"Bakit mo naman pinatulan ang bagong student?" Lana asked me pagkatapos ng klase namin.
Inayos ko muna ang mga libro sa bag saka ko siya sinagot. Nakaalis na ang ma kaklase namin at kami na lang ni Lana ang naiwan.
"Because he is annoying. Pakiramdam niya ang gwap-gwapo niya.”
“Gwapo naman talaga siya.”
“Okay fine. Pero ayoko pa rin sa kanya. Naiinis ako sa kanya.”
Dahil pinaalala na naman ni Lana ang nakakainis na kangkon na ‘yun, uminit na naman ang ulo ko. Akala ko talaga ito na ang pinaka best day na meron ako pero hindi pala. This is the worst day. Sinira niya ang feels ko kay Michael.
"Baka naman gusto mo siya kaya ka naiinis sa kanya?” Panunukso ni Lana sa’kin saka siya nag smirk.
“That’s not a good joke Lana,” I told her. “Hindi ko siya gusto at alam mo dapat ‘yan dahil ikaw ang bestfriend ko. Alam mo namang si Michael ang gusto ko noon pa.”
“Hahaha!” Tumawa lang siya ng malakas. “Init ng ulo mo Chan. Uwi na tayo.”
Lumabas na kami ni Lana sa classroom namin. Konti na lang ang mga estudyante sa hallway dahil nakauwi na ang iba. Nasa first floor na kami ng building nang Makita namin si Michael at Tam.
“Hinihintay niyo ba kami?” Lana asked them. “I mean, Michael hinihintay mo ba ang bestfriend ko?” Pagpapalit ng tanong ni Lana.
Ako naman, tahimik lang while I was blushing.
"Hahaha. Yeah." Matipid na sagot niya.
“May sasabihin ka ba Michael?” I asked him habang tinatago ko ang excitement sa sarili ko. Gusto kogn tumalon sa sobrang tuwa pero hindi ko magawa dahil nahihiya ako.
“Gusto ko lang ibigay sa’yo to,” He said saka niya inabot sa’kin ang isang envelope. “See you later. Sana makapunta ka. Andun naman si Lana.” He smiled with a corner of his mouth.
“Thank you. Susubukan kong makapunta.” Sagot ko kahit hindi ko pa talaga alam kung saang invitation ‘to.
“Sige mauna na kami ni Tam. I hope to see you later.” They waved their hands saka sila tumalikod at naglakad papalayo sa’min ‘til they gradually disappeared from our sight.
"What's this?" I asked Lana.
"Invitation. Invitation para sa birthday party niya mamaya. Mayaman ang pamilya ni Michael kaya taon-taon silang nag ce-celebrate ng birthday niya. But I’m relieved na binigyan ka niya ngayon. Ibig sabihin sabay na tayong pupunta mamaya.”
I raised her an eyebrow. "Bakit hindi mo sinabi na may party pala siya every year?”
“Well,” She started. “Alam ko kasing masasaktan ka lang kaya ‘di ko na sinabi sa’yo. But cheer up Chan. What’s important is finally inimbitahan ka pa niya. At personal pa niyang binigay sa’yo. Hindi naman kasi niya ginagawa ‘yan usually. Sa tingin mo papayagan ka ni Tito Uno?”
"Sana talaga. Medyo mahigpit si Daddy sa mga night parties pero susubukan ko talagang magpaalam. Tara na?"
Palabas na kami ni Lana ng academy nang bigla na lang lumitaw na parang kabote, ang seatmate kong demonyo.
"Siya ba 'yung crush mo Angel?" Tanong niya sa'kin.
Kung kanina hindi niya sinisindihan ang cigarette niya, ngayon nakasindi na ito.
"Sinong Angel?" Mataray na tanong ko sa kanya.
He let out a cloud of smoke saka niya ako sinagot."Ikaw.” Inipit niya ang sigarilyo sa mga daliri niya saka siya nagpatuloy. “Nag babait-baitan ka kasi kaya Angel ang itatawag ko sa’yo.”
"Wala akong panahon para sa'yo kaya pwede ba lubayan mo na ako? At huwag na huwag mo na akong kakausapin mula ngayon dahil in the first place hindi naman tayo magkaibigan. You're not my friend." Pagtataray ko sa kanya.
"Paano kung ayaw ko?" He smirked.
Literal na umuusok na ang ulo ko sa sobrang pagkapikon ko. Nararamdaman ko na rin ang mga usok na lumalabas sa ilong ko dahil sa sobrang galit ko sa kanya.
"Ano ba? Ano bang dapat kong gawin para lubayan mo ako? Ang panget na nga ng apelyido mo, panget pa ugali mo."
He let out another puff of smoke saka siya nagsalita.
"Boring kasi 'tong school niyo. Wala akong mahanap na something adventure. Wala akong mahanap na pwedeng i-bully. Tinawagan ko nga ang kagrupo ko para palipatin na sila dito. Baka sa susunod na linggo pa sila makakalipat.” Pagkukuwento niya.
“Magdadala ka ng ibang pang demonyo sa Academy?” Sigaw ko. “Bahala ka na nga. Ayokong ma bad vibes.”
“For the mean time, itutuon ko na muna ang atensyon ko sa’yo para naman hindi ako ma bore.”
“Ano ba! Ano bang dapat kong gawin para lubayan mo ako?”
“Place a bet on my game.”
"At bakit ko naman papatulan ang kagaguhan mo?"
"Dahil ito lang ang paraan para lubayan kita. O baka naman ayaw mong gawin dahil gusto mo talagang mapalapit sa'kin.”
I just smirked. I think na underestimate ko siya. Marunong siyang gumamit ng utak niya. He knows how to push me to my limits.
"Chandrielle, umalis na tayo. Huwag mo nang patulan ang gag*ng 'yan." Bulong ni Lana sa'kin saka niya ako hinawakan sa braso. Hihilahin na niya sana ako nang pinigilan ko siya.”
"No Lana."
"Alam na alam mo kung paano ako pakakagatin sa mga laro mo Mr. Bad boy! Sige papayag ako diyan sa gusto mo. Pero sasabihin ko sa'yo, nagsasayang ka lang ng oras dahil hindi pa ako natatalo sa lahat ng binibigay na challenge sa'kin."
"Sigurado ka ba? Kasi ako rin hindi pa natatalo. Hahaha." He let out a last cloud of smoke on his cigarette saka niya ito tinapon sa harap niya and crushed it with his right foot. "Ganito Angel. Kung mapapasagot mo ang crush mo, titigilan na kita. Hindi na kita guguluhin at hindi na rin kita kakausapin pa. Pero kung hindi,” He smirked again. “You owe me a favor.”
“Hahaha. ‘Yun lang?” Tumawa ulit ako. “Nagsasayang ka lang ng oras mo. Nakita mo naman siguro ang nangyari kanina.”
“Hahaha,” Mas nilakas niya ang tawa niya. “Pero hindi mo nakita ang nakita ko. I’ll give you a week. This is interesting!” Bulalas niya saka siya tumalikod sa’min ni Lana at naglakad papalayo.
“Bakit mo pinatulan ‘yun?” Tanong ni Lana sa’kin.
“Eh kasi nakakainis na. Pero ‘wag kang mag-alala Lana. I’ll play his game and I’ll give him a dose of his own medicine. No need to worry.”
BINABASA MO ANG
That Bad Boy
FanfictionIs love a choice or a feeling? Chandrielle's love story. Not your typical love story.