Sixth Rose: PART II
Ara
++++++++++++++++
[Maica's POV]
I was running late to school. Nagmadali na akong magbihis at bumaba ng hagdan papuntang sala para kunin yung bag ko and there I saw mama na nag aantay na sa akin sa baba at nakahanda na. She was waiting for me.
"Maica late ka naman!" she shouted.
Agad kong kinuha yung bag ko at dali-daling sumunod sa kanya palabas ng bahay. Wala na rin si ate Grace sa bahay. Naka duty siya ngayon sa hospital.
"Ba't ba parati ka na lang nalelate? Hindi ka naman ganyan dati ah..." she exclaimed habang papalapit kami sa kotse niya.
Hindi ko naman siya nasagot. I was still drowsy. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil dun sa napanaginipan ko. It's because of those dreams.
Tahimik kaming pumasok sa kotse. She started the engine at pagkatapos ay umalis na ng bahay. She was focused on the drive way. It was silent, and then I saw her sighed at tuminging sa akin.
"You should sleep more..." anya at saglit na hinawakan ang pisngi ko. "Listen. What happened to your classmate was tragic... I know how you feel at alam mong andito ako para sayo pero kailangan mong alisin sa isip mo ang mga yan. Try to do other things na makakapagpasaya sayo. It will help you be better. I know it's hard but try to move on."
She was right. None of this would help me. Pero sinubukan kong gawin iyon. Sinubukan kung kalimutan ang lahat pero sa twing nagpapakita sa akin si Cecil ay pinapaalala niya sa akin ang mga pangyayari. At lalong hindi ako mapapanatag dahil alam kong siya ang pumatay kayna David at Ronan. I know it was her. Kasalanan ko kung bakit siya namatay and now she's putting her revenge on my friends at hindi ko pwedeng hayaan lang yun.
Nakarating na kami sa harap ng gate ng school nang may na pansin ako.
"Yung ale?" bulong ko. Napatingin naman si mama dito.
Nandito na naman siya at nakaabang sa labas ng gate. She was with her usual self. Naka suot ng mahabang palda at nakasaklob ang isang bandana sa ulo niya na siyang tumatakip sa mukha niya.
Hininto ni mama yung kotse sa harap.
"Ma'am... papasok po ba kayo sa loob?" she asked nicely.
Agad naman siyang umiling at bahagyang lumayo sa amin na parang aalis na.
I remember nung nakasalubong ko siya dati sa may corridor. Naalala ko yung sinabi niya sa akin that time.
~Flashback~
"Mag ingat ka sa kanya!"
Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"A..ano po?"may pag alinlangan kong tanong at sinubukang tanggalin ang kamay niya sa kamay ko.
"Kailangan mo siyang pigilan bago pa mahuli ang lahat!"
~End of flashback~
Agad akong lumabas ng kotse at nilapitan yung ale. She knows something at kailangan ko iyong malaman. Si Cecil ba yung tinutukoy niya?
"Nay... may hinahanap po ba kayo?"
"Ah.. wala iha." Iling niya.
Ganyan din ang sagot niya nung tinanong ko siya dati. I suddenly noticed something on her hand. Nakita ko ang isang litrato ng isang babae.
BINABASA MO ANG
18 Roses [On Hold]
HorrorSYNOPSIS 18th Birthday, na kung tawagin sa atin ay Debut ng isang babae. Mainly the age of maturity. This is a celebration of the debutant where she gets to have: "18 Items" as rites "18 Candles" where she is mostly given best wishes by her female f...