“Pare! Bitawan mo ang babae. ‘Wag mong pilitin ang sarili mo kung ayaw niya sa’yo?”
Napatingin kaming dalawa ni Gian sa lalaking nagsalita. Nakasakay siya sa itim na motorbike niya. May suot siyang helmet kaya hindi ko makita ang mukha niya.
“At sino ka naman?” Tanong ni Gian sa kanya.
“Concern citizen!” Sambit niya. “Kung ako sa’yo, bibitawan ko na siya bago pa magdilim ang paningin ko.” Pagbabanta niya.
“Hahah!” Tumawa ng malakas si Gian saka niya ako tinulak. Mabuti na lang talaga at nahanap ko agad ang sense of balance ko. “Joke ba yun? Nakakatawa kasi.”
“Hindi ‘yun joke. Pero salamat naman at nakinig ka bago pa may mangyaring masama sa’yo.”
“Miss gusto mo ihatid na kita?” Tanong nang lalaking nasa motorbike.
“Ha?” Iniligtas niya ako mula kay Gian pero hindi pa rin ako sigurado kung mapapagkatiwalaan ko siya.
“Type mo rin siya kaya ka nakisawsaw. Bakit hindi mo muna ako harapin para maliwanag ka? Sarap basagin ng mukha mo!” Sigaw ni Gian.
Tumawa lang nang mahina ang lalaki saka niya pinatay ang makina ng bike niya at bumaba. Dahan-dahan naman niyang inalis ang helmet na nakabalot sa buong ulo niya. Ako naman, hindi maalis ang tingin ko sa kanya hanggang sa tuluyan na nga niyang naalis ang helmet niya.
Tinignan niya sako saka ko nakita ng maayos ang mukha niya. He is good-looking. But I think he’s trying to hide it. I mean, ang simple lang ng suot niya. Black leather jacket, black pants at nakabrush up ang kulay itim na buhok niya, .Makapal ang mga kilay niya at parang nangungusap ang kulay tsokolate na mga mata niya na tila ba umiitim habang lumalalim ang pagtitig mo sa kanya. Matangos ang ilong niya that fits his lithe lips. Just as I thought that Lee is the baddest boy I’ve ever seen in my seventeen years of existence, I realized na mali pala ako. The guy in front of me is the epitome of a bad boy. It’s like the word dangerous is carved sa buong pagkatao niya.
“One minute.” Sambit niya at binigyan ko lang siya nang I don’t get you look. “Babasahin ko ang mukha niya sa loob lamang ng isang minuto.” Pagpapatuloy niya. Pinatong niya ang helmet sa motorbike niya saka siya lumapit kay Gian.
Sobrang bilis ng pangyayari. He was beating the hell out of Gian. It was like his fist can be compared to the speed of light sa sobrang bilis.
“F*ck You!!” Gian screamed at him as he tightly grasped his broken nose. Blood was seeping through his left nostrils.
“May sampung segundo pa ako. Gusto mo bang ituloy ko pa?” Tanong ng lalaki sa kanya. But he chickened out at tumakbo na papalayo sa’min.
Mas lalo ko pang naramdaman ang lamig ng gabi because of the awkwardness sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sa kanya sa pagtulong niya sa’kin o dapat tumakbo na rin ako ngayon papalayo sa kanya.
“I think I deserve a thank you from you. Or-” Sambit niya sa’kin saka siya dahan-dahang lumapit sa kinatatayuan ko. “A kiss will do.”
Bigla akong parang naging bato sa narinig ko. Tama nga ako. Bad boy siya. He’s dangerous and I should run away now.
“Hahaha! Nagbibiro lang ako. What’s your name?” Tanong niya sa’kin.
“I don’t talk to strangers.” I firmly told him saka ako tumalikod at naglakad papalayo sa kanya. Nilakihan ko ang mga hakbang ko para makalayo agad sa bad boy na ‘yun. Hindi nagtagal nakahanap na rin ako ng taxi. I just want to go home safely. I swear, hindi na talaga ako aattend ulit ng teen party.
-TBB-
“Bakit mo ako iniwan kagabi? Grabeh ka. Nagtatampo ako sa’yo kaya di dapat kita kinakausap ngayon pero di kita matiis.” Sambit ni Lana habang nakaupo kami sa silya namin at hinihintay si Teacher.
