Naglalakad kami papunta sa pagbibilhan namin ng pang sportwear. Kasama pala namin si Ian. Patakaw akong tumitingin sa kanya syempre nahuhuli naman niya ako. Kakahiya mameyn.
Nandito na kami sa pagbilhan ng pangsports wear ko.
Tumungo naman kami kung saan banda yung mga pangfiring."Aubrey Ian maiwan ko muna kayo dito, may emergency akong pupuntahan, Ian bahala kana kay Aubrey" sabi ni Ureka.
"Ehhh?" Takang tanong ko
"Magaling si Ian pumili ng pangdamit mo, siya na muna bye" mabilis niyang sabi atsaka umalis. Naiwan ako kasama tong kegwapo gwapong nilalang na to.
Napakamot nanaman ako sa ulo kahit hindi naman kasi makati, ano ba?
"Simulan na siguro natin?" Tanong niya sa akin.
"Ahh? Sige sige" mabilis kong sabi.
Tumingin naman siya kung anong isusuot ko. Nagsimula narin akong tumingin.
Makalipas ng isang libong taon charot.
"Psst," tawag sa akin ni Ian ,omeygesh
Mabilis naman akong tumingin sa kanya. Hawak hawak niya yung damit na isusuot ko.
"Isukat mo to" sabi niya habang inaabot sa akin, mabilis ko namang inabot ito...........pagabot niya...... dumampi yung kamay niya sa kamay ko na para bang may kuryenteng dumaloy dito. Mabilis naman akong umalis at pumunta sa fitting room.....ulet.
Sure ba siya sa napili niya? Putspa naman this. Seryoso, ito isusuot ko? Tube ito na kulay black tapos leather na black na jacket. Maybelt rin ito na ieekis sa waist . Sobrang iksi pa ng short ko. Parang pang action star.
Parang ganito yung belt.🔝
Lumabas naman ako para ipakita sa kanya. Nahihiya ako shete.
Napatingin naman siya sa akin at nagthumbs up. Eeeeeeeh enebe nemen yen?
"Okay lang?" Tanong ko sa kanya, hindi malanding tanong ah.
"Hindi" sabi niya at yun rin ang ikinalungkot ko.
"Okay na okay na okay, mas okay pa sa okay" sabi naman niya, kenekeleg nanaman yung mga landi celss ko.
Pumasok ulit ako sa fitting room at bumalik ako sa pagiging maganda parin. Kanina sobrang ganda ngayon maganda na lang.
Lumabas na ako hawak ang mga sinukat kong mga gamit.
"Ako na magbuhat" sabi naman niya at kinuha yung mga nakabuhat sa akin. Ang lapit niya.
Lumakad siya papunta sa cashier para bayaran kaya sumunod naman ako.
Ang lagkit ng tingin ng babae kay Ian ko, echusera ang peg. Ang gandang sundutin yung mata niya tapos pakain ko rin sa kanya or chopchopin ko yung buong katawan niya para gawin kong dinuguan yummy.
"May pupuntahan ka pa ba?" Tanong niya sa akin. Tapos na pala siya nakabayad.
"Sa ano......doon sa ano.........doon oh" nahihiyang sabi ko habang tinuturo yung kanina ko pang gustong puntahan, sweet corner.
"Tayo na" mabilis na sabi niya at nagsimula ng lumakad
"Tayo na? Ang bilis naman, tayo na agad?" Napatawa naman siya at humarap siya sa akin. Hindi lang siya humarap, lumakad siya palapit sa akin at inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at humakbang paabante syempre ako napaatras naman.
"Kung yun yung gusto mo" sheeeeeeet may pagkamalandi rin tong lalaki nato. Maypanisi ngisi naman siyang nalalaman.
Pinitik ko naman siya sa noo dahilan ng pag atras niya.
"Ano? Laban?" Hamon ko sa kanya na umaakto pang susuntok.
"T-A-R-A tara na" sabi naman niya.
