Chapter 18: Peace Offering

4.9K 105 7
                                    

 

“Bitawan mo si Chandrielle!” Utos ni Dragon kay Mayhem. Mahinahon lang nag pagkakasabi niya pero nakakatakot. Akala ko bibitawan na ni Lee ang kamay ko pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang hawak niya.

*riing* *riiing*

Pareho lang kaming nakatingin kay Dragon kay Lee pagkatapos naming marinig na tumunog ang cellphone niya. Nagdalawang isip siyang sagutin ito pero sa huli dinukot pa rin niya ang phone niya mula sa bulsa niya at sinagot ang tawag.

“Hello?” Kasabay nang pagsambit ni Lee nun ang pagbitaw niya sa kamay ko.

“Nasan ka?”

“Sige pupuntahan kita.”

Without a word, Lee left us. Nagmamadali siyang umalis pagkatapos niyang kausapin ang taong tumawag sa kanya.

“He’s acting weird again.” Sapphire commented.

“Halika na Chan! Ihahatid na kita sa inyo.” Mahinanong banggit ni Dragon habang hila-hila niya ako.

---

“Sorry pala kanina.” Sambit ko sa kanya habang nakaupo kami sa upuan ng convenience store. Nakahawak ang dalawang palad ko sa kapeng hindi ko pa coconsume.

“Sorry?” He asked me habang nakataas ang dalawang kilay niya. “Para saan?”

“Dahil natalo kayo. Ang totoo niyan..alam ko na talaga na may laro kayo dahil nasabi sa’kin ni Lee kahapon. Pero dahil inis na inis ako sa kanya at gusto ko siyang gantihan, naisipan ko na pumunta sa laro niyo. I’m sorry dahil nagsinungaling ako sa’yo. Pero kanina nung andun na ako, I really want you to win.”

“Hindi mo naman kasalanan kung bakit kami natalo. Bakit ka nag sosorry?”

“May kasalanan pa rin ako kahit papano. Naguiguilty lang talaga ako kaya ako humihingi ng sorry.”

Ngumiti si Dragon. Ramdam kong ngumiti siya kahit na sa kape ko lang ako nakatitig.

“Ang cute mo talaga!” Sambit niya saka niya ginulo ang buhok ko. I looked at him in the eyes saka siya nagsalita ulit. “Hindi kami natalo kanina. Plano talaga ‘yun ni Kuya.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Si Kuya ang naghahanap ng sponsors para sa’min. Maraming naglagay ng pera sa team namin pero mas malaki ang tinaya ni Kuya para sa Wilder Crime. So parang panalo na rin kami.”

It took me a minute para mag sink in sa utak ko ang lahat ng sinabi ni Dragon. Saka ko lang napagtanto na nonsense lang ang guilt na nararamdaman ko dahil parang planado na pala ang lahat kanina.

“Pero masaya akong pumunta ka kanina.” Pahabol pa nito.

Ngumiti lang ako sa kanya. Biglang bumalik sa isipan ko ang sinabi ni Sapphire kanina na hindi niya alam kung anong balak ni Dragon sa’kin. Gusto ko siyang tanungin kung bakit pero natatakot ako.

“Mabuti pa ihatid na kita sa inyo bago ka pa pagalitan ng Daddy mo. Malapit nang mag 8 PM. Gusto ko pa nga sanang ilibre kita ng dinner pero it’s already late.”

“Okay lang. Okay na ako sa coffee.” Sagot ko.

Inubos lang namin ni Dragon ang kape namin saka namin ni lisan ang convenience store para umuwi gamit ang motorbike niya. Naalala ko nung unang sakay ko sa motorbike niya pakiramdam ko parang magkasaling bilis na ito ng speed of light pero nung nakita ko siyang nakipag karera kanina mas doble pa ang bilis niya compared to his usual speed sa highway.

That Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon