“I think gusto ka rin niya.” She insisted.
“Hindi sapat na nag a-assume tayo na gusto ako ni Michael. Kailangan natin siyang mapaamin Lana. We have to do it fast. ” I told her.
“Agad-agad? Bakit parang nagmamadali ka?” Tanong ni Lana sa’kin saka kami nagresume sa paglalakad namin sa hallway.
“Kailangan ko na patunayan kay Lee na gusto talaga ako ni Michael para naman tantanan na niya ako.”
“Oh yeah I remember now. ‘Yung deal niyo. Seryoso ka talaga doon? Pwede mo namang hindi pansinun yung tao.”
“I think ‘yun na lang talaga ang paraan na natitira para tuluyan na niya akong lubayan.”
Nakarating na kami ni Lana sa end ng hallway at kailangan na naming maghiwalay.
“Dito na ako Lana.” I told her.
“Ingat ka ha? Tawagan mo ako pagdating mo sa inyo at kwentuhan mo ako sa mangyayari sa inyo mamaya ni Michael. Hihi!”
“Haha! Ikaw talaga. Sige ingat ka rin.”
Tinaas ko ang kanang kamay ko para magwave kay Lana at ganun din naman siya. Pagkatapos maglaho ng likod niya sa paningin ko, pumasok na rin ako sa stockroom kung saan ko nakita si Lee na nakaupo lang sa sahig, nakasandal sa pader at may earphone pa sa tenga niya.
“HOY!” Sigaw ko sa kanya. “Sa tingin mo matatapos tayo nito kung matutulog ka lang diyan?”
Pero hindi siya gumalaw, ibig sabihin hindi niya ako narinig kaya lumapit ako sa kanya para alisin ang earphone na nakadikit sa dalawang tenga niya.
“Ano ba!” Bulalas niya.
“Tumayo ka na nga diyan at magsimula na tayong maglinis. Ang daming trabaho nito oh!”
“Pagod ako. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kaya ikaw na lang.”
“Tss! Grabeh ka! Isusumbong kita sa principal natin bukas.” Pagbabanta ko sa kanya. I was hoping na matatakot siya pero nanatili lang siya sa posisyon niya at idinikit ulit ang earphone sa tenga niya.
I gave up on him. Hinayaan ko na lang siya at nagsimula na akong maglinis. I was checking the time para naman makauwi na agad ako. The last time I checked my wrist watch, sampung minuto na lang ang natitira at maari na akong umuwi. Tinignan ko ulit si Lee, nasa gilid pa rin siya at nakikinig ng music habang nakapikit ang dalawang mata niya. Hindi ko alam kung tulog ba talaga siya o nagtutulog-tulugan lang.
“Bakit ganyan ka na lang makatitig sa’kin? Huwag mong sabihing nadedevelop ka na sa’kin?” Tanong niya sa’kin.
“Paanong-”
“May third eye ako. Kahit na nakapikit ako nakikita ko pa rin ang paligid ko.”
“Tss. Kung ako sa’yo umuwi ka na lang. Hindi ka rin naman nakakatulog dito.” I told him.
“Haha. Gusto kasi kitang asarin. Kamusta na pala kayo nung crush mo?” Tanong niya. “Hahaha!”
“Anong nakakatawa?” Sigaw ko sa kanya.
“Pasensya na. Hindi ko lang talaga mapigilan. At iniisip ko kung anong ipapagawa ko sa’yo dahil sigurado naman akong mananalo ako sa pustahan natin.”
“Hindi mo talaga ginagamit ang utak mo. Halata namang may gusto iyon sa’kin kaya huwag mo na isipin kung anong ipapagawa mo sa’kin dahil hindi magtatagal mawawala ka na rin sa buhay ko. Magiging parang alikabok ka na lang na liliparin ng hangin. Shu!”
BINABASA MO ANG
That Bad Boy
FanfictionIs love a choice or a feeling? Chandrielle's love story. Not your typical love story.