Nandito kami ni Ureka sa taxi, walang imikan. Nakaka.......nakaka.....nakakaulol yun nakakaulol.
Napatitig naman ako sa tuhod ko at naalala ko nanaman yung nangyari. Ganito yung nafifeel ko, yung parang alam mo yung formula doon sa math tapos pagdating ng quiz makakalimutan mo, yung alam mo pero hindi mo talaga maalala, yung alam mo pero hindi mo mafigure out.
Tumigil naman ang sinasakyan naming taxi it means nandito na kami. Binuksan ko naman ang pintuan ganoon din rin si Ureka. Inayos ko yung damit ko habang si Ureka naman ay nagbabayad sa taxi.
Nandito na kami sa loob ng mall. Nahagip naman ng mata ko ang aking kasiyahan, ang sweet corner. Kinikilig ako pero hindi ko pinapakita sa katabi ko.
"Doon tayo" sabi ni Ureka sabay hila sa kamay ko patungo sa isang botika. Panira naman to. Napakamot nalang ako sa ulol kahit hindi naman makati.
"Doon , pili tayo ng pangcasual wear mo" sabi niya habang tinuturo ang isang dulo na maraming damit. Hinila niya ulit ako, ano ba yan? Hindi ako aso at mas lalong hndi ako hayop(mukang hayop lang).
Nakarating naman kami sa tinuturo niya at nagsimulang pumili. Syempre ako pumipili naman ako kahit hindi ko naman talaga alam kung ano pipiliin ko. Kakahiya naman sa kasama ko.
Nahagip naman ng paningin ko ang isang puting bestida na pambata at hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako lumalapit dito.
Habang lumalapit ako may nararamdaman ako na ewan sa ulo ko, hindi lang sa ulo ko buong katawan ko. Parang ang hirap igalaw yung katawan ko, pinipilit kong pumunta doon pero hindi ko kaya. Nanlalambot yung buong katawan ko dahilan ng pagbagsak ko sa sahig habng namimilipit sa sakit. Gumapang ako papunta sa bestidang iyon.
Parang naparalyze yung buong katawan ko. Nanlalabo yung paningin dahil sa luhang tumutulo sa mata ko. Nakaluhod ako sa tapat ng bestida, muntanga.
"Aubrey! Aubrey!" Sigaw sa akin ni Ureka habang tumatakbo papunta sa akin at nakahawak pa sa kanya yung mga damit na pinili niya.
Ibinagsak nya lahat ng hawak hawak niya at hinawakan ang likod ko.
"Uy, bakit ka umiiyak?" Nag aalalang tanong niya.
"Ureka, hindi ko alam, hindi ko talaga alam nakakainis na eh, parang ang daming bagay na alam kong nasa likuran ko lang pero hindi ko malingon lingon. Nakakainis, hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin" nahihirapan kong sabi habang umiiyak.
Niyakap naman niya ako habang hinahaplos niya yung likod ko.
"Alam mo?" Panimula niya.
"Hindi alangan" mabilis kong sagot dahilan ng pagtawa niya ng mahina.
"Sasabihin ko palang, meron kasing mga bagay na kahit nasa likuran mo lang hindi mo na dapat malaman" sabi niya sa akin.
"Pero gusto kong malaman" umiiyak paring sabi ko.
"Tayo na para na tayong tanga ditong nagdadrama" sabi niya habang inaayos niya yung damit niya. Inayos ko naman ang damit ko at tumayo ako kagaya ng ginawa niya.
Pinunasan ko lahat ng luha ko at inayos ang sarili ko. Nakakainis naman eh. Yung sarili ko na mismo nagtatago sa akin.
Inilayo ako ni Ureka sa bestida. Simpleng dress lang yun bakit ang lakas ng epekto sa akin nun.
"Aubrey, tara na" tawag niya sa akin habang pinuulot yung binitawan niyang mga damit kanina.
"Uhh oo" ramdam ko parin sa boses ko na nanginginig.