“Hinanap kita kagabi at hindi ka nagpakita. Ewan ko ba kung saan ka nagsuot at nawala ka na lang bigla. Muntik pa akong mapahamak dahil sa Gian na ‘yun. Sa susunod talaga hindi na ako sasama sa’yo.”
“Ang sakit mo namang magsalita Chan. Ibig sabihin ba ayaw mo nang i-pursue ang feelings mo kay Michael?”
“That’s not what I meant.” Matipid na sagot ko.
Nagsimula na ang klase namin at hindi pa rin dumadating ang seatmate kong bad boy. It’s not that I miss him. Masaya nga ako dahil wala siya. Ibig sabihin walang manggugulo sa’kin. Pero bigla ko na lang naisip na baka nagkasakit ‘yun kaya nag absent. Pero nagkakasakit din ba ang bad boy na katulad niya? Aish. It’s none of my business. Hindi ko na dapat iniisip ‘yun.
Natapos na ang morning class namin kaya sabay na kami ni Lana sa pagpunta ng canteen. Naghanap na kami ng table saka ako naupo habang si Lana naman pumila na para bumili ng food niya. Kinuha ko na mula sa bag ko ang baon ko. Nakakahiya man pero wala na akong choice. Magagalit si Mommy Shane sa’kin kapag hindi ko dinadala ang baon ko. Minsan sinasadya kong iwanan ‘to sa bahay dahil gusto ko rin na sa canteen na bumili ng food. Hindi na ako pre-school para magbaon.
“Nakita mo si Michael?” Tanong ko kay Lana habang kumakain kami ng lunch.
“Hindi pa eh. Mamaya hanapin natin siya. Bakit naman? May sasabihin ka?”
“Wala naman. I just want to grab the opportunities na meron. I only have a week para maging kami.” I told her.
“Oh My God Chandrielle! Don’t tell me seryoso ka talaga ‘dun sa sinasabi ni Kangkong?” Tanong niya pero hindi ko na siya sinagot.
Nanatili lang kami ni Lana sa canteen buong lunchbreak. Bumalik lang kami sa classroom after the bell rang. At nagsimula na ang kwlase namin sa Filipino. It was boring. Tinignan ko ang relo ko and it was already 2PM. I yawned saka biglang pumasok si Lee sa room namin na parang walang nangyari.
“Mr. Jongkong! You are too early for tomorrow’s class!” Sigaw ng Teacher namin pero dere-deretso lang siyang naupo sa silya niya.
“I’m sorry Ma’am.” He half-heartedly said.
Bad vibes si Ma’am pero wala na rin siyang nagawa kundi ang magpatuloy sa klase namin.
“Bakit late ka?” Tanong ko sa kanya.
“Kakagising ko lang. Bakit? Miss mo ko?”
“Kapal!”
Nagpatuloy ang klase namin at hindi ko na siya kinausap pa. Hindi na rin niya ako kinulit. I don’t know but it seems like he’s tired. Tumayo ako at nagpaalam kay Teacher na pupunta akong rest room.
It took me ten minutes saka ako nakalabas sa sa rest room. Nasa fourth floor ang building namin pero sinadya ko talagang bumaba pa ng first floor at gamitin ang mga rest room ng mga freshmen to kill time. Masyadong magboring magturo si Ma’am. Naglalakad na ako sa hallway nang bigla ko na lang nakita si Lee na palabas ng building. Agad naman akong tumakbo para lapitan siya.
“Where are you going?” I asked him.
“I’ll ditch school.” Sagot niya habang patuloy pa rin sa paglalakad. Ako naman sunod ng sunod sa kanya.
“You can’t do that!” Sigaw ko sa kanya.
Bigla na lang siyang sumakay sa pulang motorbike niya na ngayon ko lang nakita saka siya sumagot. “I can.” At sinuot ang helmet niya.
“I-m go-ing with you.”
--
AN: Ang daming characters. Hahaha. Who's your early favorite? Hahah. Hindi ko sasabihin kung sino si DJ hanggang sa finale ng chapter XD i'm serious :)
BINABASA MO ANG
That Bad Boy
FanfictionIs love a choice or a feeling? Chandrielle's love story. Not your typical love story.