Chapter 24: Sirius A

4.5K 114 23
                                    

“gusto kitang makilala ng lubusan.”

Ngumiti ako sa kanya. “Ako rin naman.”

Tumigil siya sa paglalakad saka niya ako tinignan. “May problema ba? I asked him dahil ang lagkit ng tingin niya sa mukha ko.

“Huwag kang gumalaw.” Sambit niya and I frozed dahil bigla akong kinabahan.

*thug thug thug*

“Bakit ako kinakabahan? Ano ‘tong nararamdaman ko? May gagawin ba siya sa’kin?”

“Chan…” Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya pero sa mukha ko pero hindi niya inalis ang mga mata niya sa mga mata ko. Gusto ko siyang pigilan dahil kakaiba na ang nararamdaman ko. Medyo natatakot ako sa mangyayari.

“You have to stop her Chan.. kailangan mo siyang pigilan dahil baka kung anong gagawin niya.” Iyan ang sabi ng isipan ko pero hindi ko magawang magsalita. It feels like I’m lost. Para akong itinulak sa isang malalim na bangin at paikot-ikot pa rin sa ere habang hinihila ako ng gravity at hinihintay na tumama ako sa lupa.

Inilipat ni Dragon ang mga mata niya sa kanang pisngi ko. “Hahalikan niya ba ako sa pisngi? Mas mabuti na ‘yun kesa naman sa lips. Pero hindi pa rin tama… hindi tama…”

Naisipan kong pumikit na lang muna habang nag-iisip ako kung anong tamang words na gagamitin para hindi siya masaktan.

“Chan..” Binanggit niya ulit ang pangalan ko pero hindi ako kumibo. Nakapikit lang ako hanggang sa nakaramdam ako ng init na dumapo sa kaliwang pisngi ko. Nagawa niya ang gusto niyang gawin sa’kin at wala siyang narinig kahit na isang salita mula sa’kin. “may dumi ka sa pisngi.”

“Ha?”

“Heto oh!”

Iminulat ko ang mga mata ko saka niya pinakita sa’kin ang isang black na particle na nakapatong sa hintuturo niya. “May kumapit na dumi sa pisngi mo kaya tinanggal ko.”

“Thank you.” I answered him saka ako ngumiti ng mapakala.

Mabuti na lang pala at hingi ako umangal dahil mapapahiya talaga ako bigtime!

“Malayo pa ba tayo?” Tanong ko sa kanya.

“Malapit na kaya mas mabuting ipikit mo na ang mga mata mo.”

“No way! Baka madapa pa ako.”

“Hindi. Hahawakan ko naman ang kamay mo at aalalayan kita.”

“Eh! Kahit na. Ayoko pa rin. Isa pa makikita ko rin naman sa bandang huli ang pupuntahan natin kaya para saan pa ang pagpipikit ko ng mga mata ko?”

“Syempre para naman may element of surprise.”

“Sige na nga. Pero alalayan mo ako ha? At pag ako talaga madadapa hindi na talaga kita kakaibiganin forever.”

I saw him smiling at me bago ko pinikit ang mga mata ko. Hinawakan naman niya ang magkabilang braso ko habang nasa gilid ko siya.

“Malayo pa ba?” I asked him.

“Kapipikit mo nga lang sa mga mata mo. Mga two minutes na paglalakad pa.”

“Okay.”

“Malayo pa ba?” Tanong ko ulit makalipas ang ilang segundo. Swear! Parang hindi tumatakbo ang oras habang nakapikit ka at hindi ka sigurado kung madadapa ka ba o hindi dahil hindi mo nakikita ang dinadaanan mo. Mahirap palang maging bulag. I realized na maswerte ako dahil I get to see everything God created.

That Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon