I was debating with my bestfriend Lana Santiago in the school hallway. Hawak-hawak ko ang isang box ng cupcakes that I baked last night.
"Chandrielle lapitan mo na! Go!" Lana exclaimed saka niya ako tinulak para palapitin kay Michael. Nervous, I took two steps back.
Si Michael de Guzman ang heartthrob ng Livingstone Academy. He's tall, handsome, hot, intellegent and a true gentleman. In short, he's an ideal boyfriend. Halos lahat ng mga girls nagkakandarapa sa kanya. Including me. He has been my ultimate crush ever since tumapak ako sa academy namin. Pero sa dami ng magaganda sa school wala pa siyang napipili. I mean, wala pa siyang naging girlfriend. Maybe because he really wants to focus on his studies first.
"Wait! Kinakabahan ako. What if he won't accept this?" I asked my bestfriend Lana.
Birthday ni Michael ngayon kaya gumawa ako ng cupcakes para ibigay sa kanya. I always baked cupcakes for him every birthday niya pero because I'm such a coward to give it to him personally, pinapa-abot ko na lang kay Lana since they are cousins.
"He will accept it. Go. Kaya mo iyan!"
Kagabi pa ako binibigyan ng words of encouragement ni Lana pero hanggang ngayon hindi ko pa rin mahanap ang courage ko. I combed the strands of my hair using my right fingers habang hawak-hawak ko naman ang isang box ng cupcakes.
"Bilisan mo! Aalis na 'yang si Michael di mo na talaga mabibigay. Sayang naman."
"Ikaw na lang kaya magbigay mamaya?" I asked her.
"Ayoko na. Ano ka ba naman Chan. We've been doing that for how many years na. Eights months to go at ga-graduate na tayo. This is your last chance kailangan mo na talagang ibigay 'yan."
Lana is right. This is my last chance. I have to try atleast, or I will suffer forever thinking about my 'what if' issues.
I let out a deep breath "Okay! Here we go!" I exclaimed. Lana tap my right shouder to cheer me.
I gathered all my courage saka ko nilapitan si Michael na busy sa pag-aayos ng locker niya. Ang dai kasing naghuhulog ng love letter kaya punong-puno na ito. Nilagay niya lahat ng 'yun sa bag niya without opening them. I wonder if binubuksan ba niya ang mga 'yun at binabasa.
Habang papalapit ako ng papalapit kay Michael, mas lalo namang lumalakas ang tibok ng puso ko. Hanggang sa tatlong talampakan na lang ang layo namin.
"Uhmm.. Mi--" I was almost there.
"MICHAEL PARE!!!"
Lalabas na sana mula sa bibig ko ang pangalan niya. Pero bigla na lang may isang walang kwentang lalaki na bumangga sa'kin mula sa likuran ko kaya natumba ako. At ang masaklap pa, nabitawan ko ang hawak-hawak kong box.
"Miss sorry!" Bulalas ni Tam pagkatapos niya akong banggain. "Sorry talaga. Bigla ka kasing huminto sa harap ni Michael. Akala ko kasi lalampasan mo siya." Pagpapaliwanag ni Tam.
Nakatingin lang ako sa kanya. Si Tam ang bestfriend ni Michael. Gwapo din siya, matangkad at mabait. Marami ring nagkakagusto sa kanya pero iba pa rin talaga si Michael.
"Are you okay?" Tanong ni Michael sa'kin pagkatapos naming makuha ang atensyon niya. Parang gusto kong takpan ang mukha ko habang nakatitig si Michael sa'kin. Nakakahiya. Sobra.
"Let me help you Chandrielle." Michael offered his hand sa'kin.
I was in shock dahil alam niya ang pangalan ko. Ibig sabihin kilala niya ako. Kinuha ko ang kamay ni Michael saka ako tumayo.
"Sa'yo ba 'to?" Tanong ni Tam sa'kin saka niya pinulot ang box. Hindi pa naman ako nakasagot, binuksan na niya ito saka niya nakita ang cupcakes na sirang-sira na ang icing sa taas ng cupcakes.
"Mukhang masarap ah! Pahingi ako ha? Chandrielle!" Sambit niya saka niya kinain ang isang cupcake kahit na ang panget na ng frosting.
"Tam!" Suway ni Michael sa kanya.
"Ang sarap. Gusto mo rin ba Michael?"
Pero hindi sumagot si Michael kaya bigla na lang tumalikod si Tam dala-dala ang buong box ng cupcakes na para sana kay Michael.
"I'm really sorry about my friend. May pagka adik talaga 'yun sa pagkain. Pasensya ka na talaga. Babayaran ko na lang 'yung kinuha niya."
"No! No! No need. The truth is.. para sa'yo naman talaga sana ang cupcakes na 'yun. Happy Birthday Michael!" I greeted him shyly. Pakiramdam ko talaga pulang-pula na ang mukha ko sa sobrang pagkahiya ko.
"Thank you Chandrielle. Tama nga ang hinala ko na ikaw ang nagpapadala sa'kin ng cupcakes every year. Kinukulit ko si Lana palagi kung sino nagbibigay pero hindi naman niya sinasabi."
Mas lalo akong namula sa sinabi ni Michael. Akala ko talaga isa lang ako sa mga naghahabol sa kanya na invisible naman sa paningin niya pero hindi pala.
"Pano na 'yan? Wala na akong mabibigay na birthday gift sa'yo." I told him.
"Binati mo naman ako. Okay na 'yun sa'kin. Pero kung gusto mo talagang magbigay ng birthday gift may isa akong hiling."
"Ano 'yun?"
"If it's not too much to ask. Friends?"
He offered his right hand to have a handshake deal with me. Ako naman, halos tumalon na sa sobrang tuwa. Akala ko epic fail ang mangyayari pagkatapos akong banggain ni Tam pero hindi pala. Nang dahil sa kanya, magiging official friends na rin kami ni Michael. Now I am one step ahead when it comes to my feelings for him.
"Friends." I said and gave him a handshake. Nakangiti lang kami sa isa't-isa hanggang sa natapos na nga ang pag hahandshake namin. Halos ayaw ko nang bumitaw sa kamay niya.
Nakakakilig. Sobrang nakakakilig. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ganito pala ang pakiramdam pag nalaman mong kilala ka ng ultimate crush mo. And to think na magkaibigan na kami.
*riiiing*
The bell rang kaya nagsitakbuhan na ang mga estudyante pabalik sa designated rooms nila.
"I'll see you around then?" He asked me and I nodded.
Tumalikod siya kaya tumalikod na rin ako saka ko pinikit ang mga mata ko sa sobrang tuwa. Agad ko namang niyakap si Lana pagkatapos.
"Success! I'm happy for you Chan." She stated.
"Thank you Lana. Pasok na tayo? Baka ma late pa tayo." I told her.
Magkahawak kamay kaming naglakad ni Lana sa hallway patungo sa classroom 4-1. This is definitely my best day ever.
----------
AN: Open for dedications XD just comment below. Don't forget to vote ;)
BINABASA MO ANG
That Bad Boy
FanfictionIs love a choice or a feeling? Chandrielle's love story. Not your typical love story.