AUBREY
Napakaaliwalas ng panahon ngayon. Maaga akong nagising kaya eto ako ngayon naglalakad papunta sa school.
Napag isip isipan ko kase kanina kung maglalakad ako or magcocommute tutal maaga akong nagising, maaga rin akong nakapag ayos ng sarili, naglakad nalang ako.
Pagdating ko sa classroom, yeah mag-isa ko pa lang. Siguro iidlip na muna ako. Pinatong ko na yung ulo ko sa table para makatulog. Nagsimula ng bumigat ang talukap ng mata ko. Hinayaan ko nalang na balutin ako ng kadiliman at on the way na ako sa mars.
"Daddy, tignan mo oh nakakuha ako ng tatlong star sa klase ko kanina" sigaw ng batang babae pero blurred yung mukha nya habang kumakatok sa pintuan.
"Daddy, nagtatampo talaga ako sayo , hindi ka nanuod ng promotion ko sa taekwondo" sigaw ulit ng bata ngunit wala pa ring sumasagot . Katok na ng katok ang bata pero wala paring sumasagot.
Naisipan na ng bata na buksan ang pinto. Tinesting niyang pihitin ang doorknob at hindi naman ito naka lock. Unti unti niyang binuksan ang pinto at tumambad sakanya ang lalaking walang buhay at nagsiswimming sa sarili niyang dugo.
Nanlambot ang mga tuhod ng bata pero tumakbo ito palapit sakanyang ama kahit wala na itong buhay. Hinawakan ng bata ang magkabilang pisngi ng kanyang ama. Walang pakielam ang bata kahit mabahiran ng dugo ang kanyang suot suot na uniform
"Daddy, gising na jan tignan mo oh naka three star ako" binulong nya sa ama nya habang sinasampal ng mahina ang pisngi ng kanyang ama. Hindi na namamalayan ng bata na umiiyak na pala siya.
"Daddy naman eh, sabi mo ililibre mo ako ng paborito kong mcfloat kahit na sa jollibee ka bumibili, promise mo yun sakin" kinakausap parin ng bata ang kanyang ama hanggang sa-
"Aubrey aubrey gising na jan magsisimula na ang klase" sabi ng classmate kong nasa harapan ko, si Ureka (yurika).
Iniayos ko na ang upo ko at nagsimulang makinig sa discussion.
Hindi ako makafocus sa discussion kase hanggang ngayon hindi parin nagsisink in sa utak ko yung napanaginipan ko. Pinapasakit lang nito ang ulo ko. Feeling ko kase parang ako yung nandun.
Buong discussion ay lutang ako, nakatingin lang ako sa blackboard. Hindi ko alam kung bakit ganito yung epekto sakin nito.
Nakatingin lang ako sa blackboard, nang merong kamay na kumakaway kaway sa harap ng mukha ko. Liningon ko naman kung kaninong kamay yun. Tinignan ko naman yung seatmate ko na nakatingin sa akin.
"Kanina ka pa lutang ah, ano yung iniisip mo mukhang malalim ata" agad na sabi nya sa akin, napatango nalang ako sa sinabi niya.
Lunchbreak na, hindi ka pa ba kakain?"tanong nya sa akin
"Kakain na, may iniisip lang ako" palusot ko
"Sabay na tayo kung okay lang sayo"
"Ah okay"
Habang naglalakad kami ay walang umiimik kaya binasag ko ang katahimikan naming dalawa. Ayoko kase ng awkward moments.
"Pag ba may napanaginipan kang may namatay anong pahiwatig nun?"tanong ko para mabasag ang katukmulan
"Sorry ha, wala kasi akong alam jan ih hehe" sabay kamot sa batok
"Ah okay"
"Ano pala name mo?" Tanong ko sakanya kasi naguusap man lang kami na hindi namin alam ang pangalan ng isat isa
"Ethan Esperanza" nakangiting sagot nya sa akin.
"Ako naman Aireen Amariles" masaya ring sabi sakanya
"Amariles?" Takang tanong nya sa akin
"Oo, anong meron sa apilyedo ko?"
"Wala, wala parang pamilyar kasi eh"
Hindi namin namamalayan na nasa canteen na pala kami.
