Second Rose: PART II (The Night)

1.5K 26 6
                                    

Second Rose: PART II

The Night

++++++++++++++++

“Ladies and Gentlemen. Please welcome our Debutant for tonight, Miss Maica Santos!”

Narinig ko ang palakpakan at hiyawan ng mga tao habang nilalandas namin ni ate Grace ang daan papunta sa stage.

This is it. Ito na nga ang araw na pinaka hihintay ko. This is the day that I can say to myself that I am now a full grown woman. Hindi ko mapigilan ang tuwa sa aking sarili.

Malaki ang hall na nirentahan nila mama kaya umaalingawngaw ang mga palakpakan nila. May pagka vintage ang theme ng party kaya may pagka classy ng kaunte. Hindi ko nga alam kung paano na afford nila mama at papa ang magarbong party na ito. We’re not that rich para makapag diwang kami ng ganito ka ingrandeng celebration. But I’m so happy.

Inalalayan ako ni ate Grace sa paghawak sa suot kong ball gown na hanggang sahig ang haba.Nagtungo kami sa may hagdan ng stage. Niyakap niya ako ng mahigpit.

“This is all for you” aniya.

Nakita ko sa kanya and medyo maluha luha niyang mata habang naka ngiti siya sa akin.

Tinaas ko naman ng kaunte ang dulo ng gown ko para hindi ko maapakan sa pagakyat, at nang nakarating ako sa taas ay nakita ko naman si Jocy sa kabilang dulo sa baba ng stage at nakatuon pa rin siya sa pag vi-video sa akin. Ngumiti ako at kinawayan siya, kumaway rin siya sa akin. Nakita ko sa gitna ng stage ang isang white chair na pinapaligiran ng  iba’t ibang klase ng bulaklak. Napaluha ako sa paglakad palapit sa upuan, hindi lang dahil masaya ako kundi nadadala ako sa kanta ni Tamia na Dance My Dreams na pinapatugtog ngayon.

Nakaupo na ako at nakita ko sina mama at papa sa unang table sa harap ng stage. Buti naman. Kahit ngayon lang ay nakita ko ulit silang magkasama. Nakita ko si ate Grace na nakaupo na sa tabi ni mama na panay ang iyak habang kumakaway sa akin. Si papa naman ay nakangiti lang sa akin at  ang katabi niyang kumakaway sa akin ngayon ay si kuya Christian. At last, I see my family whole again kahit ngayon lang.

I’m so happy. Ito na ata ang pinaka masayang araw sa buhay ko. Isang beses lang ito mangyayari and I will treasure this memory hanggang sa tumanda ako. I just hoped that Cecil is here. Naalala ko ito ang araw na pinaghandaan namin, ito ang araw na pinagplanuhan namin, at ito rin ang araw na nagpromise siya na hindi siya mawawala sa kaarawan ko. I took a deep sigh.

I just hope na maging masaya siya para sa akin at sana mapatawad niya rin ako sa nagawa kong kasalanan sa kanya.

Nag simula na ang program at nagsalita sa gilid ng stage ang muse para sa mga magaganap sa program. Naisip ko na may isa pa palang tao na wala dito ngayon. Napasulyap ako sa mga taong nakaupo sa mga white clothing tables. Nakita ko sina sir Arthur at ang mga classmates ko, nandoon si Mateo. Mabuti naman at dumating siya. Lahat sila ay naka formal attire. Pero ang hinahanap ko talaga ay si Terrence kaya lang wala pa rin siya.

“Asan na ba siya?” bulong ko sa sarili habang sinusuyod ang mga upuan.

18 Roses [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon