“Lagot! Takbo!!!” Sigaw niya.
Hindi ko alam kung anong tinutukoy ni Lee. Magtatanong pa sana ako sa kanya pero bigla na lang niyang hinigit ang pulsuhan ko saka niya ako hinila habang tumatakbo siya ng malakas. Tumakbo na rin ako at pinilit na sinabayan ang bilis niya.
Malakas ang ulan at kumukulog pa kaya maingay ang buong paligid pero biglang tumayo ang mga balahibo ko sa katawan pagkatapos kong mapagtanto na maaring tinatakbuhan namin ang mga nagmomotorbike. Lilingon na sana ako para tignan sila nang pigilan ako ni Lee.
“Huwag kang lumingon! Makikita nila mukha mo!” Sigaw niya.
Swear, pinaglihi talaga ang lalaking ‘to sa pinya. Kahit na hindi nakatingin ng deretso sa’kin alam na alam niya ang lahat ng kinikilos at ikikilos ko.
“Bakit ba kasi tayo tumatakbo?” Sigaw na patanong ko sa kanya.
“Malalaman mo rin mamaya. Ang mahalaga ngayon, matakasan natin sila at hindi nila makita ang mukha mo. Magiging delekado para sa’yo.”
Nakaramdam ako ng kaba pagkatapos kong marinig iyon. Ewan pero para talagang may mangyayaring masama sa’kin kung sakaling makita man nila ang mukha ko. Siguro nakaaway ni Lee ang mga iyon. Bad boy siya at binabalikan siya ngayon para maghiganti at ako naman, nadadamay dahil sa kanya.
“Dito tayo!” Sigaw niya saka kami lumiko sa kanan.
Sakto namang may malaking truck na nakaharang sa’min. Hindi makaalis dahil sa traffic samahan pa ng ulan. Dere-deretso kami ni Lee na tumakbo para tuluyan nang makalayo sa mga sumusunod sa’ming naka motorbike.
“Sa tingin mo natakasan na natin sila?” Tanong ko sa kanya pagkatapos nang dalawang minuto pang pagtakbo.
“Siguro.”
“Magpahinga na muna tayo. Hingal na hingal na ako.” I told him at pumayag naman siya.
Nakisilong na muna kami ni Lee sa labas ng isang abandunadong building dahil malakas pa rin ang ulan.
“Sino ba ang mga ‘yun?” Tanong ko sa kanya.
“Blue Bloods.” Sambit nito.
“Kaaway mo?”
“Kaaway ng gang namin. Mabuti na lang at nakatakas tayo ngayon.”
“Hahahah!” Bigla akong napatawa pagkatapos niyang sabihin iyon. Akalain mo naman. Ang bad boy na katulad ni Lee, may kinakatakutan rin pala. Baka naman umaasta lang siyang bad boy pero ang totoo eh duwag naman pala siya?
“At anong nakakatawa?” Tanong niya sa’kin.
“Wala lang. Hahaha.” Tawa ko na may halong pang-iinsulto. “Ang totoo niyan. Natatawa ako sa’yo dahil matatakutin ka pala. Wahaha!”
“Hindi ako natatakot sa natatakot sa kanila.” Matigas na sambit nito. “Ikaw lang ang inaalala ko. Kung makita nila ang mukha mo. Lagot ka talaga. Ayoko lang na mapahamak ka. Sigurado akong sasaktan ka nila para lang makabawi sa’min.” Pagpapatuloy nito.
Ayoko sanang aminin pero natouch ako sa sinabi niya. Akala ko kasi, puro pangbebweset lang ang alam niyang gawin. May konting kabutihan pa rin pala sa puso niya.
“Bakit natahimik ka diyan?” Tanong niya sa’kin.
“Eh kasi—” Bigla akong kinabahan pagkatapos kong makarinig ng motorbike na papalapit sa’min. “Naririnig mo yun?” Tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot agad. Pinakinggan niya muna ang paligid bukod sa tunog ng malakas na buhos ng ulan.
“Magtago tayo! Delekado para sa’yo.”
BINABASA MO ANG
That Bad Boy
FanfictionIs love a choice or a feeling? Chandrielle's love story. Not your typical love story.