First Rose: PART III (Invitation)

1.6K 32 1
                                    

First Rose: PART III

Invitation

++++++++++++++++

Hanggang ngayon ay naging palaisipan parin sakin ang mga sinabi ni Ara. Anong ibig sabihin niya dun?  May mangyayari bang masama sa party mamaya? May aksidente bang magaganap? At paano niya alam kung anong mangyayari. Sa pagiging tahimik niya ay hindi ko naisip na magsasabi siya ng ganung bagay sa akin. Hindi ako mapakali.

“Pass your papers!” striktong sigaw ng professor namin.

Pinasa ko na yung sakin pero nakita ko si Jocy nakakunot ang noo habang nakatitig sa test paper niya, hindi pa siya tapos sa pagsagot. Ni ako man ay hindi natapos sa pagsagot ng maayos dahil sa kakaisip sa mga sinabi ni Ara kanina.

“Miss Mahinhin! I said pass your paper!”

Napatalon bigla si Jocy sa pagsigaw sa kanya ni sir.

“Ito na  po sir” sabay pasa niya. Napahalakhak naman ang mga kaklase namin.

Palabiro itong si Jocy parate pero pagdating sa pag-aaral ay masinop at napakaseryoso nito.

“Okay, you can all go now” ani professor.

Agad kaming nagligpit at nagsilabasan.

“Nasagutan mo ba lahat?” tanong ni Jocy.

“Hindi nga eh” sagot ko sa kanya habang tinatahak namin ang room ng next subject namin. Hindi ko pa rin kinikwento sa kanya ang tungkol sa sinabi sakin ni Ara kanina. Baka naman kasi sugurin nya yun bigla. Hindi ko rin naman alam kong totoo yung sinabi niya.

“Eh Halos lahat ba naman ay Essay” Napakamot siya. “Siya nga pala, sino ba yung babaeng nakaaway mo kanina sa CR?”

Napatalon ako bigla sa tanong niya.

“Ah siya ba? Ah eh Ara Ortega ang pangalan niya. T-tsaka hindi naman kami nagaway.”

“Eh ba’t ka natumba? Tinulak ka ba niya?”

“ Ay h-hindi, nalock kasi kami sa loob kaya kumatok katok kami sa pinto tapos bigla mong nabuksan yung pinto kaya na tumba ako” pagsisinungaling ko sa kanya. Sumulyap ako sa mata niya at nakataas ang kilay niya.

“Sa totoo lang mabait yun, medyo tahimik lang. Naging magkaklase kami last year sa isang subject”  dinagdagan ko agad yung sagot ko.

“Huh? Eh magkasama naman tayo sa lahat ng subject ah” pagtataka nya.

“Diba may nidrop kang subject last year, yun yung time na naging magkaklase kami”

18 Roses [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon