Page 3

26 3 2
                                    

Dear diary'ng ulol,

   Wohooo! Yeah! Sa wakas makakasulat na ako, musta na diary ko? Miss mo ba kaulolan ko? Namiss kita. Ito nanaman ako isusulat ko nanaman yung mga katukmulan ko kanina at nung kahapon.
Nung kahapon pala yung mga tsunggo kong classmate pinilit ako (pumayag naman ako kaagad, shunga ko no?) Atleast may libre akong lunch everyday hehe kung shunga ako mas shunga sila, it's a tie mameyn. Pinilit akong. Pinilit nila akong sumali dun sa kaerekekan ng school namin, intrams kasi namin so kailangan namin ng representative every classroom. Ako ang pinakamaganda sa classroom kaya ako yung sinale nila.choss. apat lang kasi kami na babae sa classroom namin the rest mga duldog na mga lalaki na. Nakakainis nung kahapon, every magmomonolouge ako mapuputol hayshus, kung hindi lang magiging libre lunch ko eh magbabackward na sana ako with matching split sa ere pagbagsak sa sahig boom wasak.
Alam mo ba? Nung kahapon ang weird ng panaginip ko, ang gulo, sobrang gulo na parang buhok sa you know, ganito kasi yun yung batang babae raw katok ng katok (baliw raw in ilocano)tapos pag bukas nya sa pintuan nakita nya si Hatter tapos si Alice na nagshashabu, choss, nakita nya yung beloved father nya na nakahandusay sa kama nagsiswimming sa sarili niyang dugo, My goodness dutchmill is the best, gusto kong masuka pero hindi ko ginawa nakakahiya naman sisirain ko yung drama ng batang babae na blurred yung feslak nya. Sinasabi ng echusera kong konsensiya na ako raw yun, echusera talaga ano? Hindi jan nagtatapos nauto ko pala yun mga tsunggo kong classmate hehe nagpalibre ako kahapon sa mcdo, witwew. Busog nanaman si bulate ko sa tyan. Andaming nangyari kahapon. Anhaba na ng sinulat ko, wala pa yung nangyari kanina laptrep si tita kong abnormal.

Hindi ko pa nasabi kay tita yung miss intrams chuchuness nayan. Ahy sinabi ko na pala laptrip kanina. Anhirap magpigil ng tawa ko kanina. Ganito kasi yun kanina kase nagunundirit ako na umiiyak, tapos.... wait nanghihina yung kamay ko na nagsusulat laptrep  kasi e. Tapos napansin nya ako na umiiyak:

Tita: bakit ka umiiyak? ishang?
Ako: tita (with matching peke na iyak)
Tita: bakit nga? Anong nangyari?
Me: tita buntis akooo! (Iyaq raw ako)
Tita: ANO?! SINONG AMA NIYANG DINADALA MO?! ILANG BUWAN NA YAN?!
Me: yung kambing ng kapitbahay tita (iyaq effect)
Tita: ANO?!
Me: joke lang tita, hehe practice lang peace
Tita: kala ko kung ano na

Bwahahahahahhahaha, laptrep si tita. Nasabi ko naman na sakanya na sali ako dun, pinayagan naman nya ako kahit money contest.

                                                        
              

Diary ng ulol (malapit na)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon