Third Rose: PART II
Warned
++++++++++++++++
That same day nong nalaman ko ang tungkol sa nangyari kay Elaine. I know she’s been bitchy to me, the same way I was to her but knowing what happened to her makes me feel bad.
That same day din nong nakita ko siya sa mall and again, it really creeped me out. Hindi ko na gusto ang mga nakikita ko. Is this a gift o sumpa sa ginawa kong kasalanan kay Cecil? Ilang beses ko nang itinanong sa sarili ko ito, kailangan ko bang paniwalaan ang lahat ng ito? If I need to then I have to do something pero hindi ko talaga alam kung bakit ito nangyayari sa akin. Wala ring nagawa ang pagtulong ni Terrence sa akin para makalimutan ang mga nangyari. Alam kong may hindi tama.
Nasa canteen kami ngayon ni Jocy at kumakain ng lunch. Wala si Terrence ngayon, may training camp kasi ang team nila sa soccer, he’s the striker kaya hindi siya pwedeng mawala doon. Bumiyahe sila kanina papuntang Tagaytay at bukas pa ang balik nila. Palagi na lang siyang wala.
Buntong hininga kong sinuyod ang mga estudyanteng kumakain din ngayon. Panay ang kwentuhan nila at tawanan. Nakita ko ang normal na mga kilos nila na parang walang nangyari. Kilala si Elaine na isang floozy sa buong school, hindi man maganda pakingan pero mukhang wala silang pakialam sa nangyari sa kanya. Naisip kong katulad din ito ‘nong pagkatapos sa nangyari kay Cecil, hindi naman siya kilala sa school but they don’t bother, everyone doesn’t care anyway except sa mga kaklase ko.
“Hoy!” tinapik ako ni Jocy.
Nilingon ko siya sa tabi ko at nakita ko ang mukha niyang nakairap sa akin ngayon.
“Tulala ka na naman” matabang niyang sabi. Nilayo niya yong pagkain niya at hinarap ako at suminghap.
“Ano ba kasi ang nangyayari sayo babae ka ha? Parang wala ka sa sarili palagi. Nagaalala na ako sayo girl. Sige nga, sabihin mo na nga sakin yong nangyari sayo sa party? Now is the time friend to tell me what’s wrong.”
Nakita ko sa mata niya ang pagkainis at pagiging seryoso niya sa tanong niya. Napabuntong hininga naman ako at sinagot na siya.
“O sige, sige na…” pumikit ako saglit at sinalubong ang tingin niya. Sige, sasabihin ko na sayo na ang kaibigan mo ay may sayad at nakakakita ng multo. Ikaw na ang bahala kung maniniwala ka o hindi.
Ikinwento ko lahat sa kanya ang nangyari. Nakita ko sa mukha niya ang pagtataka, ang pagaalala, ang pagkusot ng noo niya, ang pagtass ng kilay niya, ang pagsimangot niya, ang pagkainis niya. Halos lahat na ata ng ekpresyon ay ginawa na niya pagkatapos kong sabihin iyon lahat. May isang bagay lang akong hindi sinabi sa kanya at ‘yon ay yong sinabi sa akin ni Ara. Natahimik naman siya ng ilang sandali at tinitigan ako ng masinsinan. tumango tango siya.
“I believe you”
Huh? Seryoso ka? Napataas ang kilay ko.
“Talaga? You believe me?”
“Oo nga… e sino ba naman ang hindi maniniwala sa mala horror flick mong kwento girl, it’s so creepy” aniya at umarteng natatakot.
Ano ba tong babaeng to, kaibigan ko ba talaga to o ano? Umismid ako sa kanya.
Ngumisi siya at pinagdikit ang dalawang kamay namin. “Look… kaibigan kita at kilala kita, alam ko pag nagsisinungalin ka, so I believe you”
Napangiti ako sa sinabi niya. Pero teka, naisip ko na naman ang tanong ko sa sarili kanina. Kailangan ko bang paniwalaan ang lahat? At kung maniniwala man ako, anong gagawin ko para matigil na ito?
BINABASA MO ANG
18 Roses [On Hold]
HorrorSYNOPSIS 18th Birthday, na kung tawagin sa atin ay Debut ng isang babae. Mainly the age of maturity. This is a celebration of the debutant where she gets to have: "18 Items" as rites "18 Candles" where she is mostly given best wishes by her female f...