Chapter 04: Party

8.4K 158 38
                                    

 

“Daddy please pumayag ka na. Please! Please!” Kanina ko pa pinapakiusapan si Daddy Uno pero ayaw niya talaga pumayag.

“Dad please?” Pagpipilit ko sa kanya pero deadma pa rin.

Nilapitan ko si Mommy Shane saka ko siya niyakap.

“Mommy,” Bulong ko sa kanya. “Tulungan mo ako kay Daddy please.”

Nag smile lang si Mommy saka niya kinausap si Daddy.

“Payagan mo na Uno. Ngayon lang nakiusap si Chandrielle sa’tin. Isa pa nakabihis na siya.”

Mas niyakap ko pa ng mahigpit si Mommy.

“Chandrielle ha. Dalaga ka na kaya I’m expecting to you be responsible sa sarili mo. Alam mo na ang tama sa mali. Kung may mangyari man, tumawag ka agad. At ‘wag na ‘wag kang magpapaabot ng midnight. You have to be here by 11:59PM or earlier.” Pagsesermon ni Daddy pero napangiti lang ako dahil alam kong pumapayag na siya.

“Yes dad. Isa pa kasama ko naman si Lana kay I’m in good hands.”

“Alright. Pero kung may isa man sa sinabi ko ang hindi mo masunod alam mo na ang consequence.”

“Grounded.” Sambit ko saka tumango si Daddy.

“Thanks Mom. I love you.”

“I love you Dad.” Nilapitan ko si Daddy at niyakap siya saka ko siya hinalikan sa pisngi niya.

“Ihahatid na kita.” He offered.

“It’s okay Dad. Nasa labas na si Lana hinihintay ako. Hehe. See you later. I’ll take care of myself. I promise.”

Nilapitan ko si Dos, ang kapatid kong 10 years old saka ko siya hinalikan sa pisngi niya.

“Bye Dos. See you later.”

“Ew ate! ‘Wag mo nga akong halikan. Kadiri ka talaga.” Pagrereklamo niya sabay punas sa pisngi niya.

“Haha! Bye everyone. Babalik agad ako!”

-TBB-

“This is going to be really exciting Chan.” Sambit ni Lana habang nasa passenger seat kaming dalawa. Inihatid kami ng driver ni Lana. “This party is different kasi from last year. Pang teen party daw. ‘Yun kasi ang hiniling ni Michael.”

“Teen party? What do you mean?” Tanong ko sa kanya.

“Teen party. Ibig sabihin. Ka age lang natin ang andun. We’ll meet hot guys and uhm. Basta. Malalaman mo rin mamaya.” Sambit niya.

Nakasuot ako ng simple na black dress na two-inch below the knees. Naka pony-tail lang ang buhok ko at light make-up. Si Lana naman red fitting dress na six-inch below the knees. Mas makapal ang make-up niya with her smokey effect eyeshadow.

Hindi nagtagal nakarating na rin kami ni Lana sa venue. Bumaba na kaming dalawa at hindi talaga ako bumitaw sa paghawak sa braso niya.

“Kinakabahan ako Lana.” Sambit ni Lana.

“Ano ka ba. Umaarte ka na naman. Hindi ka dapat kabahan. Tara na.” Hinawakan ni Lana ang braso ko saka kami pumasok.

First time kong umattend sa isang teen party kaya hindi ko alam kung anong aasahan ko. Pagkapasok namin ni Lana sa loob, sobrang dilim, tanging disco lights lang ang meron. Pulang lights, dilaw, puti, berde at blue. At sobrang ingay. Ang daming nagsasayawan sa gitna.

“Ano ‘to?” Sigaw ko kay Lana sa tenga niya para marinig niya. Sobrang ingay talaga.

“Teen party!” Sigaw niya pabalik. “First time ko rin umattend ng ganito. Mag enjoy na lang tayo. Tara hanapin na natin si Michael.”

That Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon