AUBREY#14

11 1 0
                                    

"Problema mo kung nandito ako? Laban? Boy kulangot hwhahahhaha" Ako na ang sumagot sa tanong niya. Kung wala lang sana akong hawak hawak na stuff toy, nasuntok ko na talaga to.

"Kilala niyo na po ang isa't isa ate?" Tanong naman sa akin ni...... nung bata, hindi ko pa pala alam pangalan neto.

"Oo, ako yung nagligtas sa boy kulangot nayan nung nakikipagbugbog siya, kala mo malakas eh" pang aasar ko naman sa kanya. Hindi na 'olive oil', umimprove na 'boy kulangot'.

"Isusumbong kita kay mama kuya kulangot, nakikipag away ka, lagot ka" pang aasar rin ng batang to sa kuya niya.

"Tumigil ka Lance, hindi ko na talaga ibibigay sayo yung cellphone mo, bahala kang maghanap jan"

"Nyenye nye nye nye" pang gagaya niya sa kuya niya.

"Nakikipaglaban tapos siya rin lang naman yung bugbug sarado" may pagkachildish din ako kaya sinamahan kong mang asar si Lance, pati pangalan niya ang cute.

"Tama na! Tama na! Pinagtutulungan niyo pa ako" sigaw naman niya.

"Aboy kulangot abugbug hahahahahaha" pang aasar niya ulit sa kuya niya.

"Tigilan mo na Lance, wawa naman yang kuya mo" pagpapatigil ko kay Lance, ang kulit eh tama na.

"Kunin mo na lahat ito oh, baka hinahanap na ako ng kasama ko" sabi sabay abot sakanya yung mga stuff toys.

"Aalis kana Ate ganda?" Tanong naman ni Lance.

"Hinahanap nayan ng boypren niya." Sumingit naman si  boy kulangot. Wala akong boypren.

"Che!" Mataray kong sabi.

"Bye Lance, ayusin mo buhay mo baka matulad ka kay kuya mo" pagpapaalam ko sa batang to.

"Opo Ate Ganda, talagang hindi ko gagayahin kasi napaiyak niya si Ate Ambher kawawa naman-

"Oo na alis kana hinahanap ka na ng boypren mo" singit naman ng lalaking kupal na yun.

"Bye ulit" pagpapaalam ko habang nagwawave.

Bumalik ako kung saan kanina ako pumunta.

May naalala ako, yung card ko? Asan? Naiwan ko ata.

Naiwan ko nga. Hanap nalang ako ng ibang laro.

Hahanapin ko nalang si Ian paps ko. Kapal ang feslak.

Asan na kaya yun?

There you are!

"Ian!" Tawag ko sakanya kaso, ano to? Pinagpalit na ata ako, may kasama siyang ibang babae taksil siya.

Lumapit ako sakanila.

"Aubrey ikaw pala yan" sabi ni Ian na ngayon lang ata ako napansin, ang daya.

"Hindi ako to, nandun pa si Aubrey" bulong ko sa sarili ko.

"May sinasabi ka?" Tanong niya sa akin.

"Wala wala, tinatanong ko lang kung sino yan?"

"Ah ito?" Tanong niya ulit. Nakakabobo na, gwapo sana kaso may pagkabobo. Bawas pogi points.

"Hindi siguro" pabulong kong biro sakanya.

"Ano?" Tanong niya ulit.

"Oo siya, hindi mo man lang ipakilala sa akin yang kasama mo" dahan dahan kong sabi sa kanya.

"Aubrey si Ambher pala, Ambher si Aubrey" magalang na pagpapakila niya sa amin.

"Hi" nahihiyang sabi ni Ambher.

Diary ng ulol (malapit na)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon