Fifth Rose: PART III (Blackout)

873 15 5
                                    

Fifth Rose: PART III 

Blackout 

++++++++++++++++

[Maica’s POV]

Pinagmasdan ko siya habang nakatayo sa gitna ng mga audience. Hindi ko mapiligang matakot sa hitsura niya.

Tumikhim ako at sinubukang pakalmahin ang sarili. May kutob akong may mangyayaring masama ngayong gabi. Kung may kinalaman man si Cecil sa pagkamatay ni David ay kailangan ko siyang pigilan sa maaari niyang gawin ngayon. Natatakot ako pero kailangan kong malaman kung bakit siya nandito.

Nakita kong tumalikod ito at naglakad papuntang stage pero nagulat ako nong napansin ko ang nasa kamay niya.

Oh my God! May hawak siyang kutsilyo!

Kinabahan ako lalo. Anong gusto niyang gawin? Hindi na ako mapakali. Agad ko siyang sinundan papunta doon.

“Okay let’s give it up for Summer Dawn!” anang muse.

Nagsihiyawan ang mga tao sa pagakyat sa stage ng bandang Summer Dawn. Napalingon naman ako doon sa stage. Sandaling nabaling ang atensyon ko sa kanila hangang sa nawala sa paningin ko si Cecil.

Wala na siya. Mabilis akong napalinga sa paligid.

Bakit siya may hawak na kutsilyo? Napailing ako.

Napatingin ko sa may gilid ng stage and there I saw Nick’s band at nagaantay ng turno nila sa pagtugtug. Pero wala pa rin si Ronan.

Suddenly, I noticed someone from a far at tumatakbo papunta kayna Nick at may dalang gitara sa likod niya.

“Ronan!” bulong ko sa sarili.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan nong nakita ko siya. Bigla kong naalala ang pangitain ko sa kanya nong hinawakan ko ang mga rosas doon sa locker ko kahapon.

Anong ibig sabihin non?

~~@~~

[Ronan’s POV]

Late na ako. Napatakbo na ako papuntang back stage at mabuti na lang ay naabutan ko pa sila Nick na nagaantay sa baba ng stage. Alam kong magagalit si Nick sa akin ngayon dahil ilang araw din akong hindi sumipot sa mga practice namin.

“Dude! Saan ka ba galing? You got me worried sick man.” untag ni Nick. 

“Sorry guys” hinihingal kong sabi.

Napataas naman ang kilay niya. “You look pale… Kaya mo ba?”

18 Roses [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon