AUBREY
At dahil gutom, trip ko kumain ngayon. Pumunta na ako sa canteen, hindi ko na hinintay yung kasama ko. Gutom na talaga ako, I can't hold it anymore again(ano nanaman raw?)
Pagdating ko sa canteen, dumeretso na ako para mag order.
Kain
Kain.
Kain.Pagkatapos kung kumain, pumunta na ako sa gym para ituloy yung practice. Pagdating ko sa tapat ng gym, huminga muna ako ng malalim. Pumasok na ako sa pintuan, alangan naman sa bintana.
Pagpasok ko sa gym, tumingin lahat sila sa akin. Bakit? May dumi ba sa maganda kong mukha? Or sobrang ganda ko lang talaga? Bumalik na yung mga tingin nila sa mga ginagawa nila. Naglakad nalang ako kung saan nandoon yung lalaking katabi ko, ano na kase pangalan nun? Evan? Estevan? Bahala nalang ulit.
"Saan ka pumunta?, may naghahanap sayo kanina dito sa gym" omaygad baka sa sobrang ganda ko tinawag ako? Or sobrang ganda ko lang talaga ulit?anong connect? Wireless? Cable? I can't believe this. Sorry praning lang talaga ako magisip kase nga diba ang ganda ko.
"Sa canteen, nagutom kase ako" seryosong sabi ko sa kanya.
"Ahh ok" sabi nya with patango tango.
"Sino ba yung naghahanap?" Curious kong tanong.
"Hindi ko kilala"
"Saan daw ako pupunta?" Tanong ko
"Punta ka raw sa office"
"Ok.... wait ano na kase pangalan mo?" Tanong ko sa lalaking to.
"Ethan" maikling sagot nya sa akin.
Lumakad na ako palabas ng gym. Ano ba yan kakaloob ng gym lalabas nanaman ako. Pumunta na ako at pagdating ko dun sa harap ng office at kumatok.
"Come in" sabi nung nasa kabilang side ng pintuan. Unti unti ko namang binuksan hanggang sa tuluyan ng nabuksan ito at pumasok.
"Sit down" sabi naman sa akin ng principal ata yun or basta yung nakaupop sa upuan.
"Sino po nagpatawag sa akin?" Magalang kong tanong sa kanya.
"Maghintay kalang sandali, padating narin yun-" naputol ang sinasabi nya nung may biglang pumasok na babae at lumuluha ito na nakangiti, parang tanga lang ang peg.
"Andiyan na pala siya" patuloy ng sinabi ng principal paano ko nalaman may pangala kasing nakalagay sa table nya.
Umupo ang babae habang lumuluha at nakangiti. Nagtataka ako kung bakit lumuluha.
"Anak, ang laki mo na dalagang dalaga ka na" nagulat naman ako sa sinabi ng babae. Binigyan ko sya ng confuse look.
"Ishang anak, ang laki na ng pinagbago mo" napatitig nalang ako sa kanya at nagsimulang nag init ang mata ko ng hindi ko alam ang dahilan. Nagsisimula naring kumawala ang mga luha ko.
"B-bakit?" Tanong ko sakanya.
"Anak pasensiya ka na, hindi ko talaga alam ang gagawin ko nung time nayun"
"B-bakit ngayon k-ka lang?" Nanginginig ang boses ko habang nagsasalita.
"Sorry talaga anak, sorry anak, hindi ko alam kung anong ginagawa ko nung time na yon"
"Wag mo akong tawaging anak" tuloy tuloy na ang luha ko na hindi ko na talaga mapigilan.
"Anak pasensiya na talaga, nanay mo parin ako" umiiyak na sabi nya sa akin.
"NANAY?! MATATAWAG KA BANG NANAY?! NAWALA NA ANG KARAPATAN MONG TAWAGIN AKONG ANAK SIMULA NUNG INIWAN MO AKO!!" Napasigaw nalang ako dahil hindi ko na talaga mapigilan.
