AUBREY#13

21 1 0
                                    


"Aubrey!" Tawag ng kung sino.

Napalingon naman ako sa tumawag. Wrong move...........meeeeen. Muntikan na, muntikan ko ng mahalikan si Ethan. Napalayo nalang ako kay Ethan.

Nagtama naman ang tingin naming dalawa pero agad akong tumingin sa tumawag sa akin.

"Oh, card mo!" Sabi ni Ian habang abot abot sa akin yung card na hawak niya.

Napansin naman ni Ian na meron si Ethan kaya binati niya ito.

"Hi" baling naman ni Ian kay Ethan.

Imbis na bumati siya tumango nalang bilang sagot.

"Anong ginagawa mo dito? Akl" takang tanong ko lang.

"Bakit ikaw lang ba pwedeng pumunta dito?" Pabalik niyang tanong sa akin.

"Hindi ko namang sinabing hindi ka pwedeng pumunta dito, tinatanong ko lang naman kung anong ginagawa mo" sabi ko sa kanya.

"Bumibili ng isusuot para sa lunes, ready ka na ba sa lunes?" Tanong niya sa akin.

"Kailan pa ako hindi ready? Yes! I am ready like an energetic battery" sabi ko at panggagaya sa yell namin nung girl scout.

"Ediwow, may nabili ka na ba?" Tanong ni Ethan sa akin.

"Oo ah, ako pa" maangas na sabi ko.

"Ikaw bumili? Pera mo? Ikaw gumastos?" Singit naman ni Ian sa usapang namin.

"Hindi" mabilis kong sabi.

"Baka hindi mo alam kung paano gamitin yang card" natatawang sabi niya. Napatingin naman ko sa hawak kong card.

"Alam ko, ipapasok doon sa butas na pagpasukan" mayabang kong sabi.

"Alam mo nga, shunga hahahahah" natatawang sabi niya sa akin. Ako pa yung shunga?

"Diba alam ko" sabi ko at iwinawagayway yung card na hawak ko.

"Aireen, hindi pinapasok sa butas, sinaswipe yan" natatawa ring sabi sa akin ni Ethan.

Sa kakatawa nila, pinaguntog ko silang dalawa. Buti nga sa inyo mga tuleg.

"Aray!" Sabay nilang sabi habang hinahaplos yung ulo nila.

"Pinagtutulungan niyo pa ako" inis na sabi ko mga tuleg na to.

"Oo na, tara na po, doon tayo sa claw machine" sabi naman ni Ian habang tinuturo yung makinaryang natipuhan niya.

"Sige sige, lezzgo!" Sabi ko sa kanila habang naglalakad na ako papunta sa claw machine pero si Ian lang yung sumunod sa akin

"Ethan, hindi ka ba sasama?" Sabi ko sa kanya.

"Wag na, nakakaistorbo pa ako ng date niyo ng boypren mo, mauna na ako" sabi niya.

"Hindi hindi, hindi ko siya boypren, magiging palang" sabi ko pero pabulong ko nalang nasabi yung nasa huli. Landi ko no?

"Ah okay" sabi naman niya.

"Sama ka?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Oo, hindi na ako maglalaro , papanoorin ko nalang kayo" sabi naman niya.

"Bahala ka" sabi ko pumunta na papunta sa claw machine. Tumingin naman ako sa likod ko pero hindi ko na makita si Ian na sumusunod sa akin.

Magaling ako pagdating dito. Uubusin ko lahat to. Mayabang na kung mayabang.

Sinwipe ko yung card kagaya ng sabi nila. Ginalaw galaw ko yung controller niya para gumalaw rin yung claw na nasa loob ng machine. Isinentro ko naman yun para makuha ko yung mickey mouse na stuff toy.

Diary ng ulol (malapit na)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon