Chandrielle
Sino ba siya?
Dahan-dahang umakyat si Mr. Mysterious sa stage saka siya humarap sa mga audience katabi ng emcee. Nakatalikod siya sa’kin.
“May gusto ka bang sabihin bago kayo umalis ni Ms. Sebastian papunta sa date niyo?” Tanong ng emcee saka niya tinapat ang microphone sa bibig ng lalaki.
“Gusto ko lang sabihin na hindi ako nagsisisi at pumunta ako dito. Akala ko kasi pag aaksaya lang ng oras ang pagpunta dito pero nagkamali ako. At para naman kay Ms. Sebastian..” he paused saka siya humarap para tignan ako sa mga mata ko. “I’m sorry dahil hindi ako nakapaghanda ng date natin. I did not expect this nang pumunta ako dito. Pero I will do my best para mag enjoy ka sa pupuntahan natin.”
“It’s confirmed.” Sambit ko sa sarili ko. Hindi rin siya ang highest bidder ko nung mga nakalipas na mga taon. Hindi ko na siya makikilala. Sayang dahil gusto ko pa naman sanang hanapin ang sagot sa mga tanong sa isipan ko patungkol sa kanya.
“Okay!” Bulalas ng emcee. “Enjoy your night guys.”
And that was it! Dahan-dahan siyang lumapit sa’kin saka niya inalay ang kanang palad niya. “Let’s go?”
Tumango lang ako dahil wala naman akong choice. Kung siya ang naging first dance ko, siya ulit ngayon ang magiging first date ko. Pinatong ko ang kamay ko sa palad niya saka niya ito hinawakan. Inalalayan niya ako pababa ng stage at lahat ng mga tao nagsigawan. Tili nang tili ang mga girls. Hindi ako sigurado kung kinikilig ba sila sa’min o kinikilig sila sa kasama ko.
“Gusto ko lang humingi ng pasensya sa’yo dahil hindi talaga ako nakapaghanda. Hindi ko inexpect na mangyayari ang lahat ng ‘to.” Sabi niya habang naglalakad kami papuntang parking space.
“Okay lang.” Sabi ko. “Ano palang pangalan mo?”
Bigla siyang huminto sa paglalakad para humarap sa’kin. “Hindi mo ba ako nakikilala Chan?”
“Chan.” Tinawag niya akong Chan. Iyon din naman ang sinabi ko sa kanya kanina no’ng tinanong niya ang pangalan ko pero the way he mentioned my name, parang kilalang-kilala niya ako.
“Magkakilala ba tayo?”
“Hehehe. Akala ko talaga kanina ka pa nagka ideya kung sino ako. Nag assume lang ako na alam mo na kung sino ako.”
“Sino ka ba kasi?”
Pangungulit ko pero hindi niya ako sinagot. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad kaya sumunod ako sa kanya. Hanggang sa nakarating na nga kami ng parking space. Nagtaka ako kung bakit kami tumungo sa parking space ng mga motorbike. Pero nasagot naman agad niya iyon. “Pasensya ka na ulit Chan. Kung alam ko lang na hahanto tayo sa ganito kotse na sana ang dinala ko.”
Huminto kami sa harap ng motorbike niya. “Dragon…” Mahinang sambit ko saka ako tumingin sa kanya.
“Hahahaha!” Tumawa lang siya saka niya kinamot ang ulo niya. “Mabuti naman at nakilala mo na ako ngayon.” Dahan-dahan niyang tinanggal ang suot niyang mask saka bumungad sa’kin ang magandang mukha niya.
“Hindi ko maintindihan. Bawal ang outsider dito. Paano kang nakapasok? Don’t tell me.. nag transfer ka sa school namin?”
Umiling siya. “Hindi ako nag transfer. Mahabang kwento. Willing ka bang makinig?”
“Oo naman. Ang dami kasing tanong sa isipan ko.”
“Mamaya sasabihin ko. Sa ngayon kailangan na muna nating makaalis dito.”
Kinuha na muna niya ang extrang helmet niya. Tinanggal ko muna ang suot kong mask saka ko ‘to sinuot sa ulo ko.
“Okay ka lang ba dito? O gusto mong mag taxi na lang tayo para hindi ka na mahirapan pa?” Tanong niya sa’kin.
BINABASA MO ANG
That Bad Boy
FanfictionIs love a choice or a feeling? Chandrielle's love story. Not your typical love story.