“Tayo na lock?Are you joking?”
“Mukha ba akong nagjojoke?”
Tinignan ko ang mga mata niya at mukha naman talaga siyang nagsasabi ng totoo.
“Gumawa ka ng paraan. Tawagan mo ang mga magulang mo. Kailangan ko nang makalaabas dito. Lagot na ako sa Daddy ko. Sigurado akong hinahanap na nila ako.”
Naupo ulit ako at sumandal sa malamig na pader dahil mas lalo akong nakaramdam ng pagkahilo sa narinig ko mula kay Lee. Hindi kami pwedeng makulong dito.
“Wala nga akog load paano ako tatawag sa kanila?”
“Kasalanan mo ‘to kaya gumawa ka ng paraan!” Sigaw ko sa kanya.
“Kasalanan ko pa ngayon? Dapat nga magpasalamat ka at iniligtas ko ang buhay mo. Kung pinabayaan kita kanina sigurado akong wala ka" nang buhay ngayon.”
Tinignan ko ulti si Lee dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Seryoso ba siya? Sino ba talaga ang mga lalaking humabol sa’min kanina? Ganun na ba talaga sila kasama para kunin ang buhay ng isang inosenteng tao?
“Hindi ako nagbibiro Chandrielle.” Mahinanong sambit nito.
Tinawag niya ulit ang pangalan ko. Bakit ganito? Bakit lumalakas ang tibok ng puso ko sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ko?
“Alam kong naiinis ka sa’kin ngayon dahil hindi nakulong tayo at hindi tayo makauwi. Pero.. mas mabuti nang nasa ganitong sitwasyon tayo kesa nahuli nila tayo.”
Hindi ko na sinagot si Lee. Iniyuko ko na lang ang ulo ko saka ko niyakap ang mga tuhod ko.
“I’m sorry Chandrielle. Hindi mo maiintindihan kahit na ipaliwanag ko pa sa’yo pero trust me. Kahit ngayon lang.”
Bakit ganito? Ang ginaw. Sobrang ginaw.
Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa mga tuhod ko para mawala ang ginaw na nararamdaman ko.
“Bakit hindi ka na nagsasalita?” Tanong ni Lee sa’kin pero wala akong lakas para sagutin siya. Gusto ko pa siyang sisihin, gusto ko pa siyang sigawan at gusto ko siyang suntukin pero wala akong lakas para makipag-away sa kanya.
“Okay ka lang ba?” Tanong niya ulit sa’kin saka siya dahan-dahang lumapit. “Huwag kang mag-alala maghahanap akong paraan para makalabas tayo dito. Ako na rin ang bahalang magpapaliwanag sa mga magulang mo.”
“May load ka ba?”
“Meron. Pero dead batt na ako.” Mahinang sambit ko.
“May naisip na ako. Pahiram ng cellphone mo.”
Dinukot ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko para ibigay sa kaya pero nawala na ito.
“Anong problema?”
“Nawala yung cellphone ko. Nahulog yata kanina habang tumatakbo tayo.” Mahinang sagot ko.
“Ano? Tss! ‘Yun na lang sana pag-asa natin para makalabas tayo dito!” Sigaw niya na para bang nawawalan na siya ng pasensya. “Tang-”
He was about to cuss pero hindi niya tinuloy. Nakayuko pa rin ako habang hinihintay ko siyang magsalita ulit. Pero nabalot lang kami ng katahimikan at dilim ng paligid. Tanging ilaw lang ng buwan na pumapasok sa maliit na bintana ang meron kami.
“Bakit ganyan ka? Nakakapanibago. Ang tahimik mo.” Sabi niya saka siya naupo sa harap ko. Inilapit niya ang mukha niya sa ulo ko. “Hindi ba maganda pakiramdam mo?”
BINABASA MO ANG
That Bad Boy
FanfictionIs love a choice or a feeling? Chandrielle's love story. Not your typical love story.