"Saan mo ako dadalhin? Tanong naman ng lalaking puro sugat at pasa."Sa clinic" maikli kong sabi
"Bat mo pala ako tinulungan?" He asked.
"Mamaya ko nalang sagutin yan, kailangan mo munang mapunta sa clinic" sabi ko sa kanya at nagtuloy tuloy sa paglakad.
"Yung kamay ko, baka pwede na sigurong bitawan kaya ko namang maglakad eh" dali dali ko namang ninitawan ang kamay niya at naglakad.
Habang naglalakad kami sa hallway papuntang clinic napatigil naman ako nung nakita ko ang nanay ko, yung nanay ko na wala ng karapatan maging nanay. Tinignan ko siya ng masama at nagpatuloy sa paglalakad.
Nakarating na kami sa harap ng clinic, binuksan ko na ang pintuan at pumasok. Pinaupo ko siya sa kama at pumunta sa isang cabinet para kumuha ng pang gamot. Pagkakuha ko ng gamot dumeretso ako sa kanya sinimulang gamutin.
"Sino yung babae kanina, parang kaaway mo ata" nadiinan ko yung paglalagay ng bulak sa mukha pagkarinig ko yung sinabi niya.
"Ahh...... a-aray....m-miss" buti nga sayo.
"Ahhh sorry" tinanggal ko naman ang bulak sa mukha niya.
"Okay nevermind, bakit mo pala ako niligtas?" Panibagong tanong niya sa akin.
"Ikaw nga makakakita ng binubugbug anong gagawin mo?" Balik na tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam?" May pagkabobo rin pala tong lalaking to no.
"Nevermind" maikling sagot ko sakanya.
"Kaya ko na to, bumalik kana sa klase mo" sabi naman nya sa akin.
"Sa katunayan, ayoko ko pang bumalik sa klase ko wala akong gana" malungkot kong sabi sa kanya.
"Bakit naman?" Tanong nya ulit
"Alam mo? Ang dami mong tanong close ba tayo? , FC ka masyado"sagot ko sakanya.
"Ano pala pangalan mo?"tanong nya sa akin.
"You can call me Aireen, you can call me Aubrey, or you can call me Ishang, ikaw?" Sagot ko.
"Oliver, but you can call me mine" ano raw? Olive oil? kapal ha Adik ata to
"Adik ka ba?"tanong kong nakakaloka sa kanya.
"Oo"
"Eh?" Takang tanong ko sa kanya. Sumasakay rin sa trip ko ah.
"Adik sayo" putangina kakakilala lang tapos dumadamoves na. So weiirrd!!
"Close tayo?, para maglokohan?" Sabi ko with matching irap.
"Hindi, pero dun narin yun pupunta" kapal talaga kung hindi lang talaga puno ng sugat to kanina ko pa sinapak.
"Gusto mo bang madagdagan yang mga sugat mo?"
Sabi ko sa kanya at umaaktong susuntukin na sya."Umiyak ka no?"Sabi nya sabay turo sa mata ko. Napatigil nalang ako dahil sobrang lapit ko na pala sa kanya kaya lumayo naman ako.
"Napuwing lang ako kaya ayun, kinusot kusot ko"pagpapalusot ko pero hindi parin siya naniniwala.
"Bakit ka umiyak?" Tanong nya ulit sa akin. Lahi ata ng makukulit galing to ah, ang kulit ih.
"None of your business" masungit kong sa bi sa kanya
Bigla ko nalang naisip na hindi pala ako nagkaklase may practice pala ako para sa pageant. Lumaki nalang ang mata ko sa naisip ko.
"Oliver, kaya mo naman na siguro gamutin yan no?" Sabi ko sabay turo ko sa mga sugat niya.
"Oo, bakit?"
"Kasi ano... may pupuntahan pa kasi ako, mauna na ako" pagpapaalam ko naman sa kaniya at lumabas sa pintuan ng clinic. Sinimulan ko ng lakarin ang daan papunta sa gym.
