AUBREY#12

19 2 0
                                    


"Ikaw!- sigaw ko sa kanya habang dinuro ko.

"Ako! GWAPO ako!" Sigaw rin niya pabalik sa akin.

"Ikaw na mantika ka, ganda mong pangprito sa singit ng kabayo!" Sigaw ko ulit sa kanya, heto nanaman po tayo. Sinusugod sugod ko rin siya.

"Laban!? Laban ka?!" Sigaw ko habang nag aacting na parang si manny.

"Sige laban, ting ting fight" sabi niya rin at umaaktong pang boxing. Laban na to.

Ipaglalaban ko ang ating pag iiiiiibig, maghintay ka lamang akoy daratiiiiiing🎶 kanta ni manny yan, wag kayong ano.

"Stop it" pag aawat sa amin ni Ian maylabs.

"Inaaway ako niyan oh, Ian go bite him" sabi ko kay Ian.

Hindi naman sumunod si Ian, hinawakan niya ako sa kamay at hinila paalis. Pumalag naman ako.

"Lets go" seryosong sabi niya.

"wait,Kailangan ko munang pagbayarin yung mantikang yun" nakanguso kong sabi.

"Bili nalang tayo ng iba, lets go" sabi niya at pinagpatuloy ang paglalakad.

"Wait" sabi ko ule, nakakailang eh.

"Yung kamay ko, baka pwedeng bitawan naenjoy mo na eh" sabi ko sa kanya at imbis na bitawan niya ito mas lalo namang niyang hinigpitan yung pagkakahawak kamay ko at tumuloy ulit itong lumakad syempre napasabay narin ako. Hindi na ako kinikilig. Medyo lang hehe.

Enebe? Hindi na ako kinikilig, medyo lang talaga pramis tegedeg my liver.

Saan kami papunta? Wait........ wait...........waiiiiiit, juicecolored. May masamang balak si Ian.
Heeeeeelllpp! Heeeelp! Tangina. Paano na yung magiging pamilya ko? Paano na yung gunggung na mantika nayun na hindi niya pa nabayaran? Paano na?
Why this is happening to me?(ano raw?)

"Mukha kang natatae" sabi naman ni Ian habang nagpipigil ng tawa.

"Saan mo ba kasi ako dadalhin? Baka mamaya dadalhin mo ako kung saan, tapos pagsasamantalahan mo ako, tapos papatayin mo ako, tapos yun patay na ako, Paano na yung pangarap ko? Paano na yung magiging asawa ko? Paano na yung magiging anak ko? Kaines ka naman eh" mahaba kong sabi, grabe fliptop nanaman.

"Hahahahahah, puta ka, OA ka masyado" natatawa niyang sabi. Bweset panira naman sya ng scene eh.

"Puta ka rin, malay ko ba kung saan mo ako dadalhin,tapos kung makahawak ka sa kamay ko kala mo naman magjowa tayo, kaano ano ba kita?" Inis kong sabi sakanya pero deep inside hindi ako kinikilig, medyo lang just a little bit hehe.

"Suko na suko na" binitawan naman niya ang kamay ko at itinaas nito na parang susuko.

"Good dog"sabi ko ulit at hinawakan yung ulo niya na parang aso. Chansing chansing rin pag may time hehe.

"Arcade nalang, libre mo" sabi ko with a sweet smile, mameyn lumelevel up na talaga si author.

"TARA na garud, ano pang hinihintay mo? Pero epic mukha mo kanina" sabi niya at tumawa.

"Gusto mo yang mukha mo gawin kong epic yan? You want ultimate sapak with mega supra malutong na mura? If you want, just inform me and I will do it quickly" pang eenglish ko sakanya. Hehe kung hindi niyo naitatanong best in english ako nung grade 1 ako, nanalo kasi ako sa contest, money contest hehe.

"Suko na nga diba, nagfliptop kapa sayang yung oxygen na nagamit mo doon" sabi naman niya.

"Oo na, tara na doon kaines ka eh" talaga naman kaines siya.

Naglakad nalang kami papunta sa arcade.

Arcade

Ngayon nalang ako ulit makakapunta dito, according to my calculation 3 years ago na ata ako hindi nakakapunta dito.( may nangyari kase)

Para akong bata na naamaze. Parang si Anna lang sa frozen, 'this is amazing', choss

"First time mo bang pumunta dito? Kanina para kang natatae tapos ngayon naiihi hahahahah" natatawang sabi ni......ano pa ba? Si Ian. Hindi ko na siya crush, medyo lang hehe.

"Hindi! Dati na akong nakapunta dito no, kaso lang 3 years ago hehe" lakas loob kong sabi, kala niya papatalo ako.

"Sml?" Kaines siya, inaaway niya na talaga ako. Sinasabi ko na talaga na hindi ko na siya crush, medyo lang talaga.

"Kaines ka" pabulong kong sabi.

"Sml?" Nakakalokang sabi niya parin, ano ba?

"Bili ka na ng token, bilis libre mo" sabi ko sa kanya.

"Hahahahahhahaha" tumawa lang sagot niya sa akin. Ano ba? Bweset talaga.

"Ano?! Bilis!" Sigaw ko sa kanya.

"Sinaunang tao ka yata, wala ng token token" pang aasar niyang sabi sa akin.

"Eh anong meron? Papel na token na?" Takang tanong ko sa kanya.

"Hahahahahah" tawa niya ulit.

"Kanina ka pa, bweset ka, kung hindi lang talaga ako tipid ngayon nilayasan na kita." Inis kong sabi sa kanya.

"Chillax chillax, para kang taong bakulaw magalit, sinauang tao, card na meron ngayon okay?" Eh? Ako ngayon pahiya.

"Hindi ako nagagalit, kung ano mang tawag doon bumili kana" singhal ko sakanya.

"Eto na po, pupunta na po" sabi niya pumunta na kung saan kukuha ng card card na yun. Malay ko bang high tec na dito.

Tinignan ko naman yung buong paligid, maingay dito dahil sa mga tunog ng mga machine. Last na pumunta ako dito, umiiyak ako kasi naubos agad yung token ko. Napangiti naman ako ng parang ewan sabay yuko. Tamabayan ko noon ito, tamabayan namin ng tatay ko. Tumingin naman ako sa claw machine, may naalala nanaman ako, bakit ba andaming misteryo sa buhay ko? Nakakines.

Hindi ko naman na namamalayan na humihikbi na pala ako. Yumuko naman ako, tinititigan ko yung paa ko. Nakakaines lang kase, para akong ewan dito.

"Aubrey" tawag sa akin at hinawakan yung balikat ko. Nasuntok ko naman siya dahil sa pagkagulat. Nagmumuni muni ako dito tapos may biglang hahawak sayo. So weeeeerd

"Sorry, sorrry" pagpapasensiya ko kay......

"Ethan?" Takang tanong ko sa lalaking hinahawakan yung ilong niya.

"Lakas mo sumuntok, babae ka pa ba?" sabi niya sa akin.

"Ginulat mo kasi ako, tapos bigla mong hinawakan yung balikat ko." Sabi ko sa kanya.

"Ang sakit, napango na ata ako" sabi niya at tumawa habang hawak hawak parin niya yung ilong niya.

"Sorry talaga, pakita nga" sabi ko sa kanya at inilapit ko yung mukha ko sa ilong niya para makita yung nasuntok ko.

"Aubrey!" Tawag ng kung sino.














Diary ng ulol (malapit na)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon