AUBREY
"Mamaya nalang ulit"
"Ok"
" Ethan tapos Aireen punta na raw kayo doon sa gym practice raw, excuse na raw kayo sa subject na natitira" sabi ng kapapasok kong klasmeyt.
"Kala ko ba mamaya pang lunch?" Tanong ni Ethan
"Napaaga kasi yung instructor nyo maagang aalis may pupuntahan raw" sagot naman nya.
"Ok" sabi naman ni Ethan, tumango nalang ako bilang pag sangayon
Inayos na namin yung gamit namin sa bag, problema ko kung saan ko ilalagay tong isang supot ng dutchmill, its so many many(ano raw?hahahah). Sa locker nalang siguro.
Pagkatapos naming inayos ang mga gamit namin naglakad na kami palabas alangan naman paloob nasa loob na nga kami eh, (commonsense po author).
Eto nanaman yung awkward moments.
"Bakit pala ganun yung mga tanong mo sa akin?" Panimulang tanong ko sa kanya I can't hold it anymore eh(ano raw?)
"Isa lang sana yung itatanong ko sayong ganun kaso napaganda yung sagot mo kaya yun nalang mga tinanong ko" sagot naman nya.
"Ang sabihin mo natamaan ka doon no, nabiktima ka na rin ng love no?" Hay nako, love kasi inaatupad.
"Well, Oo nasaktan ako dati, natamaan ako at the same time may natutunan ako sayo"sabi na nga lang eh.
"Share mo naman yan, Im here lang naman, ang FC ko no? Okay lang sa akin kung sasarilihin mo, pero mas okay sana kung ishashare mo" at dahil chismosa ako gusto kong marinig ang kanyang boses alangan naman na titignan mo yung boses nya(coomonsense ulit author).
"Nung una kasi may bestfriend ako-
"Tapos nainlove ka sakanya tapos kala mo merong pag asa pero nalaman mong meron pala syang ibang mahal, paano ko alam? Advance kasi ako mag isip" hahahha galing ko no?
"Oo, kala ko nga yung care nya sa akin ay may kahulugan yun pala wala lang sa kanya" malungkot niyang tanong.
Papasok na kami sa gymnastic ng merong nagsisilabasan at nagkukumpulan sa harap namin.
"Anong meron?" Tanong ko kay lalaking katabi ko.
"Hindi ko alam" sagot nya sabay kibit balikat.
Pinuntahan ko nalang at sumunod naman sakin si Ethan. Pagdating namin doon hinahanap ko kung anong meron doon. Tinignan ko yung mga estudyante na nakatingin sa tuktok kaya napatingin rin ako sa taas. Pagtingin ko sa taas merong babaeng nakatayo at malapit ng mahulog sa building, binilisan ko nalang tumakbo papunta sa bldg nayun. Dali dali akong tumakbo pataas ng hagdan hanggang sa makarating sa rooftop. Pagdating ko doon nakatingin lang ako sa babae.
"Hello" cool kong sabi
Napatingin sa akin yung babae na gustong magpakamatay.
"Huwag kang lalapit kundi tatalon ako dito" pasalamat nga sya buhay pa sya, meron kayang tao na gustong mabuhay pero maagang kinuha ni lord.
"Edi tumalon ka sabagay hindi naghirap yung nanay mo na dinala ka sa loob ng tiyang ng 9 buwan at hindi sila naghirap na palakihin ka, sige tumalon ka, ivideo pa kita gusto mo, para viral kana, pasalamat ka nga buhay kapa pero yung mga iba jan gusto pang mabuhay pero kinuha na agad ni lord," mahaba kong sabi sa kanya grabe fliptop na this.
"Wala kang alam!! Wag kang mangielam!!" Sigaw sa akin yung echuserang yon kala mo madaling ibalik yung buhay.
"Pagnagpakamatay ka malulutas ba yang problema mo? Syempre hindi, tanga tanga naman nito, hindi nag iisip , ano ba? Commonsense naman. Utak gamitin huwag puro puso, okay?"
"Wala kang alam!!" Sigaw nya ulit sa akin.
Dahan dahan akong naglakad patungo sa tabi nya.
"Wag kang lalapit!! Tatalon ako dito!!"
"Echuserang to, lalapit ba ako sayo? Magpapakamatay rin ako baka sakaling malutas yung mga problema kong unti unti ko ng malutas.gusto mo sabay pa tayong tumalon?" Nakakaloka kong sabi sa kanya, Tanga nya rin kaya no ang ganda gandang mamuhay dito sa earth na to magpapakamatay lang sya, sasayangin nya lang yung buhay nya.
"1, 2, 3 go talon, charot ano ako tanga n kagaya mo? Mas okay nang mamuhay ng maraming problema keysa mamatay ng sobrang raming problema diba, atleast kung buhay ka pa unti unti mong malulutas yung problem ko,bakit kapag patay ka na nalutas na ba yang problema mo? Ano ba? Commonsense naman, tanga talaga nito hindi mo ginagamit to" sabi ko sabay turo sa ulo ko.
Napahagulgul nalang ng malakas yung babae at pumunta sya at niyakap ako.
"H-hindi ko na k-kase alam yung g-gawin ko, tinabunan n-na kasi ako ng sangk-kabundok na p-problema" sabi nya habang nagkayakap na kami. Diba kahit straight forward.ako magsalita nakakatulong ako.
------
Nandito na kami ni Ethan sa gym"Anong ginawa mo sa taas?" Tanong ni Ethan
"Nansermon doon sa magpapakamatay kanina kala mo naman kawalan sya, echuserang yon.
Tumayo na kaming lahat at nagready na para sa practice namin. Kinakabahan ako baka mamaya matapilok ako, epic yon, I don't want to ruin my cool figure(ano raw?) .
"Okay, today prapractisin lang natin yung introduction and introduce to you self." Kabado talaga ako wala pa to sa contest ,yung puso sasabog na tit tit tit booom!! Charot. Kabado lang talaga ako.
Practice
Practice
Practice."Okay, 30 minutes break" sabi nung instructor with palakpakan ng kamay niya
At dahil gutom, trip ko kumain ngayon. Pumunta na ako sa canteen, hindi ko na hinintay yung kasama ko. Gutom na talaga ako, I can't hold it anymore again(ano nanaman raw?)
BINABASA MO ANG
Diary ng ulol (malapit na)
Novela JuvenilA.A.A.A ulol Actually hindi lang siya diary pero libro ito kung saan niya sinusulat kung ano yung gusto niyang gawin or gusto nya ganern (w/ POVs) Warning: Puro kachikihan Puro kakornihan Basta korni 40% reality 60% fiction Diary pala toh mga brade...