Third Rose: PART I
Forget
++++++++++++++++
Maica Santos' POV
He was holding me by his side. He was caressing my head na nakasandal sa dibdib niya and I was just silent, listening to his warm heartbeat. Naamoy ko naman ang pabango niya and suddenly I felt ease inside me. As long as he's with me, I won't be scared.
Binuksan niya kanina 'yong TV para hindi masyadong tahimik. We were sitting on the sofa sa may sala at the moment at magkayakap sa isa't isa. It's okay we're like this, wala naman kasi sila mama ngayon. Tumungo siya sa akin habang ako naman ay naka tingin sa TV. Niyapos niya 'yong pisngi ko sabay hawi sa mga bakas ng luha ko kanina. Napatingala naman ako sa ginawa niya at nakita ang mapupungay niyang mga mata.
"Look... No one's gonna harm you as long as I'm here" mahina niyang sabi and then he kissed my forehead.
Napangiti na lang ako after he did that at sabay na kinilig. I'm so lucky. Siya na ata ang pinaka sweet na boyfriend so buong mundo.
Kung pwede lang sana ay dito na lang siya tumira. Lumalakas ang loob ko kapag kasama ko siya. Nababawasan ang pagkatakot ko pag niyayakap niya ako. Cheesy na kung cheesy but he's like my Night in shining armor na basta na lang susulpot to save me from my nightmares. How I wish he would always stay by my side. I need him beside me specially when he already knows what's happening to me.
Naikwento ko na kasi sa kanya 'yong kanina, 'yong mga nangyari kahapon, sa debut at tsaka sa pagtawag niya sa phone ko. Lahat ng mga paranormal na nangyari sa akin ay sinabi ko sa kanya. Nakita ko naman sa mukha niya ang siryoso niyang pakikinig kanina pero mukhang hindi naman siya naniwala sa mga sinabi ko but he was also serious when he said to me to call him right away if something happens again. Well I hope hindi na nga ulit mangyari iyon cause I couldn't bare to ignore those horrifying things anymore.
Napasulyap ako sa mga kamay naming magkahawak ngayon habang pinaglalaruan niya ito. Ilang minuto din kaming ganoon ang posisyon hangang sa narinig ko na siyang nagsalita.
"Let's go out?" anyaya niya.
Napaupo ako ng maayos at tiningnan siya. Tumahimik naman siya saglit at suminghap.
"We have to do something about those things and I'm gonna help you get rid of it."
Napapikit ako saglit and I felt the embarrassment to myself 'nong sinabi niya iyon. Parang gusto niyang sabihin na tigilan ko na ang kahibangan ko at gumising na sa katutuhanan. But I know that's not what he ment. I was traumatized about what happened to Cecil and now the guilt in me is also haunting me.
Tumayo siya at inalay ang kamay niya sakin.
"Let's stress it all out and forget all of it." Utas niya sabay ngiti sa akin.
Sinabayan ko rin siya ng ngiti at agad na humawak sa kamay niya para makatayo. Gosh! Ang gwapo ng lalaking to. Sino ba naman ang hindi mapapapayag sa itsurang yan.
"Okay... magpapalit lang ako" sabi ko at agad na dumaretso ng kwarto.
Kung kanina ay ayaw kong lumabas ng bahay, pero matapos ang nangyari kanina sa kusina e mas gugustohin ko pang mag stay out na lang muna at mamayang gabi na lang ako uuwi pag nakauwi na si ate Grace. Kahit tinatamad ako ngayon ay lalabas ako ng bahay. I don't want to jail myself anymore from Cecil's grudges.
Nong nakabihis na ako ay lumabas na kami ng bahay and then I saw his car sa labas ng gate. Napatas naman ang kilay ko.
"Ayos na 'yong car mo?" tanong ko sa kanya 'nong nakalapit kami sa kotse.
BINABASA MO ANG
18 Roses [On Hold]
TerrorSYNOPSIS 18th Birthday, na kung tawagin sa atin ay Debut ng isang babae. Mainly the age of maturity. This is a celebration of the debutant where she gets to have: "18 Items" as rites "18 Candles" where she is mostly given best wishes by her female f...