May tatlong bibe akong nakita mataba mapayat mga bibe. Ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa, siya ang lider na nagsabi ng kwak kwak, lets sing kwak kwak kwak.
(Author, wala kanabang maisulat?)Umaga na pala, aga kong nagising no?
6:45 time check brought to you by author na ulol.
Hindi ko alam kung bakit ako nagising ng maaga, trip lang ng mga organism ko sa katawan bumangon ng umaga. Kase nga I don't know why, may paenglish english na siya ah. Lumelevel up si author.
(Manahimik ka puta, nawriwriters block ako dito eh) ahy ganun ba aymchorey.
Actually hindi pa ako nakakamulumog at nakahilamos kaya feeling ko ambaho ko. Tumayo na ako sa kama ko at inunat unat ko yung mga braso at binti ko. Naglakad ako papunta sa cr habang nagpapatugtug ako ng tatlong bibe syempre hindi rin mawawala yung dance moves niya na parang manok.
"Siya ang leader na nagsabi ng kwak kwak" sabay ko sa kanta habang nagtotoothbrush syempre nanaman hindi nanaman mawawala yung dance moves niya.
Pagpasensyahan niyo na ako, minsan lang ako sobrang maagang magising kaya sulitin na. Muntanga lang ang peg.
Hawak hawak ko ang baso habang nagtotoothbrush para yun sa panmulumug ko syempre sumasayaw ako ng tatlong bibe.
Nadulas yung hawak hawak kong baso sa kamay ko kaya bumagsak ito sa sahig. Nagslow motion ang lahat, syempre napatigil ako sa pagsasayaw ko ng tatlong bibe.
*Sound ng nabasag na baso*
Napatulala nalang ako, mahal yung baso na yun baso pa ng lola ko ng lola niya sa lola niya sa tuhod. Shit, pero hindi lang yan nakita ko sa may binti ko na dumudugo natalsikan siguro ng bubog........... bubog.........b-bubog.
Naramdaman kong merong mainit na likido sa mata ko. Nagtuloy tuloy na ang luha ng hindi ko alam ang dahilan. Anong nangyayari sa akin?, tinignan ko ang mga kamay kong nanginginig.Nanginginig ang buong katawan ko.
Nakasubo parin sa akin yung toothbrush at may bula bula pa ito nahulog nalang itu mula sa bibig ko. Napaluhod nalang ako habang humahagulgul, walang paki kahit maluhudan ko na yung mga bubog, wala akong pake kahit puro dugo na yung tuhod ko, wala rin akong pake kahit dumudugo na yung mga kamay ko dahil pinupulot ko yung mga bubog.
Linapag ko ang mga bubog sa isang sulok habang nakaluhod ako. Pinunasan ko ang mg luha ko gamit ang kamay kong puro dugo. Bakit ako nagkakaganito? Meron akong naaalala pero hindi ko talaga mafigure out kung ano yun. Parang may alam ako na hindi ko matukuy kung ano yon.
Blaaag
Bumukas naman ang pinto at nakita ko ang mukha ng tiyahin kong bakas ang pagaalala. Bigla niya akong nilapitan at itinayo mula kinaluluhudan ko.
"T-tita, b-bak-kit a-ko g-ganito?" Takang tanong ko habang humihikbi, hirap din ako makapagsalita.
"Shhhhhh, tahan na pagkagulat mo lang yan" sabi niya sa akin habang niyayakap, pero mas marami sa aking hindi naniniwala sa sinabi ng tiyahin ko. Para talagang merong malalim na dahilan.
Inilabas na ako sa banyo at idinala ako papunta sa kama ko at ipinaupo sa gilid ng kama. Lumabas ang tiyahin ko sa kwarto ko, patakbo siyang lumabas.
Iniisip ko kung ano ba talaga ang alam ko pero hindi ko matukoy. Sumasakit naman ang ulo habang iniisip yun.
Pumasok na ang tiyahin kong may dalang first aid kit at lumapit siya sa akin.
Sinimulan na niyang linisin ang sugat ko habang ako naman ay tulala. Para akong muntanga.
Natapos na pala niyang linisin ang mga sugat ko. Napatingin naman ako sa kamay at tuhod ko, nakita kong nakabandage na sila ng maayos.
"Ishang, makinig ka sa akin. Wala kang dapat ipag aalala pagkagulat mo lang yun" explain niya sa akin pero hindi talaga naniniwala yung katawan ko. Parang hirap kong paniwalaan yung sinasabi niya.
"O-opo" sabi ko sakanya kahit hindi talaga ako naniniwala meron ata siyang tinatago sa akin. Lumabas na sa kwarto ko ang tiyahin ko.
Naalala kong may lakad pala ako ngayon. MagcCR nalang ako sa baba. Kinuha ko na ang mga damit ko at bumaba mula sa kwarto ko. Papabayaan ko nalang muna nangyari sa akin ngayon.
Lumakad na ako paloob sa CR, tinanggal ko muna ang mga kakalagay lang na bandage sa tuhod ko atpsaka sa kamay ko. Tinitigan ko ang mga sugat ko sa kamay ko ng parang may itinatago itong salita.
Nagsimula na akong magtanggal ng damit ko. Pagtanggal ko ng mga saplot ko, pinihit ko na yung para sa shower at pinabayaan ko nalang na bumagsag ang mga patak ng tubig galing sa shower sa katawan ko.
Andito na ako sa kwarto ko at linalagyan ng gamot at benda ang kamay at tuhod ko. Naka short pa naman ako, masakit pagnakapantalon maiipit.
Nakashort ako yung hindi masyadong maikli, isang dangkal bago sa baba ng pwet ko, sinusukat ko talaga kapag nagshoshort ako.
Simpleng blouse lang ang gamit ko at naka short syempre magsasapatos ako. Converse pala yung isusuot kong sapatos.
Naglakad na ako pababa at pumunta sa meeting place namin ni Ureka. Binuksan ko na ang pinto napaatras naman ako kasi may tao si Ureka na aakmang kakatok na sana.
"Tara na, baka matraffic patayo" sabi niya at hinila ang kamay ko.
"Napano tong kamay mo? Nakipagsuntukan ka ba?" Tanong niya sa akin habang nakawak siya sa kamay ko. Napababa naman ang tingin at nagsimulang umiba ang reaksiyon niya.
"Bat rin yang nasa tuhod?" Tanong niya ulit sa akin habang nakaturo sa tuhod ko.
"Katangahan ko lang yan" palusot kong sabi, hay nako eversince talaga hindi ko alam kung paano magrason.
"Paanong katangahan?" Tanong niya ulit ano to? Magaapply ako ng trabaho?
"Nadapa ako sa labas ng bahay namin" walang kwenta talaga yung mga
"Okay, sabihin mo lang kung masakit ha?" Pagaalalang tanong niya sa akin. Natutuwa ako dahil dito, ituninuturing niya akong parang bestfriend niya samantalang ako walang pake sa kanya pero ngayon okay lang.
"Wala yan, tara na sabi mo nga baka matraffic tayo" pagpapalusot ko ulit sa kanya. Walang kwenta talaga.
BINABASA MO ANG
Diary ng ulol (malapit na)
Teen FictionA.A.A.A ulol Actually hindi lang siya diary pero libro ito kung saan niya sinusulat kung ano yung gusto niyang gawin or gusto nya ganern (w/ POVs) Warning: Puro kachikihan Puro kakornihan Basta korni 40% reality 60% fiction Diary pala toh mga brade...