Pagloob ko sa gym, pinagtitignan na nila ako. Hindi ko nanaman alam kung bakit kaya hinayaan ko nalang sila.
"Aubrey, kuha ka raw ng heels doon sa gilid" huh? Practice lang tapos magheheels pa
"Sure ka? Hehe" tanong ko kay Ethan, alam ko na pangalan niya diba diba
"Tignan mo sila " turo niya sa mga nakaheels na kasama naming magpapractice.
No choice, tumingin ako sa mga heels na nandito wala man lang maliit yung takong. Kinuha ko yung black na may glitters glitters yung design niya.
Sinuot ko na ito at tumayo ng dahan dahan kaso muntikan na akong matumba. Tangina, pano ko to ilalakad kung tatayo palang hindi ko na kaya. Unti unti akong tumayo at success naman. Dahan dahan kong hinakbang ang kaliwang paa ko.
"Hahahahah" tumingin naman ako sa tumawa, kingina humanda ka sa akin Ethan pagkatapos ko dito.
"Hahah para kang hahahaha baby na first time maglakad hahahha" tinignan ko naman siya ng masama at binigyan siya ng isang malutong na mura.
"Tangina mo" napatingin naman ako sa paligid ko nakatingin sila lahat sa akin.
"Your words, Miss Amariles" sabi ng trainor sa akin, gigil nya kasi ako eh
"Sorry maam" nahihiya kong sabi sa trainor
"Pumunta na kayo sa backstage, line according to your number assigned" sabi ng trainor
Pinilit ko namang maglakad kahit nanginginig yung tuhod ko. Pumunta na ako sa backstage. Panghuli ako kaya naupo mua ako sa monoblock.
Nagsimula ng nagrampa yung number one kaya tumayo narin ako para maghanda. Hanggang sa ako na yung susunod magrarampa inayos ko naman ang itsura ko at tumayo ng straight, shete kinakabahan ako. Naglakad na akong palabas sa kurtina at rumampa sa harap.
Sana, sana ,sana talaga tuloy tuloy na to. Nagrampa ako sa kaliwa at nagpose ganun din ang ginawa ko sa kabila hanggang sa natapos na. Napabuga naman ako ng hangin at umupo sa lapag. Buti nalang talaga hindi ako natalisod.
Tinggal ko na ang heels na kanina ko pa suot, ang sakit parang tinorture yung paa ko, kawawang paa.
"Bring your own heels tomorrow and extra t shirt, magho whole day tayo bukas, ieexcuse ko nalang kayo bukas sa mga prof nyo. And before I forgot, mamili na kayo kung anong sport yung gagawin nyo, goodbye" sabi ng trainor namin at naglakad na palabas sa gym.
"Sabay ka na sa akin, Aubrey" tumingin naman ako sa nagsalita.
"Wag na Ethan, may pupuntahan pa kasi ako una kanalang" pagtatanggi ko sa kanya.
"Sige una na ako, kita nalang bukas" sabi nya sa akin na may pakaway kaway pa at lumakad narin siya palabas dito.
Sinimulan ko narin kunin ang bag ko at lumabas na rin.
Nakakapagod ngayong araw nato andaming nangyari. Maglalakad nalang ako pauwi sayang yung pamplete ko, pangmeryenda ko nalang sa susunod.Isinalpak ko ang headset sa tenga ko, kinuha ang deutchmill sa bag at sinimulan ko ng naglakad pauwi.
What a very nice day.
BINABASA MO ANG
Diary ng ulol (malapit na)
Teen FictionA.A.A.A ulol Actually hindi lang siya diary pero libro ito kung saan niya sinusulat kung ano yung gusto niyang gawin or gusto nya ganern (w/ POVs) Warning: Puro kachikihan Puro kakornihan Basta korni 40% reality 60% fiction Diary pala toh mga brade...