Kasi's POV
Tuwang tuwa akong lumabas sa office ni ma'am Kass ang bait niya, ipagkakalat ko ang magandang balita!
To : Chris the great
"Uy may trabaho nako!"
To : Zenon
"Zenonnn!!! May trabaho nako!"
Isesend ko sana kay mom, kaso hindi nga pa pala kami ayos, matutuwa kaya siya pag nalaman niyang may trabaho nako?
"Hay nako, tanga mo Kasi eh may palayas layas ka pang nalalaman!" Sinesermuna ko yung sarili ko, Wala namang tao sa hallway, malaki kasi yung shop.
*Toot toot* 2 new messages
From : Chris the great
"Sa wakas naman pare, para naman hindi ka na pabigat samin"
??? Sinong pabigat? Duh kahit wala akong trabaho noon may pera ako!
From : Zenon
"Ayos kuya makakabili ka ng sarili mong pagkain! Libre mo kami ni zid ah"
Huh? Bumibili naman ako ng sariling pagkain ah, ako mismo napunta sa counter para bumili, pera nga lang nila pinambabayad ko hehe.
*Incoming call*. Zenon
Sinagot ko naman yun, ngayon lang siya tumawag ng ganito, di uso samin call.
"Oh napatawag ka?"
"Hi Kasi! Zid to, congrats sa bago mong trabaho! Nga pala saan yan? Para naman mabisita ka namin"
Pupunta silang dalawa? Edi mangiingit lang yung magaling kong kapatid na may lablayp siya ganun ba yun!?
"Salamat zid! Sa shop malapit sa----"
"ARGH! SINONG MAY SABI SAYONG SUNTUKIN MO KO!?"
O_____O
"Kuya anong nangyayari diyan? Okay ka lang?"
"Ah oo naman, may away dito sa shop, saglit lang pupuntahan ko--"
"Wag na kasimiro sinasabi ko sayo, baka mapahamak ka niyan!" Sigaw ni zid sa telepono, Ang sakit sa eardrums!
"Hindi yan zid, ako pa malaka----"
"Kanina pa kumukulo dugo ko sayo, pero yung saktan mo yung kapatid ko, tangina ka!"
O____O
"Oh my gosh kasimiro si ate ba yun!?" Sigaw ni zid, si Kath!?
Tumakbo ako papunta sa unahan ng shop, si Kath!!!
Nakita ko siyang tinulak nung lalaki, tinulak din niya si Kass !!
Tumakbo ako sakanya at sinuntok ng malakas yung mukha niya.
"Eh gago ka pala, anong ginagawa mo kay kath!?" Sinuntok ko ng malakas yung lalaki.
Nawalan siya ng malay, Wala akong pake kahit pa mamatay yan!
Humarap ako kay kath, "ayos ka lang?" Tinignan ko ang buong katawan niya, Wala naman siyang galos o ano, buti nalang.
Hindi ko alam kung anong nangyari sakin pero bigla ko siyang niyakap.
Ang tagal ko ng hinintay to, palayas layas pa kasi ako, naiwan ko tuloy mag isa si Kath.
"Ehem, Yung lalaki kanina pa nasa lapag, baka patay na yan" may kung sinong asungot ang sumingit, tinignan ko naman yun, si ma'am Kass pala hehe.
Humiwalay naman ako sa yakap, Ang daming tao baka isipin nila nanonood sila ng drama.
Nahiya naman ako dun, Ang korni ko kasi!
"A-ah oo nga, baka patay na yan" turo ko dun sa lalaki, Ang laki laking tao napatumba ng katulad ko, mahina ka par!
"Magkakilala pala kayo kasimiro" halos lumabas na yung puso ko sa ribs, "ah oo m-mag kaibigan kami" sagot ko habang nakamot sa ulo.
"Magkakilala pala kayo?" Tanong ni ma'am Kass kay Kath
Tinignan ko si Kath tahimik lang siya.
"Ah oo, Kass si kasimiro, kasimiro si Kass" Hindi ko alam kung nahihiya ba siya o Ewan, kahiya hiya ba ako :(
Tinignan ko si Kath hinding hindi ako magsasawang tignan siya.
Naka white polo shirt siya at black pants, katulad na katulad nung uniform na binigay sakin ni ma'am Kass hindi Kaya??
"Kath dito ka nagtratrabaho?"
"BAKIT BA NAPAGKAKAMALAN NIYO AKONG NAGTRATRABAHO DITO!?"
O___O
"W-wag ka namang magalit, tinatanong ko lang" namumula siya ng hindi mo malaman, tinanong ko lang naman eh.
Huminga siya ng malalim, "Hindi ako nagtratrabaho dito okay!?"
Hala.
"Opo, Hindi ka nagtratrabaho dito"
Nakakainis! Sabi sainyo under ako sakanya eh T___T
Pero natatawa ako, mukha kasi talaga siyang waitresses dito.
"Pfffttt....."
"Ano natatawa ka!? Sige tumawa ka!"
"HAAHAHAHAHA!!! I'm sorry, hahahaha, natatawa ako kasi mukha kang waitresses hahahahah!!!!"
"ARGHH! KASIMIRO SINASABI KO SAYO! WAG MO AKONG INISIN!"
Galit na siya, pero hindi ko talaga mapigilan yung tawa ko hahahaha.
"Ehem, excuse me ulit, ate hindi mo pa iniinom yung kape mo"
O______O
O______O
O___o
"Ate?" Napa tingin ako Kay ma'am Kass
" Bakit anong problema?"
"Kapatid ko siya"
√ Don't forget to vote, comment and share 😄
You can follow me on Instagram 😁
-ahappykristinmaeAll rights reserved
©2017 - 2018
YOU ARE READING
F I X E D
Ficção Adolescente(ON-GOING) Ordinaryong tao lang si Zid Francium yung tipong walang pakialam sa mundo , gusto niya lang talaga maabot ang iisang goal niya... ang makapunta sa korea . Zenon Arsenic , aral dito aral don his life never gets busy , wala nang mas import...