“Lana?”
“Yes it’s me Chan. Hehe. Akala ko ba hindi ka na bibili ng bagong gown?” Tanong niya sa’kin pagkatapos naming magkalapit.
“Eto ‘yung sinuot ko last year. Pinabago lang ni Mommy. Nilagyan ng details. Ang ganda ng gown mo. Bagay sa’yo. Sigurado akong pagkakaguluhan ka na naman mamaya.”
“Hahaha. Napakahumble mo talaga Chan kaya love kita pero alam naman nating pareho na ikaw pa rin ang mangunguna pagdating sa bid ng mga guys. Mabuti pa maghanap na tayo ng table.”
Naglakad na kami ni Lana habang naghahanap ng bakanteng table.
“Sa tingin mo kaya magpapakita na ang mysterious highest bidder nung nakaraang taon?” Tanong ni Lana sa’kin pagkatapos naming makahanap ng bakanteng table na malapit stage. Marami nang tao sa loob ng hall pero hindi pa nag sisimula ang program.
“Hindi ko alam pero sana hindi siya magpakita.” Sagot ko.
Mula pa nung first year ako dito, may highest bidder na nagbid sa’kin pero hindi naman siya nagpapakita dahil laging masquerade ang theme ng ball. Hindi rin siya lumapit sa’kin kahit isang beses para magpakilala. He’s really mysterious.
“Bakit naman? Ayaw mo ba siyang makilala?”
“Gusto syempre pero alam mo namang awkward ako sa mga dates.”
“Pero sa tingin mo kaya ang reason kung bakit hindi siya nagpapakita sa’yo ay hindi siya gwapo? Haha. Baka naman puno ng pimple ang mukha niya kaya ayaw niya magpakita noon. Baka this year gumwapo na siya. Malay natin diba?”
“Hahaha. Sira ka talaga Lana. Pero kasi hindi naman tayo sigurado kung mapapasama ako sa Top 3.”
“Pahumble ka pa talaga Chan. Saglit nasaan na ba si Dew?”
“I don’t know. Mukhang malapit na yatang mag simula ang program. Hindi ba siya nag text sa’yo?”
“Tawagan ko na lang.”
Kinuha ni Lana ang cellphone niya saka niya tinawagan si Dew.
“Hello Dew? Nasaan ka na? Kanina ka pa namin hinihintay dito. Malapit na mag simula ang program.”
“Sige sige. Andito kami sa table malapit sa stage. Nasa right side. Anong kulay ng gown mo?”
“Okay okay.”
“Ano raw?” Tanong ko kay Lana pagkatapos niyang ibaba ang cellphone niya.
“Papasok na siya. First time niyang ma experience ‘to kaya dapat di siya ma late.”
Lumingon-lingon ako sa paligid para hanapin si Dew pero nahirapan lang ako.
“Chan? Lana? Kayo ba iyan?” Napalingon kaming dalawa ni Lana pagkatapos naming marinig ang boses ni Dew. Nakasuot siya ng black na gown na may silver beads na match naman sa black at silver na mask niya. Ang ganda niya pero mysterious at the same time. Para siyang bida sa Hollywood mystery movies.
“Dew?” Sabay na bulalas namin ni Lana.
“Kayo pala iyan! Halos hindi ko kayo makilala.”
We offered her a seat saka namin siya pinuno ng papuri. She’s really beautiful tonight. Maganda naman si Dew kahit naka school uniform lang siya at walang make up. Mabait pa kaya sigurado akong maraming guys ang magbibid para lang maka date siya.
“Si Lee pala?” Tanong ni Dew sa’kin.
“Ha? Hindi ko alam eh.”
“Bakit hindi kayo magkasama?”
BINABASA MO ANG
That Bad Boy
FanficIs love a choice or a feeling? Chandrielle's love story. Not your typical love story.