"Sukat mo tong mga to" abot niya sa akin yung mga damit sabay turo sa fitting room. Pumunta naman ako doon.
Pagdating ko doon isinabit ko sa pagsabitan yung mga damit. Isinukat ko ang isa at lumabas sa fitting room para ipakita sa kasama ko.
Nakaupo naman si Ureka sa isang sofa. Pinakita ko sa kanya yung damit na suot suot ko ngunit napailing siya.
Bumalik ako ulit sa fitting room at isinuot ang isang damit at lumabas ulit. Paulit ulit kung ginawa yan pero puro iling lang ang sagot ng kasama.
Last na damit na tong isusuot ko sa wakas. Kaso medyo nakulangan sa tela. Masyadong revealing.
Lumabas naman ako at pinakita sa kanya yung suot suot ko pero..........umiling parin siya. Putspa ano bang gusto niya. Ganito naba ako kapangit lahat ng damit hindi bagay sa akin?
"Hindi ako makapili, bagay sayo lahat hindi ako makadecide"sabi naman niya.
"Ehhh" bagay naman pala sa akin.
"Kahit ano nalang " sabi ko sa kanya.
"Yung floral na off shoulder sukatin mo ulit" sabi niya sabay bugaw sa akin papasok sa fitting room, ano ako aso?
Hinanap ko naman yung floral na off shoulder na sinasabi niya at yun raw yung susukatin ko. Sinukat ko naman ito at lumabas.
"Guhnduuuhhh," asar naman niya sa akin. May pag ka adik rin pala to? Kalahi.
"Ito na" sabi ko sakanya.
"Tara na bayaran na natin yan"
"Wait lang, huhubarin ko pa to" sabi ko at tumakbo paloob sa fitting room. Nagpalit naman ako ng damit ko at inayos yung damit na sinukat ko. Lumabas na ako bitbit ang napiling damit.
Nakita ko si Ureka na may kasama siyang lalaki. May boyfriend si Ureka? Weh? Kaya niyang pagsabayin yung pag aaral niya tapos yung pagjojowa. Hindi niyo ba alam na siya yung first honor namin, syempre alam niyo na kasasabi ko lang.
Lumapit ako sa kanila at shemay patawarin niyo ako, ang gwapo ng boyfriend ang gandang landiin charot hindi ako malandi, malandi lang ako deep inside.
"Ureka" tawag ko sa kanya habang kumakaway kaway.
"Aubrey, si-"
"Boyfriend mo? Gwapo ah" tanong ko sakanya pero yung last sentence pabulong ko lang sabi.
"Aubrey, kamag-"
"Ilang taon niyo na magjowa" sabi ko sakanya, napangiti naman sa akin yung lalaki, eeeeeeeeh kinikilig ako, Ureka sorry talaga yung mga landi cells ko nagiging aggressive nanaman.
"Cou-"
"Kailan anniversary niyo?" Tanong ko ulit pero napachuckle yung lalaki, enebenemen? Kenekeleg se eke. Pero hindi ko pinapakita sa kanya
"AUBREY! Makinig ka okay?" Sabi niya at napatango nalang ako.
"Hindi ko siya boypren, cousin ko siya okay?" Wala akong boyfriend" ehhh? May pag asa ako.
"Sorry" nahihiyang sabi ko with peace sign.
"Ian, kaibigan ko aubrey" pagpapakilala niya sa akin
"Hi" sabi ko habang nakangiti
"Aubrey, COUSIN ko si Ian" pagpapakilala niya sa kanyang COUSIN at kumaway pa ito sa akin. Yung landi cells ko shit.
BINABASA MO ANG
Diary ng ulol (malapit na)
Teen FictionA.A.A.A ulol Actually hindi lang siya diary pero libro ito kung saan niya sinusulat kung ano yung gusto niyang gawin or gusto nya ganern (w/ POVs) Warning: Puro kachikihan Puro kakornihan Basta korni 40% reality 60% fiction Diary pala toh mga brade...