Chapter 07: Kim

7.4K 158 48
                                    

“Tell us about yourself.” Sambit ni Flame.

“Ha?” I hesitated for a while. “Ano. Uhm. Ano ba? I’m Chandrielle.”

“Nasabi mo na ‘yan kanina kaya alam na namin ang pangalan. Aside from your name ang gusto naming malaman.” Sambit naman ni Rio.

“Uhm.” Wala akong maisip na sasabihin sa kanila pero nakatitig silang lahat sa’kin at naghihintay ng sagot maliban kay Lee. “Uhm.”

“She’s an angel.” Biglang sambit ni Lee habang nakatitig pa rin siya sa malaking ice na nasa loob ng baso niya. “Matalino siya at mabait. Pero sigurado akong may tinatago rin ‘yang kamalditahan sa loob niya. Haha.”

Tinaasan ko ulit ng kilay si Lee. Ano naman kaya ang ibig sabihin niya dun?

“Wala akong tinatagong kamalditahan sa loob ko. Hindi pa ako nakipag-away sa buong buhay ko.” I told him to defend myself.

“Okay lang namang makipag-away minsan.” Sambit ni Dragon na nasa tabi ko.

Ewan ko ba. Pero parang may something kay Dragon na hindi ko maintindihan. One couldn’t tell Dragon’s heart by just looking at him. Yes he’s a bad boy. Sinasabi ‘yun sa buong physical appearance niya pero sa tingin ko mabait naman talaga siya kung kikilalanin mo siya ng maayos. Hindi gaya ni Lee na masama pati ugali niya.

“Pero masama makipag-away.”  

“Paano pag may umaway sa’yo? Hindi mo man lang ba ide-defend ang sarili mo?” Tanong ni Lee sa’kin.

“Wala namang mag-aaway sa’kin. Comfort room lang ako. Balik agad ako.”

Tumayo ako para pumuntang comfort room.

“Just go straight then turn right.” Sabi ni Dragon.

Tumango lang ako saka ako naglakad papalayo sa kanila. Mali talaga na sumama ako kay Lee. Mali na nakilala ko sila at mali na andito ako ngayon. Hay. Pero kasi, sabi nila nasa huli ang pagsisisi at totoo talaga ‘yon. Pagkapasok ko sa comfort room, dumeretso agad ako sa sink para manghilamos. Kahit na malakas ang aircon, nakaramdam pa rin ako ng init. Dahil siguro sa mga kasama ko.

Tinignan ko ang oras gamit ang wristwatch ko at 3PM pa lang. May isang oras pa bago matapos ang klase. Gusto ko na talaga umalis sa lugar na’to pero wala akong mapuntahan. Hindi rin naman ako pwedeng tumambay sa mall dahil baka may makakita sa’kin. Mas mabuti nang sa ganitong lugar ako manatili dahil wala naman masyadong pumupunta dito na kakilala ko.

Hinugasan ko ang mga kamay ko saka ko tinignan ang repleksyon ng mukha ko sa salamin. Pero bigla na lang akong napatigil nang makita ko si Kim. Nakatitig din siya sa’kin as if making sure kung totoo ba ang nangyayari o hallucination lang niya.

“Kim?”

“So it’s really you Chandrielle!” She exclaimed. “What are you doing here? At naka uniform ka pa. ‘Wag mong sabihing nilabas mo na ang totoong kulay mo?” Tinignan niya ang oras sa wristwatch niya.

“You ditched school right? Hahaha. Ano kaya ang mangyayari sa susunod na araw dahil sa ginawa mo?”

Classmate ko si Kim simula nung first year high hanggang sa naging junior kami. Kami ang laging nasa top sa klase pero ni minsan hindi kami nagkasundo. Lagi niya kasing kinukumpara ang sarili niya sa’kin. Lagi siyang nakikipag kompetensy sa’kin. She always landed on number two kaya ganun na lang ang galit niya sa’kin. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil malaki ang expectation ng mga magulang niya sa kanya. Her elder sister graduated Summa cum laude and the valediction in their institute.

That Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon