AUBREY
"Kalimutan mo nayan sige sige maglibang wag ka magpakahibang yeah!" Kanta ko habang naglalakad papunta sa school. Nasanay ko na kasing lakarin to eh.
Pagdating ko sa gate, huminga ako ng malalim bago pumasok sa gate. Bagong araw bagong kaulolan.
"Goodmorning manong guard! Musta duty jan?" Bati ko kay manong guard
"Goodmorning rin iha, okay lang naman duty dito, mukhang maganda mood mo ata ngayon ah" bati rin niya sa akin.
"Talagang maganda manong pero mas maganda ako hehe, libre kasi lunch ko mamaya kaya happy nanaman si ako manong, una narin po ako" sabi ko at naglakad na palayo
Sana nga maganda magiging araw ko, sana pagmomonoulouge ako eh wag putulin ng mga echuserang extra na mga yun. Nakakainis overload eh.
Pagdating ko sa classroom konti palang ang tao.
"Hey! Mga brader!" Bati ko sa mga tsunggo kong classmate.
"Hey Aubrey!" Sigaw pabalik sa akin ng isa kong classmate.
"Pinayagan ka ba ng tiyahin mo?" Tanong ng tsunggo sa akin.
"Ah oo naman, laptrep nga eh" pabalik kong sagot sakanya at umupo na sa upuan(alangan naman sa lamesa)
Dumating narin isa isa ang mga classmate kong tsunggo. Choss
"Mga brader, sino gusto magvolunteer na sumali sa intramurals, wala pa tayong mr chuchuness nayan ih"tanong ng isa sa mga tsunggo dito.
"Sasali ako" sabi ni katabi ko/Ethan, buhay papala to kala hindi na sya kasali sa story eh.
"Ah oksie doksie, wala na pala tayong problema eh"
Pumasok na si prof, at inilapag ang mga bitbit nya. Sinimulan na nya ang discussion
Tik. Tok. Tok (baliw si ishang walang magawa sa buhay)
.
.
.
.
.
.
."So much for this, goodbye" paalam ng prof namin. Tapos na pala, wala pa akong naintindihan zero nanaman ako sa susunod na quiz. Wala ako sa mood kase yung dutchmill ko naiwan ko sa bahay.
"Dutchmill, dutchmill, dutchmill" bulong ko sa sarili kong ulol.
Kinalkal ko yung bag kong magulo baka sakaling may natira. Tipid pa naman ako ngayon eh. Nanlumo ako ng makita ko yung bag ko, nakakastress andaming nag inuman ng dutchmill.
"Huyts, ang boring no?" Tanong naman ng katabi ko
"Share mo lang?" Sagot ko naman sa kanya.
"Tutal wala pa tayong prof, laro muna tayo"
"May sasabihin akong dalawang bagay sayo, una hindi tayo bata para maglaro, pangalawa walang tayo" pacool na sagot ko sakanya.
"Paano kung isang tanong isang sagot?" Kulit naman ni lalaking to , ano na kase pangalan nitong lalaki na to? Elmer? Elmo? Bahala na
"Wala ako sa mood" cool kong sabi with monotone voice.
"Medyo matagal tagal na ako dito wala pa akong masyadong ka alam alam sayo" nakangusong sabi nya, yaks hindi nya bagay ngumuso parang pagsabitan ng kaldero.
"Hindi lahat ng bagay kailangan mo pang malaman" syempre pacool ulit yun, feeling ko kase cool ako, pagbigyan nyo na ako feelingers kasi ako.
"Sige, isang maayos na sagot, isang dutchmill deal? Kuminang naman ang maganda kong mata charot pangit yung mata ko kulay rainbow, charot ulit. Napaisip muna ako, malay ko kung magtatanong sya ng mahirap example fraction sa math, edi laos ako wala na yung pacool .
"Huy Aireen, deal?" Tanong nya ulit sa akin
"Deal, Elmer? Ano na kasi pangalan mong lalaki ka?" Syempre alam nyong feeling ako, pacool kong sabi with no matching embarrassed feels.
"Ethan po, hindi Elmer, pangmatanda yun, basta tandaan mo na yung Ethan na pangalan pang gwapo kasi yun" nakikifeeling cool karin?
"Pang gwapo nga name mo, gwapo ka ba?" Cool kong tanong,ano ba paulit ulit nalang ba na cool? In fairness sya ngayon ko lang napansin, gwapo nga sya , maputi, matangos ang ilong, ang ganda ng mata nakaka adik tignan or talagang adik lang ako.
