na pabebe kay zenon, pabalik na sila sa kanya kanyang ward Tss.

"Hellooo!" Bati naman netong sikat na katabi ko, wow feel na feel niyang maging sikat ah.

"Yung noo mo kumukunot" bulong niya sakin, what pati nakita niya.

Humarap naman siya sa mukha ko at nag make face, that way hindi na kumukunot ang noo ko, napapalitan na ito ng ngiti at tawa.

"Oh ayan naka smile kana, mukha kang may sakit pag nakasimangot ahahahaha" loko lokong doktor to sarap sapakin.

"Wow sige bahala ka diyan!" Hinuha ko sakanya ang siko kong kanina pa niya hawak sabay takbo.

"Wag mo kong susundan ah!!" Sigaw ko habang natakbo, engot ko lang malamang susundan ako nun.

Pumunta ako sa paborito kong lugar sa mga building, ang rooftop, masarap tumambay dito at nakaka relax, pero hindi narerelax ang buong buhay ko pag kasama ko tong ugok na to.

"Bilis mo tumakbo, buti nalang walang nakakita sayong nurse hundi kakaladkarin ka nila pabalik sa kwarto mo" hinahapong sabi niya.

"Blah...blah... I don't care, subukan nilang hatakin ako, ako hahatak sakanila" iritableng sabi ko, psh ang mga pabebe ng mga nurse dito sarap sapakin.

"Hey, ang sungit mo kanina di ka naman ganyan" napa irap ako sa sinabi niya.

Hindi na lang ako kumibo.
Bigla niyang pinatong ang ulo ko sa balikat niya.

"Rest, ang bilis mo tumakbo eh may hika ka, hays zid naman" bakas sa tono niya ang pag aalala, hehe trip ko lang kasing tumakbo kanina.

Napaka komportable sa balikat ni zenon, hindi ko na namalayang nakatulog na ako.

√ Don't forget to vote, comment and share 😄

All rights reserved
© 2017-2018

F I X E D Where stories live. Discover now