Chappy 57 - New Job

10 1 0
                                    

Kasi's POV

Kainis! Lahat sila may lablayp ako lang wala! Pogi din naman ako at matalino, pero bakit ganun?

' nagkagusto ka pa kasi sa amazona '

Oo na! May gusto ako kay kath, pero lintek na amazona yun! Under na under ako sakanya, Hindi ko kayang maging matapang pag siya na kaharap ko!

"Nakakabakla ka Kasi! Bakit ba ang duwag ko kay kath!?" Nakatambay lang ako sa park, nakain ng ice cream, Wala akong ganap, si grandpa busy, Wala naman siyang pinapagawa sakin, si Zenon may lablayp, si Chris ugok yun lagi din busy!

"Bakit kasi wala akong ganap!" Sigaw ko habang nakain ng ice cream, gusto ko na may ganap, Sana maging busy din ako.

Mag trabaho kaya ako?

"Tama! Magtratrabaho ako!" Tumayo ako at may hindi sinasadyang nabunggo.

"Ay!"

Natapon tuloy lahat ng flyers na dala niya, tinulungan ko siya magpulot nun, Ang sama ko naman kung hindi diba?

"Sorry po, tulungan ko na po kayo" Hindi ko gawaing tumawag ng 'miss' sa mga babae, nakaka bastos daw yun, hindi ko ma gets yung mga babae! Anong gusto nila itawag sakanila sir!?

Pinulot ko Isa Isa yung flyers, may naka lagay na

' Wanted : Helper, Singer, Waiter '

Ayos! Kung sinuswerte ka nga naman oo!

"Ah excuse me po, may na hire na po ba kayo dito?" Tinuro ko sakanya yung flyer.

"Wala pa eh, bakit gusto mo bang mag apply?"

"Opo ma'am! Kaya ko po gawin lahat yan, ako na po yung helper, singer at waiter ma'am!".

"Sige! Sumama ka sakin sa shop, malapit lang yun dito"

"Sige po!"

Sumama ako sakanya, nakita ko yung shop, bagong bukas lang kaya pala ang daming wanted.

Sa totoo lang ang bata pa nung kausap ko, mukha siyang bata pero matangkad siya.

Pinapasok naman niya ako sa loob, konti palang yung mga staff, Ang ganda dito minimalist look.

"Interview muna kita okay?"

"Ah wala po akong dala na bio data ma'am, kulang kulang po requirements ko"

"No need, ako nalang mag tatanong"

Tumango nalang ako, lahat ng tanong niya nasagot ko ng maayos, pabor din ako dahil simula seven ng umaga hanggang five ng Gabi ako magtratrabaho, okay na okay.

"Your hired!". O___O

"Talaga po ma'am? Thank you po!"

"Sige, you can start tommorow, eto nga pala ang uniform mo" inabot niya sakin yung uniform ko.

Ayos din ang uniform nila dito, naka white polo shirt at black pants, para ngang hindi uniform eh, Ang ganda!

"Thank you po ma'am" pasasalamat ko ulit.

"You can call me, Kass"



√ Don't forget to vote, comment and share 😄

You can follow me on Instagram 😁
-ahappykristinmae

All rights reserved
©2017 - 2018

F I X E D Where stories live. Discover now