"Sorry, hindi ko talaga sinadya yun, pwede tayong magsimula ulit"
"SORRY?! PASENSIYA?! YANG MGA YAN KAYA BA NIYANG PALITAN NG NAKARAAN?! KAYA NYA BANG PALITAN YUNG MGA ARAW NA WALA KA?! YUNG ARAW NA KAILANGAN KO NG NANAY NA MAG AALAGA SA AKIN DAHIL MAY SAKIT AKO, YUNG ARAW NA KAILANGAN KO NG PAYO DAHIL FIRST DAY AKONG NIREGLA?! YUNG ARAW NA KAILANGAN KO NG NANAY PARA SA MOTHERS DAY KASI WALA AKONG PAGBIBIGYAN NG CARD NA GINAWA KO?! WALA KA,KAHIT ISANG ALAALA WALA KA-" naputol naman ang sinasabi ko ng bumukas ang pinto at iniluwa nito ang nasa limang taong gulang sigurong bata.
"Mama hinahanap ka na ni papa" sabi naman ng bata. Mas lalo akong naiyak ng sinabi nya yon.
"Tapos ngayon meron ka ng ibang pamilya, hindi mo man lang inisip na meron ka pang anak na babalikan, anak na nagiisa tuwing gabi na malamig. Anak na dapat ipinaghahanda mo ng umagahan bago pumasok. Anak na dapat tinutulungan mong gumawa ng assignment pero imbis na yung anak mong atupagin mo, bumuo ka pa ng sarili mong pamilya tapos babalik ka sa akin, pagbabalik ako sayo ako yung parang ampon, parang ako yung nakikihati ng oras mo, " mahinhin kong sabi at lumabas ng office.
Pinunasan ko ang luha habang naglalakad sa hallway pero hindi parin ito tumitigil kaya pinabayaan ko nalang umagos ang nagraragasa kong mga luha na dapat hindi ko sinayang para sa wala kong kwentang ina.
Dumeretso ako sa labas at naghanap ng lugar na walang makakakitang umiiyak ako. Nakita ko naman ang isang parang bodega sa likod nitong building nato. Lumakad naman ako palapit doon.
Pagdating ko sa bodega umupo ako sa sahig at niyakap ko ang mga tuhod ko at iniyuko ko ang ulo ko. Hinayaan ko ang sarili kong umiyak. Pero habang umiiyak ako may narinig akong nagsisigawan kaya tumayo ako at pinagpag ang palda ko at pinunasan ang luha ko. Sinundan ko kung saan banda galing yung ingay.
Tinignan ko naman ano yung ingay na yun, pagtingin ko nakita ko ang lalaki na pinagtutulungang bugbugin. Puro sugat at pasa naman ang lalaki. Lumalaban parin ang lalaki at napatumba naman niya ang isa pero bumangon parin ito at sinimulan niyang ulit suntukin ang lalaki.
Naawa na ako sa lalaki kaya lumapit na ako dito.
"Hoy, mga bugok wala na ba kayong magawa sa buhay at pagtripan yang lalaking yan, mag isip naman kayo mag isa nya lang,kayo apat. Hina nyo naman pala eh" napatigil naman sila sa ginagawa nila at tinignan nila ako ng masama, patay ,yari ka Aubrey.
"Ops naistorbo ba kayo? Tuloy nyo lang manunuod ako, syempre ivivideo ko narin para isend sa principal, tapos kinabukasan kick out na kayo sa school nato" mayabang ko sabi kahit natatakot na ako.
Napangisi naman ang isang lalaki at unti unting lumalapit sa akin. Ang pangit naman niya.
"Paano ka makakavideo kung idadamay ka na namin?" Nakangising tanong nya sa akin. Lagot, luminga linga ako at ngumisi rin.
"Okay idamay nyo ako siguruhin nyo lang na hindi kayo kita sa cctv, bobo" ibinulong ko nalang ang huling word na sinabi ko.
"Sigurado rin akong nakunan lahat ng cctv ang pinag gagawa nyo sa lalaking yan."turo ko sa lalaking binugbug nila na.
"Kaya kung ako sa inyo, lumayas na kayo kung ayaw nyong ako na talaga ang magpalayas sa inyo" siga kong sabi
Linagpasan ko naman ang adik na lalaking yun at pinuntahan ang binugbug nila. Hinila ko ang kamay ng lalaki at dadalhin sa clinic.
"Saan mo ako dadalhin? Tanong naman ng lalaking puro sugat at pasa.
BINABASA MO ANG
Diary ng ulol (malapit na)
Ficção AdolescenteA.A.A.A ulol Actually hindi lang siya diary pero libro ito kung saan niya sinusulat kung ano yung gusto niyang gawin or gusto nya ganern (w/ POVs) Warning: Puro kachikihan Puro kakornihan Basta korni 40% reality 60% fiction Diary pala toh mga brade...