“Breakfast na muna tayo kahit saglit lang.” Pagpupumilit ni Dragon.
“Hindi na. Kailan ko na talagang makuwi ngayon. Lagot ako sa Daddy ko.” I insisted.
Hindi na ako mapakali. Sigurado akong umuusok na ang ilong at tenga ni Dad sa sobrang galit niya. Buong gabi akong nawala sa bahay namin. No calls, no texts. Baka nga nagreport na sila sa pulis at kasulukuyan na akong hinahanap. I’m nervous.
“About pala sa Daddy mo..” Pagsisimula ni Dragon. “tinawagan ko na siya kagabi. Napaliwanag ko na sa kanya ang lahat. Kaya pagkatapos nating kumain, sasamahan kita pauwi sa inyo para makausap ko siya ng personal.”
“Nakausap mo si Dad kagabi?” ‘Di makapaniwalang tanong ko sa kanya. Pinag-aralan ko ang mukha niya at sobrang kamapante lang ng mukha niya. Hindi ba siya napagalitan ni Dad? Knowing Daddy Uno, sigurado akong hindi lang galit ang inabot ni Dragon sa kanya.
“Oo. Sinabi ko sa kanya na dito ka na muna sa’min matutulog.”
“And pumayag siya? Haha. Unbelievable! Knowing Dad hindi ‘yun papayag.”
“Napapayag ko siya. Nung una ayaw niya, pero pinaliwanag ko sa kanya na hindi safe at malayo ang sa inyo kaya pumayag na rin siya sa huli. Mabuti pa bumaba ka na para naman makakain na tayo at maihatid na kita sa inyo.”
Biglang nawala ang kaba ko pagkatapos kong marinig ang mga iyon kay Dragon. Hindi ko alam kung anong gayuma ang ginawa niya kay Daddy at napapayag niya itong dito na muna ako overnight. Tinitigan ko si Dragon at saka ko lang napansin na ang simple lang ng suot niya ngayon. White v-neck shirt at blue na pajama. Naninibago ako sa kanya dahil nasanay akong nakikita siya na laging leather jacket at black pants ang suot niya. Nevertheless, bagay naman sa kanya ang pambahay na outfit.
“Sumunod ka na lang Chan.” Sabi niya saka siya tumalikod.
“Sige.”
Umupo ulit ako sa dulo ng kama na tinulugan ko kagabi pagkatapos mawala ni Dragon sa paningin ko. This is really crazy.
Pagkatapos kong maghilamos, bumaba na ako a dumeretso sa kusina. Hindi naman ganun kalaki ang bahay ni Dragon at ng kuya niya kaya hindi ako nahirapan sa paghahanap sa kusina.
“Maupo ka na muna.” Sambit ng kuya ni Dragon na nakatalikod sa’kin at nakafocus sa pagluluto.
“Malapit na ‘to.” Sambit naman ni Dragon na tumutulong sa Kuya Kieran niya.
“Thank you.”
Naupo ako sa silya sa maliit na round dining table nila. Tinignan ko ang relo ko at hindi pa naman ganun ka late. Sigurado akong makakauwi pa ako at makakapaghanda para sa pagpasok ko mamaya sa school. I thought ganun ang mangyayari pero nagkamali ako. Lumipas na ang sampung minuto pero hindi pa rin sila natatapos sa pagluluto nila.
“Okay lang kayo?” I asked them. “Baka may maitulong ako.”
“Hindi na! Hindi na!” Bulalas ni Dragon. “Kaya na naman ‘to ni Kuya.”
“Okay.”
Naghintay ulit ako ng limang minuto saka ako tumayo para tulungan sila.
“Tulungan ko na kayo para makakain na tayo.” I told them. Nang nakalapit na ako sa kanila, nakita ko ang isang plato na puno ng sunog na sunny side up.
“Hahahah!” Bigla na lang tumawa ang kuya ni Dragon. “Pasensya ka na ha! Mukhang kailangan na talaga namin ng tulong. Ngayon lang kasi kami nakapagluto sa buong buhay namin. Nagtext kasi ang kasambahay namin at hindi raw siya makakarating.”
BINABASA MO ANG
That Bad Boy
FanfictionIs love a choice or a feeling? Chandrielle's love story. Not your typical love story.