Ishang's POV
"ISHAAANG!" Napabalikwas nalang ako dahil sa sigaw nayun, unti-unti kong minulat ang aking mata.
"Teka nasa Mars na ba ako?" Tanong ko sa aking sarili at tsaka humikab.
"ISHAAANG! BUMABA KA NA DIYAN!"
"Ah? Ano yun? Alien ba yun ha? Asan? Wait, bakit ganun? Tagalog? Anyare sa Universe?"
BLAAG!
Napatingin ako sa pintuan at pumasok ang tiyahin kong ulol at sumigaw.
"Ishang! 8:30 na may pasok ka pa!"
Lumaki nalang yung mata ko nung narealize ko na may pasok ako ngayon.
Napamura nalang ako't naghanda.
Nasa pintuan na ako at nagsasapatos. At tinignan ang oras sheeeeet, 8:45 na buti nalang at pwedeng takbuhin yung school namin kaya let the marathon begins, ulol
"Yaaaaaaaahh!!" Sigaw ko habang tumatakbo.
"Hoy bata! Tabe! Tabe! Bata!" Sigaw ko habang tumatakbo habang malapit ko nang mabunggo yung bata.
"Fightiiing!! Yaaaaah!" Sigaw ko habang tumatakbo na palapit na ako sa gate ng school ko.
Napahawak ako sa tuhod ko at humihingal na parang aso. Naalala kong nasa 4th floor yung classroom ko paksheeet. Anong klaseng university, sabi nilang sobrang yaman ng may ari eh hindi man lang nila naisipang magpagawa ng elevator dito atsaka madami ring kayang palapag to.
Hingal na hingal akong nakaakyat sa hagdan. Tumakbo na ulit ako papunta sa classroom. Pagpasok ko tumingin sakin lahat ng kaklase ko at yung mga iba nakangisi pa, pucha ano toh?
May kaklase akong tinuro yung dibdib ko atsaka yumuko ako kung ano yun.
Pagtingin ko sheeeet bukas yung dalawang butones ko at hindi pa maayos yung necktie ko kaya tumalikod ako.
Paglingon ko may hindi pamilyar na mukha ang nahagip ng mata ko. Ngayon ko lang sya nakita ah. Baka transferee siguro.
Umupo nalang ako sa upuan ko.
"Bakit wala pa si prof? Atsaka bat ganyan kayo makatingin sakin? Sino siya? Bagong classmate? Ano name nya?" Sunod- sunod kong tanong sa mga kaklase ko.
Nagulat nalang ako ng biglang nagsalita yung nasa harapan.
"Miss, wala ka bang respeto?" Naiiritang tanong nya sakin
"Huh?"
"I'm Margarette Marquez, your new teacher for this subject" maarte niyang sagot.
"Ah okay"
"At dahil late ka at ininterrupt mo yung discussion ko a while ago, say something about history of cryptography" maarte nyang sabi sa akin.
"Maam?"
"Ang lakas ng loob mong maginterrupted ng klase wala ka rin lang naman alam atsaka sa susunod na pumasok ka sa subject nato dapat ay mas maaga ka pa sa akin, at bakit ka nalate? Nakipagtext ka ba sa boypren mo't napuyat kaya late kang nagising? Atsaka wag kang bastos sa harapan ko, wala kabang magulang na nagpalaki sayo at turuan ng-"
"The art of cryptography is considered to be born along with the art of writing. As civilizations evolved, human beings got organized in tribes, groups, and kingdoms. This led to the emergence of ideas such as power, battles, supremacy, and politics. These ideas further fueled the natural need of people to communicate secretly with selective recipient which in turn ensured the continuous evolution of cryptography as well" tuloy tuloy kong sagot sakanya para tumahimik na.
"Bago ka magsalita ng mga ganyan dapat alam mo kung anong rason at wag mo akong tinatawag na walang alam eh baka mas magaling pa ako sayo, at wag mo rin dinadamay magulang ko baka masapak kita, idamay mo lahat wag lang magulang ko and gusto mo makita yung mas bastos pa sa akin? Well punta kalang naman sa harap ng salamin at tignan kung sinong nandun" mahabang sagot ko sakanya
BLAAG!!
"GET OUT!!" Sigaw nya sakin at tumayo ako at nagtatakang tinignan lang sya.
"I SAID GET OUT!!" Hindi na ako sumagot at kinuha ko ang bag ko't naglakad palabas.
Naglakad-lakad nalang ako sa hallway habang nakasalpak ang isa kong headset sa kaliwag tenga ko't may nakasalubong akong teacher I mean yung assistant sya ng dean.
"Miss Amariles?" Tanong nya sa akin at nilingon ko sya.
"Yes maam?" Magalang na sagot ko sakanya.
"Ba't andito ka sa labas? Diba may klase ka?" Tanong nya sa akin.
"Ahh maam kasi late po akong nagising kaya late rin po akong pumasok kase akala ko kanina nasa Mars na ako eh hehe" sagot ko sabay kamot sa batok ko.
"Ikaw talagang bata ka"
Napansin kong marami siyang dala dala."Ah maam tulungan ko na po kayo"
"Sige, sige salamat"
Pagdating namin sa office ay inilapag ko nalang ang mga gamit na binitbit ko. Magpapaalam na sana ako ng magsalita ang assist. ng dean.
"Ah pakitawag pala yung prof mo na nagpalabas sayo kanina ha?"
"Yes maam" sagot ko sakanya atsaka lumabas na sa office at pupunta na ako sa classroom.
Pagdating ko ng classroom:
"What are you doing here,Miss? Diba sabi ko kanina get out?" Bungad sa aking ng dragona este ng teacher ko
"Miss Marquez tawag po kayo doon sa office" walang gana kong sabi sakanya.
Pagkasabi ko ay umalis na nga sya. Uupo nalang ako sa upuan ko't sinalpak ang isang headset sa kaliwang tenga ko. Yuyuko na sana ako ng may magsalita sa tabi ko.
"Saan mo nabili yang sapatos mo?" Natatawang tanong nya sa akin at yumuko ako para tignan yung sapatos ko.
Napalaki yung mata ko ng makita kong hindi magkaparehas yung suot kong sapatos, yung isa black pero pink yung sintas nya tas yung isa pink pero black yung sintas nya.Napalingon naman ako sa tabi ko at may nakita akong alien, charr. Ngayon ko lang sya napansin, may bago pala kaming klasmeyt. As always sa mga ibang story laging may transferee
"He he" nahihiyang sagot ko sakanya at yumuko para magsoundtrip.
Yeah!
_______________________________________
Jeje cells ulit.
Paimprove palang. Still processing.
BINABASA MO ANG
Diary ng ulol (malapit na)
Teen FictionA.A.A.A ulol Actually hindi lang siya diary pero libro ito kung saan niya sinusulat kung ano yung gusto niyang gawin or gusto nya ganern (w/ POVs) Warning: Puro kachikihan Puro kakornihan Basta korni 40% reality 60% fiction Diary pala toh mga brade...