“Sino ang mga iyon?”
“Hindi ko alam. Pero mukhang kilala ka nila. Narinig kong binanggit nila ang pangalan mo. Pero baka ibang Dragon ang tinutukoy nila kaya hindi rin ako sigurado.”
“Huwag na lang nating isipin ang mga iyon total umalis na rin naman sila. Tikman mo ‘to.”
Umupo si Dragon sa silya na nasa tapat ko saka niya pinatong ang dala-dala niyang plato sa table.
“Ano iyan?” Tanong ko sa kanya pagkatapos kong makita ang ilang bilog na kulay orange, kulay light brown na hindi ko maintindihan kung ano ang hugis at ilan pang bilog na kulay light brown din.
“Hahaha. Seryoso ka?” Tanong niya sa’kin habang nakatitig siya sa mukha mo. Pinag-aaralan niya yata ang mukha ko kung nagsasabi ba talaga ako ng totoo. “Kwek kwek.” Sabi niya sabay turo sa kulay orange na pagkain. “Fish ball at tempura. Sikat kaya ang mga street food na ‘to tapos di mo pala alam.”
Nakatatlong subo na si Dragon ng pagkaing binili niya pero nagdadalawang isip pa rin ako kung dapat ko bang tikman iyon o hindi.
“Ayaw mo ba?” Tanong niya sa’kin.
“Ha?” Tinignan ko ulit ang pagkain. Sobrang weird talaga at hindi ko alam kung ano ang magiging lasa nito.
“Huwag kang mag-alala wala namang lason iyan.”
“Hindi naman iyan ang inaalala ko.”
“Kung ganun ano?”
“Wala.” Sagot ko saka ko kinain ang kwek kwek. Kung anong level ang ka weirdohan ng itsura ng mga pagkain na kinain ko, ganung level din ang sarap nito. Hindi ko talaga inasahan na ang lasa nito.
“Manang! Dalawang Set B pa po.” Sigaw ni Dragon pagkatapos namig maubos ang unang plato namin.
--
“Maraming salamat Dragon nag enjoy ako.” Sabi ko sa kanya pagkatapos niya akong ihatid sa tapat ng gate namin.
“Ako rin. Ang dami kong ikukwento sa Kuya ko. Pumasok ka na.”
“Sige.”
Tumalikod na ako at bubuksan na sana ang gate namin nang tinawag ako ni Dragon. “Chan..” Lumingon ako para tignan siya. “pwede ba kitang….”
“Huh?”
“Wala… itatanong ko lang sana kung pwede ba kitang… itext.”
Ngumiti ako sa kanya. “Oo naman. Nakasave naman ang number ko sa phone mo. Itext mo lang ako anytime.”
“Salamat.”
Hindi ko na siya hinintay pa na makaalis pero narinig ko ang makina ng motorbike niya pagkapasok ko ng bahay.
“CHAN!”
Napatakip agad ako sa tenga ko pagkatapos kong marinig ang sigaw ni Mommy. Si Dos naman, nakatulog na sa couch ng living area namin.
“Anong nangyari kay Dos?” Tanong ko kay Mommy.
“Nakatulog na sa kakahintay sa’yo. Hindi mo raw tinupad ang pinangako mo sa kanya na uuwi ka nang maaga.”
“I’m sorry Ma.”
“You don’t have to be sorry anak. Hindi ako galit sa’yo. Ikuwento mo naman sa’kin kung anong nangyari. Sinong nakadate mo? Gwapo ba? Liligawan ka na ba niya?”
“Ma!!! Iyan ka na naman! Nag ooverthink ka na naman. Matutulog na ako.”
“Sigurado ka ba talagang wala kang nakilalang someone special sa ball?”
BINABASA MO ANG
That Bad Boy
FanfictionIs love a choice or a feeling? Chandrielle's love story. Not your typical love story.