Dragon took me home on his race bike. This time, mas mabilis pa ang takbo ng motorbike niya compared sa takbo ng motorbike ni Lee kanina. He was driving 100 miles per hour. Pero hindi ko na naramdaman ang takot because I was crying the whole time na nakayakap ako sa bewang ni Dragon.
When he finally stopped his motorbike, I managed to stop crying to put on a brave front. Ayokong ipakita kay sa kahit na sino na mahina ako. Lalo na kay Dragon dahil hindi ko pa talaga siya kilala ng husto.
“Okay ka lang ba?” Tanong niya sa’kin.
Tinanggal ko ang mga kamay ko sa pagkayakap sa kanya and I got off the motorbike. Tumalikod ako kay Dragon saka ako tinanggal ang helmet na suot ko and wiped my tears. Pero nagulat ako nang malaman kong hindi pala niya ako hinatid kundi sa ospital.
“Bakit mo ako dinala dito?” Tanong ko sa kanya saka ko inabot ang helmet.
“Kailangang gamutin ang sugat mo. Mahirap na, baka ma infected pa ‘yan.”
“Pero okay lang ako.”
“Alam ko hindi.”
Ayoko sanang pumasok sa ospital pero hinila ako ni Dragon papasok sa loob. Dinala niya ako sa emergency room saka ako ginamot ng mga nurse don. Konti lang naman ang sugat ko kaya hindi rin kami nagtagal ni Dragon sa loob.
---
“Now that you look okay, I’ll take you home.” Sambit niya.
“Pwede naman akong mag taxi. I can manage.” I told him.
“Hindi ako mapapakali hangga’t hindi ako nakakasigurado na nakauwi kang maayos.”
Mukhang mapilit si Dragon kaya I did not bother to argue with him. Baka maiyak na lang ako bigla.
“Okay.” I told him.
“Saan pala ang bahay niyo?”
Sinabi ko kay Dragon ang address namin. I was about to climbed off his motorbike nang biglang tumunog ang cellphone sa bulsa ko.
*riing* *riing*
“Saglit lang.” I excused myself and he nodded.
“Hello?”
(Chandrielle!! Ano bang nangyayari sa’yo? OMG! Pauwi na ako. Dala ko ang bag mo. Bakit hindi tayo magkita ngayon para maibigay ko ang bag mo?)
“Pauwi na rin ako Lan. Magkita na lang tayo sa bahay. Hihintayin kita sa tapat ng gate.”
(Okay ka lang ba? Bakit parang ang tamlay ng boses mo?)
“Saka ko na lang ikukwento.”
(Okay.)
--
Habang nasa freeway kami ni Dragon at nakasakay sa motorbike niyang tumatakbo ng 100 miles an hour, iniisip ko kung anong dahilan ang sasabihin ko kay Daddy Uno. Sigurado akong hindi ako makakaligtas sa kanya. Grounded na naman ako nito. No laptop, no TV, no cellphone.
Hindi nagtagal nakarating na rin kami ni Dragon sa tapat ng gate namin.
“Thank you.” I managed to tell him pagkatapos kong bumaba ng motorbike niya.
“No problem. ‘Yung nangyari kanina, hindi ko alam kung paano yun nagsimula.. pero huwag mo na masyadong isipin yun. Baka nakadrugs lang si Kim.”
“Drugs?” Gulat na tanong ko.
Kim is a minor at kilala ko siya. Kahit na may attitude problem siya, hindi ko pa rin lubos maisip na she’s under the influence of drugs.
“Green Apple. Tawag sa drugs na uso ngayon sa Red Hideout. 90% ng mga tao dun nagdudrugs.”
BINABASA MO ANG
That Bad Boy
FanfictionIs love a choice or a feeling? Chandrielle's love story. Not your typical love story.