"Ako nalang oorder" prisinta niyang sabi
Naghanap na ako ng mauupuan namin. Pagkatapos niyang magorder ay pumunta na siya dito sa kinauupuan ko para makakain na kami. Binigay niya ang isang tray sa akin.
Nagsimula na kaming kumakain, taimtim na kumakain. Ang awkward, sobrang awkward. Gusto kong magsalita pero wala akong maisip na salita, tumahimik nalang ako at kumain.
Pagkatapos naming kumain bumalik narin kami sa classroom ng walang imikan. Parang hindi gumana yung kadaldalan ko ngayon ah.
Pagbalik namin sa classroom, hindi parin ako makaget over sa panaginip ko. Masyado atang tragic yun. Saklap yun para sa akin imagine? Yung bata hindi man lang sya nailibre ng tatay nya ng mcfloat kahit sa jollibee sya umuorder saklap yun ulol. Hindi ko man lang nasikmura tignan yung tatay nya, kung ako yung nandoon magbabackward na ako with matching split sa ere pagbasak sa sahig boom wasak. Syempre pag ako yun tatakbo ako tapos tatawag na kung sino yung nandoon, hindi ko kayang matagalan makipagtitigan sa dugo no-
"Okay class, I have announcement" panira talaga ng monolouge, hindi pa tapos yun eh. Hindi ko pa nasasabi dun na kahit takot ako sa dugo e, maganda ako.
"Malapit ng intramurals nyo, so kailangan nyo na pumili sa klase nyo kung sino yung pwedeng magparticipate na maging miss at mr intrams" may ganito pala dito, gusto ko tuloy sumali sa mga sports-
"Maam si Aubrey po!" Sigaw ng isang kaklase kong epal pero hindi ko pinansin eh kasi naman eh lagi nilang pinuputol yung monolouge ko. Ano sinabi nya? Ako sasali jan sa miss miss intrams nayan? No way mag sisisi kayo kapag ako sinali nyo. Hindi ko kayang rumampa rampa jan no. Anong sa tingin nila? Madali?-
"Kailangan nyong pagisipan ng mabuti, money contest pala yun?" Bat ba lagi nila pinuputol yung monolouge ko? Epal tong mga to. Money contest? Porket money contest wala na akong laban, eh bakit problema ko yan eh hindi naman ako sasali ulol.
"Inform me if may napili na kayo, wait for your next subject class dismiss" paalam ng teacher namin.
"Aubrey hindi ka ba sasali?"
"Aubrey ikaw nalang kaya?"
"Aubrey sali ka ah"
"Ikaw pambato namin"
"Tigilan nyo ako pag uumpugin ko kayo mga ulol kayo ah"
"Sige na kasi Aubrey, lahat ng gusto mo gagawin namin kapag sumali ka"
"May problema kasi ako eh" saad ko sabay kamot sa batok ko.
"Ano yun?!" Sabay sabay naman nilang sagot sa akin.
"Hindi ko alam yung maglalakad lakad jan with matching kendeng kendeng ih"
"Easy, edi magpractice" sabi ng isa kong tukmol na classmate.
"Kaya nga!"
"Trueness"
"Oo na! Sa isang kundisyon"
"Ano yun?"
"Lahat ng sasabihin ko susundin nyo for short para ko kayong alipin ganun"
"Easy lang naman eh"
"May isa pa pala" singit ko bago pa sila sunod sunod na magsasalita
"Ano nanaman yun?"
"Libre lunch ko" hahaha tutal uto uto tong mga to susulitin ko na.
"Easy"
ㆍㆍㆍㆍㆍㆍㆍㆍㆍㆍㆍㆍㆍㆍㆍㆍㆍㆍㆍㆍ
Koooorrrniiiii!!!!!!
Wala akong maisip na isulat
#writersblockHi, jejecells kailan ka aalis sa katawan ko?
BINABASA MO ANG
Diary ng ulol (malapit na)
أدب المراهقينA.A.A.A ulol Actually hindi lang siya diary pero libro ito kung saan niya sinusulat kung ano yung gusto niyang gawin or gusto nya ganern (w/ POVs) Warning: Puro kachikihan Puro kakornihan Basta korni 40% reality 60% fiction Diary pala toh mga brade...