Hinila niya yung kamay ko. Hindi lang basta hinila hinawakan niya pa yung kamay ko at agad ko naman itong hinila.
"Kala ko ba tayo na?"
"May sinasabi ba kasi ako, bingi kalang" sabi ko sa kanya.
"Parang may narinig kasi ako eh" nakangisi niyang sabi.
"Sabi mo ' tayo na? Ang bilis naman tayo na?" Pang gagaya niya sa sinabi ko kanina.
"Wala namang malisya doon" pagpapalusot ko.
"Ganito kasi yan, may dadaanan pa sana ako eh" pagpapalusot ko ulit, sana maniwala ka mekeni mekeni dug dug doremi.
"Kala ko kung ano na eh, pero......... may iba talaga sa pagkasabi mo" pagpupumilit niya.
"Wala nga sabi eh, gusto mo sapak? Kaines ka eh, gusto mo bang madungisan yang tinatawag na art na pagmumukha mo? Gusto mo bang gawin kong abstract yan? Kung ayaw mo tumahimik ka " maangas na sabi ko. Parang natulog ata yung mga landi cells ko.
"Okay okay okay.......suko na suko na" sabi nya habang naataas ang isang kamay niya. Naka hawak kasi sa kanya yung susuotin ko sa lunes.
"Berigud, good dog" sabi ko at tumitlay para hawakan yung ulo niya at hinaplos yung parang ginagawa sa aso ganun.
"Argh" malanding tahol ng aso.
"Tara na" sabi ko sa kanya. Ako naman ang unang naglakad. Sumunod rin siya sa akin . Tumungo kami sa..........sweet corner. Eeeeeeeeeeeeeh mas nakakakilig to keysa sa ihi ko. Pati sungit ko kinikilig ano ba?
"Ate, magkano tong mga to?" Tanong ko habang turo turo yung candy.
"200 isang kilo" what the....... ang mahal, buti pa to mahal yung iba umaasang mamahalin.
"Ako na magbabayad" singit naman ni Ian.
"Good dog" sabi ko sakanya.
Kumuha na ako ng plastic at kumuha ng tong(yung pang sipit alam mo yun? Kung hindi, bahala na u)
Kumuha ako ng gummy worm, ng gummy bears, ng jelly beans and many many more. Heaven na to.
"Shalamet, masharep" sabi ko habang may subo subo na gummy worms sa bibig ko.
"Penge" nagmamakaawang sabi niya sa akin. Akmang kukuha na siya sa supot ko pero nilayo ko sakanya iyon.
"Tara na, punta tayo arcade, libre mo hehe" sabi ko at naunang pumunta sa escalator at sumunod naman siya.
Naglalakad ako ng may........... NOOOOOO!!!
At tumigil ang mundoooooo
Natapon yung....... natapon yung.........candy ko. Why this is happening to me?(ano raw?)
Sinong hudlong nakabangga kong ito?
"Hoy lalaki, alam mo bang ngayon nalang ulit ako makakakain nito? Syempre alam mo na kasasabi ko lang. Kainis to. Pinutol mo yung kasiyahan ko, hudlong ka, lakas ng loob mong hindi tumitingin sa dinadaanan mo. Argh " sabi ko sa kanya habang dinuduro siya, fliptop nanaman to. Habang si aso ko este si Ian pinupulot naman yung mga natapon. Bait naman pala to.
"Hoy babae-" napatigil naman siya ng pagsasalita. Napalaki naman yung mata ko ng mamukhaan ko siya.
"Olive oil?" Takang tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Diary ng ulol (malapit na)
Teen FictionA.A.A.A ulol Actually hindi lang siya diary pero libro ito kung saan niya sinusulat kung ano yung gusto niyang gawin or gusto nya ganern (w/ POVs) Warning: Puro kachikihan Puro kakornihan Basta korni 40% reality 60% fiction Diary pala toh mga brade...