Fourth Rose: PART III
Apparition
++++++++++++++++
Maica's POV
Halos isang oras na ang nakalipas ng nakarating sa bahay nila ate Rizza ang mga pulis. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kay David. Namaga na rin ang mga mata ko sa kakaiyak kanina at si Terrence na kasama ko ngayon lang ay lumabas ng kotse at sinalubong si Dad na papalabas ng gate. Hindi rin magkamayaw ang mga taong nakikiusyoso sa paligid ng bahay nila. Pinagmasdan ko ang paguusap nila ni Dad saglit at bumalik na rin si Terrence sa loob ng kotse.
"Anong sabi ni Dad?" I was eager to ask. Gusto kong malaman kung paano iyon nangyari kay David. I still can't believe want happened.
"He wanted me to bring you home" seryoso niyang sabi at pinaandar ang sasakyan.
"Pero sina ate Riz?" napapailing kong sambit.
"Ang Dad mo na ang bahala sa kanila. For now, I have to take you home. Kailangan mong magpahinga" may pagaalalang sagot niya.
Hindi na rin ako nagpumigil at sumunod sa desisyon niyang umuwi kami kahit na gusto kong samahan sina ate Rizza doon at damayan sila. Marami ako ngayong tanong sa mga nangyari. Hindi ko ito maintindihan.
Habang papalayo kami ay napagmasdan ko ang paglabas ng isang stretcher sa loob ng bahay nila at sa ibabaw nito ay ang isang taong nakasaklob ng white sheet at inihahatid sa isang ambulansya. Hindi ko mapigilang umiyak. Pumikit na lang ako at sinubukang wag isipin ang mga pangyayari. Naramdam ko na lang ang kamay ni Terrence na humawak sa kamay ko habang patuloy sa pagmamaneho.
Ilang minuto na rin at nakalayo na kami. Napansin ko na lang si Terrence na malalim ang iniisip.
Napatikhim siya.
"Did you see something?" seryoso niyang tanong habang nakatingin sa daan.
Nalito ako sa tanong niya. Anong ibig niyang sabihing nakita ko?
"May nakita ka bang kakaiba kanina?" paguulit niya.
Hindi ko pa rin siya maintihan. I was puzzled. "Bakit" tanong ko sa pagtataka.
Saglit siyang napatingin sa akin at humarap ulit sa daan.
"Ah...wala naman" aniya at bumuntong hininga. Napagmasdan ko ang seryoso niyang mukha.
Hindi ako makapagisip ng maayos sa pagkabalisa sa mga pangyayari kaya pinalipas ko na lang ang gabi namin na tahimik na umuwi.
~~@~~
The next day ay hindi ako pumasok ng school. Hindi rin naman ako makakapag focus sa pag aaral kaya mas mabuting dito muna ako sa bahay. Hindi rin matanggal sa isip ko ang ibig sabihin sa tanong ni Terrence kagabi. Hindi ko pa rin alam kung ano o sino ang tinutukoy niya. Umiling ako at sinubukang wag isipin na lang iyon.
Sa kabila ng lahat ng nangyari kabagi ay hindi ko lubos maisip kung bakit nangyari iyon kay David. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang itsura niya nong natagpuan ko siyang nakahandusay sa sahig at may saksak sa dibdib. Napailing ako. Why would someone do that to him?
Bakit siya namatay? Hindi. The quesiton is sino ang pumatay sa kanya at ano ang motibo niya? Pumaibabaw din ang pagtataka ko sa nangyari.
Biglang na lang pumasok sa isip ko ang pagpapakita ni Cecil kagabi.
Could it be...
Umiling ako. Hindi. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapigilang maluha. This is just like what happened to Cecil. Napalubog ako sa pagkakahiga sa kama at sinakluban ang buong katawan ng kumot.
BINABASA MO ANG
18 Roses [On Hold]
TerrorSYNOPSIS 18th Birthday, na kung tawagin sa atin ay Debut ng isang babae. Mainly the age of maturity. This is a celebration of the debutant where she gets to have: "18 Items" as rites "18 Candles" where she is mostly given best wishes by her female f...