"Wait lang" nagpaalam sya at tumakbo palabas.
Ako pa yung pinaghihintay nya dapat ako ang nagpapahintay kasi nga cool ako(adik pala). Saan kaya sya pupunta? Tanong ko sa singit ko, tanga ko rin no? Kinaausap ko sariling konsensya ko tinatanong ko pa masasagot kaya? Syempre hindi diba? Tinatanong ko nanaman sarili ko. Napasobra na ata paghithit ko ng krimstix.
Tik. Tok.T-
Pumasok na si lalaking yun sa pintuan alangan naman sa bintana kasya sya? Sympre hindi commonsense. May dala dala syang plastik parang kaibigan mo lang , pati ako plastik ako. Tumungo na sya sa tabi ko at inilapag ang dala dala nyang kaibagan este plastik na may isang katerbang alam nyo na dutchmill.
"Game na?" Tanong nya sa akin
"Game, first question?" Excited na ako, gagawin ko lang naman ay sagutin yung mga tanong nya.
"May boyfriend ka na ba?"
"Wala pa"
"Bakit?"
"Kasi gusto ko yung, pagnagkaboyfriend ako sya na yung first and last ko. Atsaka wala pa namang dumadating or wala na talaga, oh wait dalawa yung tanong mo edi dapat dalawa rin yung ibigay mo"
"Oh yan" kumuha sya sa plastic at inilapag sa harap ko dali dali ko namang kinuha.
"Next question, may mahal ka ba na tao or baka gusto mo hayop?" Tanginang tanong naman yan.
"Wala" seryosong sagot ko, sabay lapag ng dutchmill sa table ko.
"Paano kung, kunwari may mahal ka pero yung mahal mo may mahal na iba?" nakakatense naman yang tanong na yan.
"Depende sa sitwasyon, dalawa ang choice ko, una ipaglaban sya kahit walang laban pangalawa hayaan na lang sya kung yun yung gusto nya" lapag ulit sa harap ko.
"Paano kung mahal ka ng mahal mo pero may iba ulit syang mahal?" Hindi ako magpapatalo sasagutin ko yan.
"Depende ulit yan sa sitwasyon, kung ako yung mas mahal nya, keri lang, pero kung yung iba yung mas mahal nya keri lang naman hindi naman kawalan marmi pang iba jan." Cool ako kaya wag muna ako sa kalokohan/kaulolan. Inilapag na nya lahat ng dutchmill sa harap ko.
"Sayo nalang yan lahat basta sagutin mo na lang yung mga sagot ko"
"Bakit meron at meron paring nasasaktan pagnagbreak ang isang relasyon?"
"Ganito kasi yan" tinanggal ko yung ponytail ko." Hawakan mo yan" ipinahawak ko naman sa kanya ang isang side ng ponytail at ako naman sa isang side. Binitawan ko naman at tumama sa kanya yung ponytail.
"Aray naman"
"Anong naramdaman mo?" Tanong ko sa kanya
"Masakit alangan"
"Parang ganyan rin yung isang relasyon pagbumitiw yung isa masasaktan naman yung isa"
"Okay, next question, bakit kaya minsan kala mo may pag asa yun pala care lang nya sayo yun?"
"Two words, echusero ka" echusero naman kasi yun wag kasing bigyan ng meaning.
"Ok next, bakit kaya may mga taong paasa?" Tanong naman nito, ulol rin to ng ugok na to. Kalahi
"Kase may mga taong tanga na umaasa(kagaya ni author, umaasang wala sanang pasok at assignment,choss), atsaka diko alam kung bakit, tanong mo kaya sa mga paasa hindi ko naman masasagot yan."
"Ayoko na" nakakapagod kaya no
"Mamaya nalang ulit"
_____________________________________________
Sabaw na update✌
Peace po(bobo ko kasi)
Wala akong maisip na plot (padakar ko lang yan)
BINABASA MO ANG
Diary ng ulol (malapit na)
Fiksi RemajaA.A.A.A ulol Actually hindi lang siya diary pero libro ito kung saan niya sinusulat kung ano yung gusto niyang gawin or gusto nya ganern (w/ POVs) Warning: Puro kachikihan Puro kakornihan Basta korni 40% reality 60% fiction Diary pala toh mga brade...