Chapter 19: Ball

4.6K 105 5
                                    

“Ako? Gustong makasabay ni Lee sa lunch? Hahaha!” I laughed sarcastically. Bipolar talaga siya. Hindi ko mabasa kung ano talaga ang nasa isipan niya. Lumingon-lingon ako saka ko nakita si Michael.

“Kaya naman pala…” He’s using me again.

“Kaya naman pala ano?” Tanong ni Dew sa’kin.

“Nothing.”

“Aalis na lang ako.” Sambit ni Dew. “Mukhang ako yata ang dahilan kung bakit mauudlot ang lunch date niyo. Ayaw niya yata na andito ako.”

“No no! It’s not you Dew.” Hinawakan ko siya sa braso niya gamit ang dalawang kamay ko. “Hayaan mo na ang bipolar na iyon. Sabay na tayong maglunch. May next time pa naman para sa’min.”

“Sigurado ka ba?” She asked me again.

“Yes. Sigurado ako. Tayo na?” Lumingon ako sa schoolmate na nag abot sa’kin ng lunch. “Pakibalik na lang iyan kay Lee.”

“Pero.. sigurado akong pagagalitan ako nun.” Sabi niya.

Nakita ko sa mga mata niya ang takot. Ano bang sinabi ni Lee sa kanya at parang takot na takot ang schoolmate namin sa kanya.

“Akin na nga lang.” I did not have a choice kaya kinuha ko na lang ang pack lunch saka kami naghanap ng bakanteng table ni Dew at Lana.

--

“Hindi ko maintindihan. Ipaliwanag mo naman sa’kin please.”

“Huwag mo nang piliting intindihin dahil wala akong balak ipaliwanag sa’yo.”

I’m not the type of person na mahilig makinig sa usapan ng iba. Hindi ko sinasadyang marinig silang dalawa pero hindi ko mapigilan na hindi ma curious. By the looks of the situation mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila – si Lee at si Dew. I turned my back at aalis na sana sa kinatatayuan ko. I want to give them privacy pero bigla kong narinig ang hikbi ni Dew. Why is she crying? Ganun na ba talaga ka seryoso ang usapan nila at umiiyak na siya?

Without thinking straight, bumaba ako ng hagdan saka ko siya nilapitan.

“Dew! Anong nangyari sa’yo?” Hindi niya ako sinagot. Mas lalo lang siyang nagpatuloy sa pag-iyak niya.

“Anong ginawa mo sa kaibigan ko?” Galit na tanong ko kay Lee na aalis na sana. Literal na lumaki ang mga mata niya sa gulat pagkatapos niya akong makita kaya mas lalo akong naging curious kung anong pinag-usapan nila.

“Bakit ka andito? Nakikinig ka ba sa usapan namin?”

“Hindi ako mahilig mag eavesdrop pero..wait! Why am I explaining myself to you? Ikaw dapat ang suamgot sa tanong ko. Bakit mo pinaiyak ang kaibigan ko?”

“Siya ang tanungin mo.” Matipig na sagot niya saka siya nagsimulang maglakad.

“Saan ka pupunta? Tatakasan mo na lang ba ang gulong ginawa mo?”

“I’m going to ditched school. Bakit? Sasama ka na naman?” He said with his poker face saka siya patuloy na bumaba ng hagdan. With a split of a second, nawala na siya sa paningin namin ni Dew.

“Ano bang nangyari?” Tanong ko kay Dew habang pinapatahan ko siya. I took her a minute or two bago siya kumalma ang nagsalita. “Humingi ako ng pasensya sa kanya kanina dahil hindi natuloy ang lunch niyo. Alam ko kasing ayaw niya sa’kin. Nararamdaman ko ‘yun. Tinanong ko siya kung anong nagawa ko at bakit parang ayaw niya sa’kin pero nagalit siya kaya hindi ko na napigilan na umiyak.”

“Dew….” I hugged her. Hindi ko alam kung ano pang klaseng comfort ang ibibigay ko sa kanya.

“Ginawa ko lang naman iyon dahil magkaibigan tayo Chan. Boyfriend mo siya kaya guso ko sana na magkasundo rin kami.”

That Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon